Showing posts with label Pinoy Articles. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Articles. Show all posts

Sunday, August 12, 2018

Multo


ni: Riyan Portuguez
Naniniwala ako sa multo
pero hindi tulad ng inaakala mo.
Ito ang mga alaala ng kahapon -
katangahan, kahinaan, galit, at poot.
Madalas na magpakita
sa mga panahong ikinakaila
Kung saan malalim ang gabi
Kung saan malamig ang hangin sa pag-ihip.
Naniniwala ako sa multo,
buhay na buhay siya na nakasunod na anino.
Tumatapang, lumalakas, at bumabalikwas
kapag alam niyang wala kang pagtanggap.
Naniniwala ako sa sarili kong mga multo.

Monday, June 18, 2018

PASENSYA NA, PROUD KAMI


Sa mga nagsasabi na bakit pa kailangan naming i-celebrate na mga LGBTQ+ ang achievement ng kapwa namin (like first ever transwoman na valedictorian) eh wala namang kinalaman ang gender sa kagalingan ng tao????
oh siya sige nandoon na tayo pero pasensya na ha kasi nasa minority kami eh. Hindi lahat sa LGBTQ+ nageexcel ng ganyan kaayos kasi marami sa amin hanggang ngayon (maniwala ka man o hindi), nakakaranas ng discrimination, power play, at less opportunities.
Pasensya na nagcecelebrate kami ng Pride Month para ipaalala sa maraming tao na tao rin kami at katulad ng straight mayroon rin kaming dapat na matamasang pantay na karapatan. Hindi naman special rights yun, kapag tao ka may karapatan ka. Ilang beses na ba namin yang iniinda.
Pasensya na kung hindi namin mapigilang maging masaya na makita ang kapwa naming LGBTQ+ na masayang nagcome out at maging proud sa sarili nila kasi hindi naman ganoong kadali lalo na't mapangmata ang mundo. Hindi lahat ng katulad namin kayang maging proud sa sarili. Hindi lahat kayang magcome-out sa identity at orientation namin. Hindi lahat nabiyayaan ng magandang pamilyang tatanggap sa kanila o mga kaibigan na pwedeng takbuhan kapag sobrang liit na ng mundo mo.
Pasensya na kung nagiging masaya kami sa maliliit na progress ng community namin. Pasensya na dahil hindi naming mapigilang maging masaya para sa kapwa namin kapag may achievements sila kasi nagpapalawak ng safe place para sa amin. Nagkakaroon kami ng lakas na makita yung kagandahan ng bawat isa kahit na ipinapamukha sa amin yung pagkukulang namin at hindi namin kayang gawin.
Pasensya na kung sa bawat pagcome-out ng katulad namin, natututunan namin na tanggapin rin ang sarili.
Basta ang alam ko. Ang pag-ibig ay pagtanggap sa kung sino at ano ka...na ang pag-ibig ay pagpapalaya!
Kaya proud ako sa sarili ko. Proud kami sa kanila.
Malaya kaming magmamahal at masayang mabubuhay! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿงก๐ŸŒˆ
#LGBTQ #PrideMonth #Kebslang

