A. SOME INFORMATION ABOUT BULLYING
·
71% of students report
incidents of bullying as a problem at their school.
·
1 in 10 students drop
out of school because of repeated bullying.
·
As of September 2015, mayroong 31 na insidente ng bullying ang
nirereport araw-araw sa ating bansa.
·
4 1 in 4 teachers see nothing wrong with bullying and will
only intervene 4% of the time.
Isipin natin ‘yun 4%...4% lang ang may pakialam! 4% lang ang
tutulong?! Kaya hindi kataka-taka kung ang panlima…
·
Suicide is the most prevalent cause of death around the globe than
murder.
Oo Suicide.
Pagpapakamatay! Nakakalungkot isipin na may nagpakamatay na nga kung anu- ano
pa sasabihin ng iba na kesyo ganito kasi o ganyan dapat. Kinulang kasi sa dasal
o paniniwala. Walang empathy
ang iba kung minsan. Namatayan na nga kung anu- ano pa ang sinasabi, hindi
iyon ang gusto na marinig ng isang tao na may pinagdadaanan. Kailangan nila ng
may uunawa sa kanila at makikinig. Saka ano kaya iisipin ng mga mahal sa buhay
non kung sakaling mabasa o marinig yung sinasabi mo, di ba? Noong nabubuhay
siya, bakit hindi mo tinulungan?
May mali. May mali
talaga. May kulang rin. Napapansin ko at parati kong naririnig na lang…walang
mabubully kung hindi magpapabully. Nauunawaan mo ba iyon?
Para mo na ring
sinabing, walang marerape kung walang magpaparape. Bakit ginugusto ba ‘yun ng
iba, palagay mo ba hindi sila lumaban sa paraan nila?
May mali eh.
Sinasabi kasi na… ’You
need to be strong! You need to fight the bully! Wag ka kasing ganyan! Lalampa-lampa
ka! Mukha ka kasing mahina! Ganto kasi yan kapag inaway ka, awayin mo rin!’ Ganon? Kung ganito ang mangyayari na
laging advice eh napaka-one
sided. Uulit at uulit pa rin ang cycle!
Dapat na tayo ang maging
open-minded, marunong rumespeto ng pagkakaiba-iba (oo medyo mahirap ‘yun lalo
na kung palagay mo hindi siya karespe-respeto pero gawin mo para sa sarili mo),
at tanggapin na magkakaiba tayo kaya wala tayong kakayahan na ipangalandakan
ang gusto nating mangyari sa iba. Magkakaiba
tayo ng life experiences. Kung
paano nakatulong sa’yo ang isang bagay, maaaring hindi makatulong sa kanya.
So ano ngayon? Dapat tayo mismo, sa sarili natin at ymay
kusa tayo na pipigilan ang sarili natin na mapalaganap ang pambu-bully sa
kapwa.Kung minsan kasi tayo pa yung isa sa dahilan kung bakit mas lumalala eh.
Nakikitawa pa tayo.
Disiplina, pang-unawa,
paggalang at higit sa lahat, pagmamahal sa sarili. Kasi kung ang bawat tao ay hindi yan matututunan sa sarili nila,
malamang hindi rin sila magiging masaya sa mga taong nakakasama nila. Kung
ikaw, masaya ka at kuntento sa sarili mo, mahihikayat kang i-lift up ang iba at
hindi tatapakan. Mas maraming positibo ang makikita mo kaysa sa negatibo. Kasi
alam mo sa sarili mo na mahalaga ka, na unique ka, nirerespeto mo ang iba at
tanggap mo sila.
Ang hirap kasi sa atin,
hindi natin kung minsan inaalis yung lente. Yung lente, tulad ng nasa salamin
ng may malalabong mata (tulad ng suot ko). May
invisible kasi tayong salamin. Ang
lenteng ito ay yung sumisimbulo, na binubuo ng ating karanasan, oryentasyon,
mga paniniwala, at kinalakhan. Iyan ang mga materyales para mabuo ang salamin
na iyan… at kapag suot mo yan. Iyan ang nagbigay ng kulay sa mga bagay sa
paligid mo. Paano mo nakikita ang mundo at kung papaano mo nauunawaan ang mga
tao.
TANONG NA DAPAT MONG
ISIPIN NGAYONG ARAW:
Sa araw na ito, mayroon
ka na bang nakitang maganda sa kapwa mo? Ilang beses mo nakita ang magandang
mga bagay? O puro negative ang nakikita mo?
Kapag puro negative,
ibig sabihin kailangan mo nang baguhin yung lense mo. Kailangan mo ng baguhin
yung attitude mo toward another person, objects, or events.
B. ANO BA ANG BULLY? SINO ANG BIKTIMA? ANO NA
ANG NANGYARI SA KANILA MAKALIPAS NG PAMBUBULLY?
B.1. ANO ANG BULLYING?
Ito yung paghahari-harian o pagmamaton na isang uri ng paggamit ng
pananakot, pang-aapi, o panunupil, na isang ugali na nagpapakita ng agresyon,
pamimilit, dahas, o pamumuwersa upang maapektuhan ang ibang tao.
