It's been eight years (going strong). I loved her and I will love her until my last breath.
I prayed for her that someday she'll be mine and it was given to me.
Walang bagay na madali. Mahirap ang relasyon naming dalawa. Bakit? Kasi hindi normal sa paningin ng iba ang relasyon namin. I'm a masculine lesbian and she is a girl. Let's face it. Mahirap yon tanggapin sa mata ng iba pero hindi ako sumuko.
Fourth year high school kami nang maging kami. Hindi ko akalain na sasagutin niya ako dahil medyo matapang siya at medyo tameme ako. Mahilig lang akong magbiro pero hindi ko alam na may feelings na rin pala siya sa akin. Dinadaan ko lang sa pahaging yung mga bagay na nagseselos ako kapag kasama niya yung inaasar sa kanyang guy sa section namin.
Hindi ko alam anong nakita sa akin ng girlfriend ko. Mahaba pa ang buhok ko noon at talagang ang awkward na nakapalda pa ako pero maangas maglakad. Hahaha. Siguro matamis akong magsalita at yung pakikisama ko. Baka doon ko siya nakuha? Hahaha.
Active ako sa class, (1st honorable mention sa batch at may ilang awards) at president ng dalawang organizations. Doon ko binubuhos ang lihim ko. Oo. Para hindi nila mabuko na tomboy ako. Sinasabi ko noon sa iba na may crush ako na lalaki kahit wala naman talaga. Mahirap noong high school marami sin nakikialam na teachers sa love life ng classmates ko kaya naging mahirap yung lagay ko para umamin sa katayuan ko at siyempre sa nararamdaman ko sa crush kong babae noon (girlfriend ko ngayon). Paano kung pakialaman kami sa relasyon namin? Ano sasabihin ng parents niya? Ano sasabihin ng mga kaibigan namin? Papakialaman ako ng teachers malamang yun dahil honor student ako at leader sa pinakamatandang school sa Antipolo. Kilala siya sa amin dahil sa disiplina. Kung malalaman na ganoon ako, paano pa ako magiging role model sa mata ng iba? (Ridiculous talaga, kasi nangingialam ang teachers doon kaya hindi ko na gugustuhin pang magsalita).
So nilihim namin nang maging kami sa mga teachers pero medyo naging iba ang tingin ng friends namin sa amin pero ayos lang kasi naging masaya kaming dalawa.
Una ko siyang naging girlfriend (at wala na rin akong balak pang palitan) at ganoon rin ako sa kanya. Pumasok kami parehas sa relasyon nang una at sana kami na rin ang huli. Mag sisiyam na taon na kami sa 2016.
Marami akong bagay na nagustuhan sa kanya. Complement kasi kami sa isa't-isa. Madaldal ako at tamang daldal lang siya. Active ako at pampakalma siya. Marami na kaming pinagdaan kahit pati mga away pero worth it lahat ng problema kasi nalaman kong mahal namin ang isa't- isa.
Hindi na ako nag-aasam pa nang iba. Palagay ko ganoon din siya. Pumupunta kami sa mga lugar na gusto namin puntahan, kumain, manood, at kung anu-ano pa. Ngayon nga lang, hindi na ako nakakapagsulat sa kanya kapag anniversary dahil siyempre kilala na namin isa't- isa kaya iba na ang paraan namin.
Effort. Oo nagbigay ako sa kanya ng effort pero hindi na tulad ngayon na matagal na kami. Kung minsa nagpapakita pa rin ako ng kakaiba sa kanya at sinasabihan ko pa rin siya na "mahal ko siya" dahil iyon naman talaga hindi ba.
Sa ngayon ang problema naming dalawa ay ang oras. Pero parang namamanage ko na dahil ako na may hawak ng oras ko, hindi tulad noon. :)
Habang sinusulat ko ito, katabi konsiyang mahimbing na natutulog. Hindi niya alam na siya ang laman ng blog ko. Hindi rin naman niya kasi babasahin ito dahil iba ang trip niya. Hahaha.
Paano mo ba malalaman na mahal mo ang isang tao? Ako sa pagkakaalam ko, mahal mo ang isang tao kapag nagiging mabuti ka sa ginagawa mo. Kahit na nahihirapan ka ayaw mo siyang mahirapan at masaktan. Naaalala ko noon kapag nag-aaway kami, mabilis akong sumusuko at nagsosorry. Kasi parang nadudurog yung puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Ayaw na ayaw ko iyon. Ngayon, mabuti wala pa naman kaming major problem. Wala naman kaming masyadong pinag-aawayan din talaga na mabigat kahit third party. Kasi walang ganon sa amin. Umiiwas ako at ganoon din siya. Kasi kapag mahal mo, alam mo kung hanggang saan ang limitasyon di ba.
Sa relasyon namin, pantay kami. Walang upperhand. May ilang bagay na siya ang nagdedecide at may ilang bagay na ako rin. Hindi kl siya masyadong prinepressure at ganoon din siya sa akin. Kahit hindi na ako masyado makatext, ayos lang sa kanya dahil alam niyang nag-wowork lang ako.