Monday, June 11, 2018

HORROR MOVIES IN A NUTSHELL

Dahil masarap manood ng horror para may kayakap sa malamig na panahon, dapat piliin mo yung nakakatakot. Charot. Sa totoo lang, hindi na talaga ako natatakot sa horror movies kasi kung minsan napepredict ko na eh. Nakakainis hahahaha. Kapag wala sa mga sinabi ko yung mapapanood niyo, eh di bongga! 1. Opening ng movie: bird's eye view yan tapos halos palaging building, dagat, o kaya pine trees tapos sinusundan ng camera yung kotse. HAHAHAHA. 2. Sa Patayan: Maliban sa mga asong namamatay o pusa, unang-una namamatay yung mga malalandi, naka-bikini, o kaya nakikipagsex. Hahaha. 3. Kahit na gaano kabagal maglakad yung killer, mahahabol ka niya promise! 4. Kitang-kita mo rin yung requirement na madadapa ang babae kapag hinahabol sila. Kahit anong mangyari dapat madadapa ka. ๐Ÿ˜‚ 5. Common aberya sa horror: hindi magstastart yung sasakyan, walang signal ang cellphone, putol ang linya ng telepono at flashlight! 6. Kahit gaano kayo madami, isa lang dapat ang matitira! ๐Ÿ˜‚ Saka kahit na madami kayo, dapat watak-watak kayong maghahanap! Ganoon yun para mabilis kayong mapatay! ๐Ÿ˜‚ O kaya iiwan ka sa isang lugar tapos babalikan ka kuno tapos teggy na bes mo HAHAHAHA. 7. Sa dami-dami ng panahon na maghahanap ka ng nawawalang bagay o tao, dapat sa gabi ka maghahanap! Kailangan umuulan rin saka walang kuryente. Ganern! ๐Ÿ˜‚ 8. Kapag hihingi ka ng tulong, may darating na pulis para mamatay. So ayun, huli ka pa rin! 9. Kailangan kapag hinahabol ka nasa main road ka! Tama, hindi sa gilid, sa main road para madali ka mahabol at masagasaan! 10. Kapag pupukpukin mo yung killer, dapat mahina lang, pwede rin kapag binaril mo dapat daplis lang o kaya isa na lang ang bala. Nakakaloka rin yung kapag napukpok o nakasaksak ka ng killer, bibitawan mo yung weapon na kailangan mo sa buong scene. Nakakairita. Di ba dapat dala mo yun? Weapon yun e!๐Ÿ˜ซ 11. Kadalasan rin kapag iiwan ang mga batasa horror, doon sa loob ng closet/cabinet, ilalim ng kama, at CR. 12. Doon naman tayo sa mga rason kung bakit sila napadpad sa ganoong lugar! Marami sa kanila lumipat ng bahay, nagbakasyon para mamatay o para ubusin ang barkada nila, o kaya binalikan niya kasi yung childhood nya. 13. Sa mga sapi naman, dapat babae ang masapian. Dapat babaliktad ang krus, lilipad sa kama, magshe-shake yung buong bahay. Tapos litanya na Latin o German para mas nakakatakot. 14. May mamamatay na pari sa movie. 15. Usually yung killer may dissociative disorder (formerly known as Multiple Personality Disorder) o kaya Schizophrenia. Hayst. Bakit po ganon? 16. Kapag magsasalita na yung taong mamamatay, dapat malagutan kaagad siya ng hininga para confused ang bida. Hays. Hahaha. Ano pa ba? May naiisip ba kayo? Grabe lang.

Tuesday, April 17, 2018

KNOW THYSELF

I just thought of the importance of knowing yourself. We need to know ourselves because sometimes we confused our own needs, emotions, and interests with that of another person's. We unconsciously project our own needs, emotions, and interests to them.

If we extend this to other situations, you'll hear problems such as "my parents want me to take this course because blah blah", "You're mad at me?", "I hate her because she hates me", etc. These are all examples of projections. We are unaware of what we truly feel and projects it onto others. It occurs when we don't confront our problems, recognize our emotions, when anxiety is too much to handle, or when we are frustrated. 

Here's the first rule and Socrates was right when he said it:
Know thyself.

Saturday, March 31, 2018

PAMAHIIN

Madalas na maniwala sa mga sabi-sabi
Mga guhit sa palad, tarot cards, horoscope, hugis o nunal sa mukha, o bituin sa langit,
inaalam, pinapakinggan, at sinusunod
dahil ano nga bang mawawala kung hindi susubukan?

Pinapaikot ng mga matatanda
Wala kang ebidensya pero mahigpit na naniniwala
dahil ano nga bang mawawala
kung hindi susubukan? Di ba?

Buong buhay ay naging masunurin
Nakahilera ang buhay sa klima ng pamahiin
Araw-araw ay sinusuot ang masusuwerteng kulay,
tinataya sa lotto ang numero sa dyaryo,
at sinubukang matulog ng mahimbing sa naayong direksyon.

Sa ilang libong beses na hiniling ang swerte
Heto ka't dumating sa aking piling.
Alam kong ikaw na iyon
dahil nang una kitang nakita'y suot ko
ang kulay berde kong damit.
Ito ay ganap na 11:11 ng umaga,
ito rin yung araw na nakaharap akong matulog sa silangan.
Naalala ko pa na sinabi sa horoscope
na magiging kakaiba ang araw ko
kumpara sa nakaraang lingo
at may makikilala akong magbabago ng aking pagkatao.

Nilingon mo 'ko nang umagang iyon.
Ngumiti ka dahil nakatingin ako sa'yo.
Pumikit at humiling sa relos ko na nagsasabing 11:11.
At alam kong ito na nga ang simula.
Wala akong ebidensya pero malakas ang aking paniniwala...
batid kong pumosisyon ang mga bituin
para mundo natin ay magtagpo.

Ipinagkaloob ka ng kalangitan.
Kaya’t inaalagaan ka araw-araw.
Mas nakilala pa kita at minahal na parang
walang sandaling dapat na masayang.
Sinunod ko pa rin ang pamahiin
para siguradong sa akin ay manatili.