B.2. SINO ANG INVOLVED?
Binubuo ito ng dalawang importanteng sangkap, ang naghahari-harian
o bully at ang binubully.
Ang bully ay ang isang tao na nananakot, namumwersa o
naghahari-harian. Bakit? Lingid sa inyong kaalaman, ang mga bully ay mayroong
mga katangianna hindi rin nakikita o nauunawaan ng iba. Nararansan nila o
nararamdaman ang mga sumusunod:
Low self-esteem, low confidence, insecure, resentment, bitterness,
hatred, anger, envy, jealousy, inadequacy. Teka ma’am, nabanggit po ninyo
yung sa low self confidence, eh bakit po ang kapal nya o hindi po sya nahihiya
na pahiyain ako? Inferiority complex tawag diyan sa amin sa Psychology. Yung
low self-confidence nay an, kinokompensate nya o parang pinagtatakpan niya o
pinupunan niya ng isang pagkilos para hindi Makita ng iba. May pinagdadaanan
sila, kaya sila ganyan.
Ang mga binubully sa kasamaang palad, hindi lang sila yung mga
taong may mali sa itsura, pag-uugali dahil mukhang mahina o kaya naman naiiiba.
Ito ay taliwas rin sa kaalaman ng iba, may mga cases na binubully ka dahil
maaaring napagdiskitahan ka ng mga oras na iyon, magaling ka sa ginagawa mo,
sikat (haters gonna hate ika nga, tulad ng mga artista daming nambubully sa iba
sa kanila, mataas ang integrity o values, pinakamatanda o bata, o in
short may kakaiba sa’yo na hindi nakikita rin sa iba.
Ito naman ang nararanasan ng isang nabully sleep disorders, poor
self esteem, lack of ability to cope with even simple jobs, hypertension,
eating disorders, nervous conditions, low morale, apathy , depression,
impaired personal relationships, removal of self from workplace - psychologically,
physically (sick leave, stress leave, resignation), drug abuse, self harm, suicide.
C. MGA SIKAT NA TAONG NAKARANAS NG BULLYING
Jennifer Lawrence,
Sandra Bullock, Steven Spielberg, Yeng Constantino
Kiray Cellis, sa kwento
naman niya siya ang bully pero at one point ginamit niya raw yung dahil siya ay
palaging inaasar sa school. Lumalaban daw siya kaya noong tumagal naging bully
siya. Nakakahiya daw yung bagay na iyon. Sa pag aartista naman, tulad ni Yeng
Constantino, kailangan araw matutunan ang art of deadma. Iyon ang ginawa nila
para sa sarili nila. Pero papaano naman sa iyo? Sa iba? Papaano sa mga
pangkaraniwang tao?
D. MGA KARANIWANG TAO NA NAKAKARANAS NITO:
NASAAN NA SILA NGAYON? NASAAN NA RIN ANG MGA BULLY?
“Sticks and stones might
break my bones but words will never hurt me.“
-Anon
Totoo ba ito? Physically
pwede kang masaktan pero ang mga salita hindi ka kailanman masasaktan? Mali!
Nag-iiwan yan ng sugat. Nagiging peklat sa pagkatao mo. Dala-dala mo hanggang
pagtulog at hanggang pagtanda. Kaya nga masakit hindi ba, kapag narinig mo sa
isang mahalagang tao kung minsan kapag nareject ka o mapagsalitaan ka ng hindi
maganda? Hindi ba masakit? Kapag nalaman mong sa bibig pa niya nanggaling yung
mga salitang umaalingawngaw pa sa tenga mo. Ngayon mo sabihin sa akin, hindi ka
masasaktan sa salita lang?
Baboy. Pandak. Maitim.
Pangit. Unggoy. Panot. Kalbo. Tanga. Bobo. Ilan sa mga salitang madalas nating
marinig sa iba o kung minsan sa atin pa mismo nanggagaling.
Naisip mo ba o
naramdaman mo na ba kung ano ang pakiramdam ng masabihan ka nito?
Lizzie Velasquez, isang
babae na may sakit na progeria. Siya ang tinagurian na “The Ugliest Person in
the World.” Imagine the ugliest person in the world. May sakit siya na
progeria, hindi siya maka acquire ng fats at nahihirapan din sya dahil sa
muscles niya dahil sobrang payat niya. Wala siyang kamalay-malay isang araw,
pag-uwi niya galling school na kumalat na ang video na naglalast ng ilang
Segundo sa youtube at nakalagay doon the Ugliest Person in the World.
Hindi man lang naisip ng
mga tao na mababasa ni Lizzie comments nila. Yung mga hate na hindi niya alam
kung saan nagmula dahil hindi naman niya personal na kilala ang mga iyon.
Sasabihing magpakamatay ka na kasi pangit ka, na kung madatnan mo ang isang
katulad niya sa bahay ay mabubulag ka.