Malaya rin ako kahit paano pero alam ko sa sarili ko kung hanggang saan dahil alam ko ang mararamdaman niya kung sakaling gumawa ako nang kabulastugan.
Ang gusto ko sa relasyon namin, wala kaming bisyo. Kape ang bisyo namin at pagkain. Chubby na kami pero ayos lang. Hahaha. Gusto namin nag-uusap ng matino kami. Saka may natutunan kami sa bawat isa. Natutunan ko na huwag maging maingay ng sobra, huwag maging mainitin ang ulo dahil sa kanya, huwag pumatol sa away at marami pa. Hindi niya alam na magaling siya kahit na purihin ko siya at iyon siguro yung bagay na isa sa gusto ko sa kanya. Humble kasi siya at iyon ang ayaw kong makalimutan. Maging humble at isipin ko raw na ang mga tao ay hindi ko katulad. Basta wise girl siya kaya gusto ko siya saka misteryosa kasi 'to noon kaya siguro nakuha niya atensyon ko.
Paano pa ba malalaman na mahal mo? Kapag palagay ko wala ka nang iba pang hihilingin bukod sa kanya, bukod sa gusto mo siyang makasama pagtanda. Natatandaan ko noong bata pa kami ( 16 o 17 years old), nangako ako sa kanya na kapag namatay ako o namatay kaming dalawa at mabuhay na muli sa kabilang mundo, hahanapin ko siya. Sabi ko alam ko iyon kapag nakita ko siya at palagay ko, nangyari naman siya ngayon. Sa ibang katawan ako napasok pero hindi naging hadlang iyon para magkasama kaming muli. *korny ba pero totoo*
Alam mo ba, noong high school kami, tago ang feelings namin sa isa't-isa. Bawal may makaalam na kami pero alam namin na gusto namin ang bawat isa. Naaalala ko noon na nasa loob kami ng library, pinaglalaruan kong hawakan ang braso niya at unti-unti kong hinawakan ang kamay niya. Alam mo kung ano naramdaman namin paghawak namin ng kamay namin sa unang pagkakataon? Kuryente. Shit lang kasi alam kong marami ang hindi maniniwala roon kahit kami pero naramdaman namin. Hindi ko makakalimutan iyon. Dumaloy sa kamay namin patungo sa buong katawan namin. Sabi ko pa sa kanya noong nagulat ako at hawak ko kamay niya, "Nararamdaman mo ron ba?" At sinagot niya ako na oo. May kuryente nga. Natuwa kami masyado noon. Sa katunayan nga, magkaholding hands kami noon pero nakatago ang kamay sa ilalim ng mantel ng library kasi nga tinatago lang namin ang relasyon namin.
Mahal mo ang isang tao kung alam mo lahat ng baho niya pero mahal mo pa rin siya sa kabila nang mga iyon. Minahal niya ako sa masamang parte ng ugali ko at ganoon din ako sa kanya. Ang gusto ko sa amin, kapag may problema kami...napag-uusapan namin. Sa kanya ko natutunan na kapag may problema, hindi naman dapat agad na magbebreak up agad. Hindi.
Kung magkakaroon ka ng gamit sa bahay at nasira, hindi naman kaagad daw iyon na itapon. Sabi niya sa akin, dapat iyon inaayos. Parang kami. Hindi niya na kailangan maghanap at ako rin dahil kaya naman siyang ayusin. Hindi kami mahilig makinig sa sinasabi ng iba, kaya nga tumagal kami.
Tanggap kami sa bawat side ng pamilya (pero yung parents niya medyo in denial pa rin haha). Magkasundo naman kami ng family niya at ganoon din siya sa amin.
Sana nga, siya na talaga. Alam ko naman na siya na pero until now hindi naman namin sinasara ang sarili namin na sa future baka may magbago sa amin. Mahirap kasi mag expect di ba. Saka sa pinagdaan namin, hindi na rin kaming parang tanga na kung sakali man may magkamali ni isa sa amin at ginusto na magbago nang landas, hindi na namin pipigilan. Kasi nga, kung mahal mo... bibitiwan mo rin. Kaya nga siguro tumagal kami kasi mahal namin ang isa't- isa at hindi kami nagsasalita ng tapos. Saka alam naman namin, may iba nga 20 years na saka pa maghihiwalay. Eh kami nga almost 9 years pa lang. Hahaha. Pero nakakatuwa lang kasi hindi namin maimagine ang isa't- isa na wala eh. Ewan. Basta ito sure ako. Mahal ko to.
Kasalukuyan ko siyang tinitignan ngayon, tulog na tulog siya habang ako nahihirapan makatulog dahil sa kape at kakatapos ko lang manood ng Star Wars Marathon na medyo kinakaadikan ko ngayon. Ngayon, pagod siya at medyo may paghilik. Sabagay ayos lang medyo nahilik matulog kasi ako naman kung matulog nakanganga. Hahaha.
Sana forever to. Sana.
Sito Longges

No comments:
Post a Comment