Makalipas ng ilang buwang pagkakaibigan,
naging tayo sa araw ng otso
Sinabi kong swerte nga ako talaga sa’yo
“Infinity and beyond” pa ang ibig sabihin ng numero.
Nagpalitan ng yakap at halik
Hatid-sundo sa umaga at gabi
Walang araw na hindi maligaya
Ikaw ang naging sandigan at pag-asa.

Marami ng puno ang nalagas,
Kasabay ng mga araw na lumipas
Hindi ko akalaing sasama rin pala sa panahon
Ang relasyong ginawan natin ng pundasyon.
Biglang ang mga bituin sa kalangitan ay nagbago ng posisyon
Nagbago na ang mundo mo na akala ko’y pinatibay na ng mga pagkakataon.

Wala naman akong nunal sa mukha
pero bakit tumatagas ng madalas ang luha?
Wala ka naming nunal sa talampakan
pero bakit mo ko nilisan?
Natulog naman ako kaharap ng silangan
pero bakit nagbago ang direksyon at nag-alinlangan?
Saan ako nagkulang?

Ang tila otso na araw na para bang walang hanggan
natapos sa isang iglap ng walang hudyat?!
Mahina ba ang aking panalangin sa gabi?
Kaya ba binigay ka sa iba at hindi na sa akin?
Wala na akong kulay kundi itim at puti
pero madalas ay itim…

Pinaikot nga ako ng mga matatanda!
Walang ebidensya pero mahigpit na naniwala!
Naging sunud-sunuran sa mga sabi-sabi
dahil ano nga naman daw ang mawawala
kung hindi susubukan?! Di ba?!

Ano nga bang mawawala kung hindi susubukan?!
Eh ano nga  ba?! Nawala ako sa katinuan.
Sinubukan niya akong sukuan!
Bakit parang ang laki ng nawala?
Bakit parang may nawala? Bakit?

…Hindi na ako muling maniniwala sa pamahiin.
Hindi mo pala doon makikita kung sino ang makakapiling.
Isa ka lang sa mga sabi-sabi,
isa ka lang sa mga pamahiing
walang patunay, walang tibay.


Hindi na ako maniniwala sa pamahiin.

Friday, March 30, 2018

#TanongNiBes: How'd you know that psycho is for you? I want to know

My Personal Answer:

Since I saw your profile and it seemed like you're a fresh graduate from HUMSS, it's understandable na "psycho" yung term na ginamit mo. Hahaha. The right word should be "Psychology" not "psycho". Psycho is used as a shortcut for "psychopath." They are known as manipulative. They harm other people and damage the society because of their antisocial acts while Psychology is a discipline that studies human behavior and mental processes. Psychologist's main concern is to enhance the productivity and well-being of all people. ๐Ÿ™‚

To answer your question, well, at first I followed my father's wish to take political science because he wanted to see me as a lawyer. I enrolled in a prestigious school but I only stayed for 1 semester. During my stay, I encountered too many challenges such as adjustment, financial problems, and feelings that I don't belong in my course. Walang spark of joy and enthusiasm every time I go to school. Eventually, I stopped.

I was lost for months looking for the best course that best suited me. Binalikan ko yung interest ko nang high school na nag-enjoy ako sa work ng guidance counselor namin! Ang awesome ng brain games niya sa classroom! Tapos nakita ko rin sa friend ko na masaya siya sa psychology. Na-feel kong parang masaya talaga especially kapag mag-uusap kami.

Then ayon. Dito na ako. Masaya at masarap sa feeling! Never akong nagregret na nag-Psychology ako. <3 Walang katumbas yung fulfilling feeling lalo na kapag nakatulong ka at may positive feedback sa ginawa mo. Masaya ako kapag masaya yung hitsura rin ng audience kapag may talk. Masaya ako sa pinaglalaban kong advocacy na tayong lahat ay tao at pantay-pantay. Masaya akong habang may tao, may Psychology.

I guess this is one of the courses that will thrive in the future. Technology will never replace humans. They can't imitate empathy, understanding, immediate experiences, love, hope, pain, and even consciousness of a live person.

I consider this as one of the difficult courses (lahat naman e). Imagine, hard sciences can actually calculate precisely and accurately the physical universe but in our course, we don't have specific formula to calculate abstract concepts such as love, pain, helping, understanding, cooperation, and other related concepts. We can't restore the faith in humanity, walang formula doon pero our work somehow makes this world a better place. But imagine the work of psychologists and other allied professionals to produce a spark of hope to a person who feels empty and useless? To at least help and guide the person to fin their purpose and meaning.

We can't measure everything but life itself is meaningful when you explore the world of people, their subjective world. <3

I can't wait to share it to all of you! I hope one day, we'll have a meaningful conversation or try to take my path so we'll meet soon.