See? Ilan sa atin ang nagpapakalat
ng larawan sa social media ng mga taong hindi natin kilala at hindi vinalidate
at sinasabi doon na mag-ingat dahil kawatan, mag-ingat kasi scammer, mag-ingat
kasi bastos, mag-ingat kasi walang galang…na hindi natin alam kung totoo? At
manghuhusga pa na dapat sa mga ganyan pinapatay. Sabihin mo sa akin, kilala ba
natin sila? Naging close ba tayo doon para masabi nating yung mga ganyang bagay?
E. ANO ANG MAAARI MONG GAWIN? PAANO KA
MAKAKATULONG? PAANO MASISIGURONG HINDI AKO NAKAKADAGDAG SA PAGPAPAKALAT
NITO?
Hindi naman psychologist ang lahat para magdiagnose ng taong
depressed at bibigyan ng lunas. Lalo na yung mga depressed na tao na nakaranas
ng bullying. Ngunit may ilang mga paraan para makatulong tayo.
REFLECT.
Gusto kong pumikit ka at itanong ang mga
bagay na ito sa iyong sarili. Ngayong araw, ilan na ba ang napuri mo sa mga
kapwa? O baka mas marami kang nakikitang hindi maganda? Mga kamalian ng iba?
Kung nabilang mo o napansin mong mas marami kang napapansing hindi maganda,
baguhin mo. Dahil negative iyan. Seek
happiness by looking at the bright and beautiful things about people.
TALK IT OUT
Mababawasan iyan kung sasabihin mo ang problema mo o kaya naman
kakausapin mo ang isang taong nangangailangan ng kaibigan. Pero tandaan na may
tamang paraan na pakikipag usap sa isang taong nabully.
Iwasan mong sasabihin na lilipas din yan o magiging ok lang ang
lahat dahil hindi mo alam kung hanggang kalian siya magiging maayos. Makinig ka
lang at subukin mong ilapit ang problema sa isang taong mas makakatulong sa
kanya kung alam mong malala na rin yung nararanasan niya.
EMPATHIZE
Hindi ito simpleng simpatya kundi mas malalim na pang unawa sa
tao. Nauunawaan mo yung nararamdaman niya. Kung gaano kahirap yung nararanasan
niya na walang halong panghuhusga.
AWARENESS
Kailangan na maging bukas ang isipan mo. Hindi masasabing awareness yan kung pipiliin mo lang ang mga
bagay na gusto mong malaman. Tumingin ka sa paligid mo kung sino ang
nangangailan ng tulong. Mapapansin mo naman iyon kung malaki ang problema niya
at subukin mong unawain siya.
ACCEPTANCE
Pagtanggap na hindi ka perpekto at nagkakamali ka. Ganoon na rin
sa taong nasasaktan mo. Walang pagbabago kung hindi mo kayang aminin sa sarili
mo na nagkakamali ka. Wala namang tao ang perpekto, di ba?
REPORT
Magreport at wag isabahala ang mga napapansin mo dahil sayang ang
bawat buhay ng tao.
Ang lahat ng ito ay alay ko sa mga nasaktan, kinalimutan, kakaiba,
weirdos, freaks, o mga taong pakiramdam nila na nag-iisa sila sa laban nila.
Alay ko to sa mga taong nais nang sumuko dahil walang sinuman ang tumulong para
kamustahin siya o kumatok man lang para pasukin ang mundo niya para maunawaan
siya. Alay ko ito sa inyo.
Nalulungkot ako at nanlulumo sa mga nakikita ko. Nalulungkot ako…na kung
minsan naiinis…nagagalit…pero mas lamang ang lungkot at panghihinayang sa tao…
sa atin. Bakit marami ang mapagkunwari at hindi maamin na dapat nating
tanggapin ang bawat isa dahil tayo ay ginawa nang kahit na hindi man
pantay-pantay pero nag-iisa at naiiba.
Bakit hindi natin tanggapin na kailangan natin ang isa’t-isa? Na
walang tayo kung hindi natin yayakapin ang kabuuan ng pagiging tunay na ako at
tunay na ikaw. Na magkaiba tayo at tanging pagtanggap lang nito ang magdadala
para magkakaroon ng kaayusan.
Hindi natin kailangang maging pareho, ang kailangan natin
pagtanggap at pang-unawa. Dahil kung magkapareho tayo, wala nang saysay para
mag-usap-usap pa tayo. Wala nang saysay para punan mo ang pagkukulang ko at
pupunan ko ang pagkukulang mo dahil wala ka na mayroon ako at mayroon ako na
wala ka.
Tandaan mo, ang liit lang ng mundo. Tuldok nga lang ang mundo
natin sa kalawakan eh. Kaya mas tuldok ka pa sa tuldok na ‘yan. Masyadong
maiksi ang panahon para maging malungkot at magsisi. Matuto tayong maghanap ng
maganda sa bawat araw at sa mga taong nakakasalamuha natin. Kung minsan yung
mga simpleng salita, iyon lang pala yung hinihintay nilang marinig sa kapwa
nila para ipagpatuloy pa nila ang buhay nila.
Note: Ang ilan sa mga impormasyon sa unahan ay hindi ko orihinal
na research. Ito ay katulad rin ng ibinahagi ko sa isang seminar ngayong
buwan.
Huwag kalimutang pakalatin ang Anti-Bullying Campaign!