Malapit na naman ang bagong taon, marami na naman ang lokohan
(hahaha biro lang). Alam mo ba, mas maraming pangako ang napapako pagkatapos
pumasok ang bagong taon? Marami sa atin na hindi napapansin ang ilan sa mga
bagay na paulit-ulit na nating sinasabi tuwing papasok ang bagong taon.
Ito ang ilan lamang sa mga hindi natutupad base sa mga naririnig
ko nang paulit-ulit mula sa mga katrabaho, kaibigan, kapamilya, kapuso,
kasangga at kaklase:
1. Mag-iipon na
talaga ako at hindi na gagastos pa. Usapang
financial ito pero ewan ko na lang. Mahirap iwasan ang pagkain kasi iyan ang
una nating pangangailangan. Malamang kapag may bagong bukas na resto hindi ka
na naman magpapahuling hindi
kumain at ma-picturan iyon.
2. Magdidiet at
mag-eexercise na ako! Kung natupad yan last year, for sure, may abs ka na ngayon. Gusto mo kasi ng healthy living pero
kapag niyaya ka, hindi makakatanggi. Ang
karaniwang defense mechanism para dito, rationalization.
Scene sa Kusina:
*Nakakita ng pagkain*
Di bale, konti lang naman! Saka ngayon lang naman ako kakain,
hindi nakakadagdag ito ng fats. *nom nom nom*
Note: Pero sa totoo lang, mahirap talaga ang
pagdidiet kaya kailangan ng isandaang porsyentong motivation para magawa mo
ito.
4. Hindi na ako
magcocomputer talaga. Babawasan ko na talaga ang internet use. Oh sure, deactivate mo na account mo
pero palagay ko, ibabalik mo rin yan kasi checheck mo yung profile na hindi mo
matiis o kaya hindi mapigilan ng mga laman mo na i-check yung profile ng gusto
mong i-stalk o kaya may important kang gustong makita sa internet (biro lang).
5. Samakatwid, magbabago na talaga ako! Promise! As in, last na
last na! Sabi mo eh, sige
hintayin natin yan sa 2017. Kung iyan pa rin yung resolution mo, ewan ko na
lang.
Good luck na lang talaga! Kaya nga yata resolution talaga ang
tawag. Kasi reresolbahin mo ulit yung mga palagay mong problema mo na wala nang
katapusan. Paulit-ulit.
Huwag mo nang saktan ang sarili mo, hindi mo na nga napanindigan
yung sinabi mo noon sa kanya tapos pati ba naman pangako mo sa sarili mo
babaliin mo pa? (hugot aside).
Ang totoo kasi niyan, gumagawa kasi tayo ng new year’s resolution
kasi ito nga iyong tinatawag na “cultural
procrastination” ayon kay Pychyl. Ginagawa
natin ang mga ito kasi gusto natin talagang baguhin ang sarili natin ngunit hindi pa talaga tayo lubusang
handa na baguhin yung mga bad habits natin para maging good habits.
Kaya kung gusto mo talagang magbago at matupad yang mga
resolutions mo, mag plano ka at i-convert mo yung mga bad habits mo into good
habits. Halimbawa, gusto mo mabawasan ang paggamit mong internet, subukan mong
magkaroon ng schedule and be
specific kung hanggang anong oras ka lang maaaring gumamit nito. Sa
ganitong paraan, mas magiging productive ang araw mo at nakikita nakapaglalaan
ka ng oras sa bawat gawain mo.
Palagay ko, isa rin sa pinakamahalagang bagay na dapat mo rin
gawin ay huwag mo nang i-broadcast pa ang resolutions mo. Kung balak mong
baguhin siya, gawin mo na lang. Ayaw mo yun, masosorpresa sila?
Ilan sa mga articles tungkol sa new year’s resolution:
No comments:
Post a Comment