Masaya  na mapait ang course na ito pero alam mong sa huli, lahat ng hirap mo...worth it. <3 Mahal ko ang disiplinang ito. Sana makita rin kitang masaya sa kursong ito.

Tuesday, March 6, 2018

LEAVE A LITTLE LOVE FOR YOURSELF

Kapag nagmahal ka, magtira ka sa sarili mo. Cliché, no? Pero totoo! Sa dami ng nakakausap ko kahit sa chat o personal, marami na yung nagmahal ng todo tapos luhaan sa dulo. Hindi ko naman sinabing wag kang magmahal pero kasi yung iba (yung iba meaning di applicable sa lahat, oke?) binigay lahat. Simot. Ubos. Kaya ayon, sa dulo durog. Luhaan. Sawi. Hays.

Kasi nga bes magtira ka.

Dapat nga na mas mahalin mo muna ang sarili mo bago "siya". Paano ka magbibigay ng pagmamahal na hindi mo sinubukan sa sarili mo?

Saka minsan hindi mo naman kailangan ng love life, minsan kaibigan at pamilya okay naman (pero depende sa'yo balakajan). Huwag kang magmadali na baka bukas maubusan ka.

Mayroong darating para sa'yo. Baka di pa nga lang napapanganak. Charot. Seryoso, mahalin mo sarili mo. Darating yung tamang tao sa'yo kahit gaano pa kataas ang standards niyan...may papasok rin sa banga. Pak!


JUDGMENTAL IS NOT OK

Pineapple on a pizza is ok
Makinig ng ex b is ok
Maging imperfect is ok
Maging single is ok
Your lumpy body is ok
You are ok

Yung ilang tao lang sa society natin na judgmental ang HINDI OK.


BE KIND

"We carry with us, as human beings, not just the capacity to be kind, but the very choice of kindness."

From "Wonder"

---
Psychology isn't just about labels, classifications, evaluation, or whatever, it's about looking on other people's strengths and positive qualities. One incident should not be attributed to the person's personality. We need to know the whole story. You know, actor-observer effect. Though it's normal for us to respond negatively to certain situations (because we're humans), we still need to consider other angles to see the whole picture.

We're here to guide and help our Kapwa. We don't drag one another, right? I'm sure, one way to fix things is not throwing spiteful comments to someone when we don't even know the situation. We need to gather enough facts before making any conclusions.

In this era of fake news, be the person who don't easily get swayed by what we see, read, and hear. Don't let politics to divide us all.

So for now, be kind. Always choose to be kind.


Saturday, February 24, 2018

Kaarawan

Ito ang unang beses na may blog post ako sa birthday ko. Simpleng post lang. Haha.

Masaya ba ako kapag birthday ko?

Hindi palagi pero ngayong taon, oo. Marami kasi akong nalaman sa sarili ko, sa mga taong nakapaligid sa akin, at sobrang thankful ako sa mga magaganda at malulungkot na naganap na. Masaya ako kasi naka-survived ako sa jungle na 'to na kung tawagin ay buhay.

Masaya akong kasama ko yung mga mahal ko sa buhay. 💖

May dapat bang ikasaya kapag birthday?

Oo. Siguro nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na piliin kong maging masaya. Hindi ko naman kontrolado ang lahat ng pwedeng mangyari pero pwede ko naman piliin na maging peaceful sa kabila ng ingay at gulo.

Matanda ka na! Ew?

Tumatanda na. Hindi naman mapipigilang tumanda, enjoy na lang yung experience saka yung mga pagkakataong pwede kang matuto. Salamat sa mga umaga, araw, at gabing nakakatulog ako ng mahimbing.

Siguro ang birthday wish ko, maging peaceful, mas masaya, at mas fulfilling ang taon na 'to. Sana bigyan ako ng wisdom at lakas na harapin lahat ng challenges. Kung ganyan kaganda yun, susunod na lang yung iba pang blessings.

Wish ko rin na sana yung mga may birthday, matupad yung wishes nila. HAHAHA. Oh, pa-wish back na lang ah. Charot. 😂

Seriously, SANA SWERTEHIN LAHAT NG BABASA PO NITO. Thank you!


Friday, February 23, 2018

TIME IS NOW

I got unexpected motivation from an interviewee today. She said:

"The time is now. Don't put off until tomorrow what you can do today."

Ayan yung principle niya since she's a cancer survivor for 16 years! She's applying for supervisory promotion. Good luck to her. Deep inside na-inspire ako sa kanya! Sana kayo rin! Kailangan natin ng ganitong motivation ngayon. Waaa. 💖😍

#WakeUpWarrior


Bakit #WakeUpWarrior?

Bakit nga ba #WakeUpWarrior ang hashtag for #BLEPP2018?

Dalawa lang naman ang sagot diyan. Una, ito ay dahil gusto natin na isama ang mga BLEPP warriors nang mga nakaraang taon. Tama, may mga fallen warriors tayo noong 2014, 2015, 2016, at 2017. Ngayong taon, naniniwala ako na ang ilan sa kanila ay naghahanda at nag-iisip rin na rumesbak! Pangalawa, ito ay para sa mga BLEPP warriors rin ng taon at napanghihinaan na ng loob!

Ang #WakeUpWarrior ay para sa lahat ng BLEPP warriors na gustong pumasa sa board examination. ✊Gisingin niyo na yang motivation ninyo! Tara! Resbak na! Laban! 💖

Huwag kalimutan ang hashtag na ito sa mga post ninyo this season! Ipatrend natin hanggang sa twitter! 🙂💪


Thursday, February 1, 2018

Panibagong Lente


"What the f*ck, erasure means wrong?"

"Ano ba yan! Magkahawig yung piso sa limang piso!"

"Simple lang ang buhay! Huwag niyo na kasing pahirapan!"

Madalas tayo na magreklamo sa mga bagay na kung minsan hindi naman natin kayang baguhin. Madalas rin na mas inuuna nating tingnan yung hindi maganda kaysa sa maganda.

Uy, hindi ko sinasabing ang galing ko sa judgment. Marami rin akong pagkakamali at ilang mga biases na sinusubukan ko pa ring tanggalin. Iyan rin yung bagay na sinusubukan kong isantabi kasabay ng pagtikom ng bibig tapos pinipilit na magsuot ng panibagong lente mula sa ibang tao para mas maunawaan ko kung ano ba yung punto niya. Karaniwan, pumapalya ako pero sa ilang subok na pakikinig mas nauunawaan ko.

Ano bang mali sa erasure means wrong? Nakuha ko rin yung punto na bakit kailangan pang maliin yung mga sagot eh wala namang taong perpekto sa totoong buhay...na dapat pagbigyan ang iba na itama ang mali nila kaya dapat hayaan silang magbura. Kuha ko iyan. Palagay ko naman ang punto ng ilang mga guro tungkol diyan ay matutong mag-isip talaga ang mga estudyante at maging maingat sa pagbibigay ng sagot. Sa totoong buhay, wala rin naman tayong erasures di ba? Ang mga nagawa na ay magiging bahagi na ng nakaraan. May pagkakataon kang maitama ito pero sa ibang pagsusulit na saka dahil nalaman mong nagkamali ka tulad rin ng matututunan mo sa pagsusulit mo.

Sa bagong disenyo naman ng pera, baka kaya magkahawig yung piso at limang piso para suriin muna natin bago natin ibigay dahil ano man ang halaga nyan, hindi yan basta-basta binibigay. Piso man o limang piso yan, parehas pa rin silang mahalaga, parehas silang may pakinabang at dapat mo silang pahalagahan na parang tao, di ba. Lahat tayo magkakaiba. Lahat tayo may kanya-kanyang katangian. May iba nasa alta de sosyedad pero may iba nasa ibaba ng estado ngunit hindi ibig sabihin na hindi sila mahalaga. Parehas silang tao at parehas silang may halaga. Magkaiba ngunit may pagkakatulad.

Sa isang banda, may katotohan naman na simple lang naman ang buhay kung gagamitin mo ang ibang lente pero naisip ba natin na sadyang komplikado naman talaga ang lahat? I mean, kaya nga may mga disiplina tayong inaaral kasi natural na talaga sa mundo na komplikado siya. Mga bagay talaga ito na kahit komplikado dapat na maunawaan. Palagay ko mas nagiging komplikado ang isang bagay kapag hindi natin tinatanggap na ang buhay ay komplikado. Kung sinusubukan nating gawing lubusang simple ang lahat, mayroon tayong makakaligtaan at baka ito pa ang pagmumulan ng hindi pagkakaintindihan. Kung natural na simple ang lahat bakit pa kailangan nating mag-usap?

Hindi mo naman kailangan sagutin iyan pero gusto ko lang ibahagi 'to.

Tuesday, January 30, 2018

"I LOBE YOU"

"̶I̶ ̶l̶o̶v̶e̶ ̶y̶o̶u̶.̶"̶

"huh?"

"I lobe you." *covert kilig* ๐Ÿ’•

"I lobe humor." *covert kilig pa more* ๐Ÿ’•

*sympathetic nervous system is stimulated, pupils dilated, tachycardia, dopamine, and serotonin released*

Psych x Psych
Sabay nagka-oxytocin at vasopressin daw. Charot. HAHAHAHA IYKWIM. Ssshh! ๐Ÿ˜‚ #HormoneOverload

MAY KA-DATE KA?

"Uy, besh! Malapit na mag-Valentine's day! May ka-date ka?"

"Wala e. Do I have to follow the norm ba? It's just a construct, bes. Kapitalismo rin iyan. Wag kang papadala sa emosyon mo. Wag kang ma-pressure. It's all in your hypothalamus and keme."

"..."

"Labyu!"


Sunday, January 28, 2018

ANONG COURSE MO?

"Anong course mo?"
"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"

---

Nakakapagod man pero sa huli sinasagot natin iyan kasi tayong mga Psych majors ang unang umuunawa sa tao. Alam nating hindi niya alam iyon sa paraan rin na hindi natin alam ang sagot sa bawat tanong sa paligid. Siguro, bigyan pa rin natin ng halaga ang bawat taong nagtatanong nito at sagutin ng may pagpapakumbaba (though sa circle natin natatawa tayo pero in real life alam naman nating todo explain tayo di ba).

Baka dala na rin na tumatanda ako kaya parang nakasanayan ko na rin iyan. Sa totoo lang, tuwing nakakarinig ako ng ganyang tanong napapangiti na lang ako. Hindi na siya nagsisilbing ingay sa akin o nakakatawang tanong, nakikita ko siyang isang pintuan na nagbibigay ng pagkakataong maliwanagan yung isang tao.

Isipin na lang natin na para tayong magulang na paulit-ulit na sinasagot ang maliliit nating anak. Buong pusong nagtatiyaga para maunawaan niya ang mundong mayroon tayo.

----
"Anong course mo?"
"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"
"Psych majors po kami. Hindi manghuhula ahahaha pero sinusubukan po naming gumamit ng mga tools para maintindihan ang karanasan at kalagayang kaisipan ng tao..."

Ikaw na bahalang magdugtong at magkwento kung gaano kaganda yung course natin. Alam mo iyon? Hindi tayo astronauts pero parang katulad na rin natin sila kasi marunong tayong makinig at sa bawat taong napapakinggan natin ng buong puso ay katumbas ng isang planetang nadiskubre mo. Bawat karanasan ng tao ay isang mundong sinubukan mong intindihin kahit bago sa'yo. Di ba, amazing? Ang Psychology ay kabilang sa soft science pero kasing hirap rin ng hard sciences (at least sa paraan na alam ko). Sa hard sciences may mga formula sila at pagkakataong masukat ang physical world pero never naman nating kayang gawin sa course natin. Mahirap mahanap at masukat kung paanong magmahal, masaktan, umunawa, mawalan ng minamahal, kung paanong maging matagumpay ang pagiging isang parent, at kung anu-ano pa. Wala tayong formula sa Psychology para masukat ang mundo ng kaisipan. Hindi ba mahirap yun? Sinusubukan nating i-transform ang mga numero sa isang mahalagang interpretasyon na sana katumbas ng karanasan ng tao at kung minsan alam natin na hindi kailangan ng numero para maipaliwanag ang tunay na karanasan ng tao... at kung anu-ano pa.

Ipaliwanag mo ang Psychology. Unawain natin ang tao kahit na mahirap kasi sino pa bang gagawa non kung hindi tayo? Subukan nating i-restore ang faith ng humanity dahil kung minsan nakakalimutan ng tao kung sino sila. Tulungan natin sila. Subukan nating mahalin ang kurso natin.

Love Psychology.

Your bes,

Riyan

Thursday, January 18, 2018

MAS OKAY MAGING IKAW




Sa dami ng mga positive quotes na nababasa ninyo, sana subukan niyong mahanap doon yung tunay na "ikaw."

Huwag kang makinig sa iba na maging ganito o ganyan ka, pwede siyang gawing guide natin pero wala pa ring hihigit sa nag-iisip ka at nagre-reflect ka sa sarili mo. Masyadong maraming distractions sa paligid, sana piliin mo yung maging tahimik ang loob mo. Hindi mo rin kailangang ikumpara ang sarili mo sa iba kasi magkakaiba tayong lahat ng pinagdadaanan.

Hindi mo kailangang palaging mag-ingay o makisali sa gulo. Hindi mo rin kailangang laging magreact. Ang kailangan mo, magfocus sa sarili mo muna bago ang iba.

Ano bang gusto mo? Masaya ka ba? Mahal mo ba sarili mo? Tahimik ba ang loob mo? Magstay ka pa ba diyan? Gaano ako katagal na maghihintay? Ito ba talaga gusto ko sa buhay ko? Ano ba yung pwede mong gawin ngayon para makuha mo yung lisensya mo? Magwowork ka ba habang nagrereview? Kaya mo ba? Shet ayan na siya 282 days to go. WTH.

Lahat ng iyan, ikaw rin naman ang sasagot. Hindi quotes, hindi yung pakialamera mong seatmate o ka-trabaho...ikaw lang pero maaaring malaman mo ang sagot sa tulong ng iba. Pwedeng kausapin mo ang guidance counselor niyo, psychologist, o kaya sa taong pinagkakatiwalaan mo para tulungan ka o ma-encourage ka pa na may malapitan.

Hindi sapat ang quotes lang o mga kung anu-anong nababasa natin. Kung gusto nating maging okay, kailangan nating isipin yung mga bagay na mas makakatulong sa atin. Alagaan mo ang sarili, bes. Piliin mo yung peace of mind sa maingay na mundong 'to. Piliin mo ikaw. Alamin mo sarili mo...

Mas okay maging ikaw.


Friday, December 22, 2017

MGA RANDOM LESSONS IN THE PAST!


Marami kang maririnig na advice mula sa mga mas nakakatanda sa’yo lalo na kung fresh graduate ka o newly-licensed professional. Magaganda naman ang mga ‘to pero alam mo kung ano yung mangyayari sa huli? LAHAT AY SA'YO PA RIN MANGGALING.

Sa mga narinig ko noon, sa huli, ako pa rin ang nagdesisyon para sa sarili ko. May kinuha akong advice, sinunod at nag-fail. May iba, partly totoo naman ang naging advice pero alam mo yun? Laging parang may kulang kasi hindi siya talaga nanggaling sa akin. Iyan yung naramdaman ko noon. Eh kasi pala talaga dapat yun manggaling sa'yo! Pero hayaan mo lang akong magbahagi ng mga naiisip ko para mapag-isipan mo.

Asahan mong mahihirapan ka at malilito ka! Maiipit ka sa ilang mga desisyon mo sa buhay, mararamdaman mong gusto mong umalis pero may bahagi sa'yo na gusto mo rin magtiis! Ikaw at ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa'yo!

Huwag kang makinig palagi sa kung anong gusto nilang mangyari sa'yo kung ayaw mong magsisi sa huli na nakinig ka at naniwala. Hayaan mo ang sarili mo na maghanap. Manatili ka kung gusto mo at umalis ka kung kailangan. Tingnan mo kung anong malapit sa values mo. Hindi naman ibig sabihin na pinili mong umalis ay kinalimutan mo a ng lahat, kung minsan yan rin naman ang magandang paraan para mas makita mo ang magandang opportunity sa’yo. Hindi naman ibig sabihin na nanatili ka ay stagnant ka rin. Depende itong lahat sa situation mo. Iba-iba.

Hindi ka magtatagal at yayabong sa isang lugar na hindi para sa'yo. Kilalanin mo ang sarili mo, ang gusto mo at ang pasok sa skills mo. Sa madaling salita, yung bagay sa'yo.

Huwag kang matakot na mawala at malito dahil hindi mo mauunawaan ang kagandahan ng mundo kung nanatili ka sa isang kahon na wala naman talaga sa simula pa lang. Lumabas ka.

Mawala ka, malito ka, at mahirapan ka! Sa ganyang paraan kung minsan mo nakikilala ang sarili mo at ang mundong gagalawan mo sa mahabang panahon. Gawin mo ang tama para sa'yo. Kailangan mong matuto.

Sundin mo ang sarili mong gusto...yung passion mo. Walang mahirap kapag gusto at tandaan mong hindi palaging salapi ang kailangan para maging maligaya!

Tuklasin mo ang bawat bagay na hindi mo alam! The more na maraming problema, masaya dahil may gagawin ka bilang propesyonal! Huwag mong hayaan na abusuhin ka ng iba sa kabaitan mo. Maging matapang ka rin kung minsan!

Hayaan mong mawala ang iba, kung minsan pabor yun para magkaroon ng pagitan mula sa'yo at sa kanila para pumasok ang mga tamang tao para sa'yo.

Sa bawat pagkawala, may kapalit. Masaktan ka agad, mapagod, at mawala nang mabilis tapos matuto at bumangon ka rin kaagad. Walang tapon, lahat lessons! Huwag ka lang malilimutin. Saka tandaan mo ha, habang tumataas ka, matuto kang yumuko! Maging bes ka ng mga nangangailangan sa’yo. Hindi porket may license ka na, mataas ka na. Ang lisensya ay hindi lang extension o bling bling, ito ay isang responsibilidad. Mas ituon rin natin ang sarili sa matututunan natin kaysa sa pagkuha nang pagkuha ng mga lisensya na hindi natin kayang panindigan. Higit pa rin ang karanasan at ang pagtugon sa responsibilidad.

Gawin mo ang tama para sa'yo, sa propesyon mo, at para sa kinabukasan mo. Enjoy bes! Let's go 2018!

Wednesday, December 13, 2017

NOT SO NEW RULES OF RPm FOR STRONGER SELF(Inspired by Dua Lipa charot)

Napag-isip-isip ko lang na napaka-strong pala talaga ng RPms. Ito yung mga taong lodi rin talaga e. Ibabahagi ko lang sa inyo yung naisip ko kung bakit strong ang RPms kasi they have rules. Enjoy!

Rule 1 Time Management
Marunong yang mga yan maglaan ng oras. Ireremind ka niyan kung ilang oras na lang natitira. Kaya nilang i-cherish yung moment besh. Hahaha.

Rule 2 Slaying Switching Back and Forth
Kaya nilang tagalan ang mahabang exam bukod sa pagpapalit-palit ng mga ginagawa nila pero kahit na ganoon hindi nila kayang pagsabayin yung mga bagay na di pwede. hahaha.

Rule 3 Limitations
Sanay na sanay yan sa rule na "do not turn the page until you are told to do so." Alam nila kung kailan ihihinto ang isang bagay kasi may mga bagay na hindi mo pwedeng madaliin eh. Alam na alam nila yan bukod don alam rin nila na hindi na pwedeng balikan ang mga pahinang tapos na dahil napaglaanan na ng oras. Kung ano yung ngayon, doon sila. Yan ang mga rehistradong petmalu besh. Draw the line besh, draw the line!

Rule 4 Confidentiality
Ipaglalaban nila ang mga information tulad na lang rin ng pakikipaglaban nila sa relasyon niyo. HAHAHA. Hindi naman sa ikakahiya o itatago nila yung kung anong mayroon kayo no, mema lang. Charot. I mean privacy is key kasi masaya yung mga covert landian. Charot.

Rule 5 Test, test, test!
Sanay na sa test yang mga yan. Kung test nga kinakaya nilang i-administer, test of life pa ba? Pagmamahalan niyo pa ba? Hahaha.

Hahaha real quick ba besh? Anong masasabi mo?

Tuesday, December 12, 2017

BILIB AKO SA'YO

Bilib ako sa mga taong umaamin na hindi nila alam ang lahat dahil sino ba naman ang alam ang lahat?

Bilib ako sa mga taong nagbibigay ng tulong kahit walang kapalit. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa panahon ngayon. Tuloy mo lang iyan!

Bilib ako sa taong handa sa pagbibigay ng kanilang kamay kahit walang social media exposure para makita ng madla kung gaano sila kabait. Ikaw ang tunay na lodi dahil nandiyan ka para bigyan ng pansin ang iba.

Bilib ako sa mga taong hindi genius pero natutong magtanong at makinig para matutunan yung isang bagay na kahit mahirap ay kinaya nila. Nakakabilib ka pa nga kasi natutunan mo pang padaliin ang mahirap. Kinaya mong ipaliwanag sa mas madaling paraan ang natutunan mo dahil alam mo kung aling bahagi ang nagpahirap noon dahil naranasan mo.

Bilib ako sa mga taong sakto o sapat na. Nakakalungkot lang dahil sa sobrang sapat mo parang hindi ka na nakikita nila dahil "typical" type ka. Yung mas pinipili pa nila yung mga tao na hindi naman abot kamay at nagiging anino ka na lang ng iba. Hayaan mo na sila, may makakapansin rin sa'yo.

Bilib ako sa mga taong walang-wala na pero nagagawa pang magbigay. Huy, isipin mo ang sarili mo ha? Mabuhay ka!

Bilib ako sa mga taong may paninindigan na sa kabila ng mga taong mahilig lang sa kung anong uso ay isinisiwalat nila ang totoo. Walang pag-angat at kalinangan ng karunungan kung walang katulad mo.

Bilib ako sa mga taong marunong magmahal at kaya pang ngumiti sa kabila ng lahat ng pait ng katotohanang hindi ka mamahalin ng mga taong minamahal mo at sa kabila ng magulo, maingay, at mapanghusgang mundo. Ituloy mo iyan.

Bilib ako sa mga taong naniniwala sa mga taong nagmumula sa wala. Bakit? Doon nasusubok ang totoo. Hindi mo kailangan munang makita ang resulta, minsan kailangan mo lang magtiwala muna para makita mo ang isang bagay na hindi mo kailanman inakala.

Bilib ako sa'yo dahil araw-araw mong pinipiling mabuhay sa kabila ng pagod, hirap, at walang kasiguraduhang kagandahan ng bukas.

Bilib ako sa'yo.