Kung minsan, iniisip ko ang dahilan at ang silbi ng mga kwentong kinatha ng isip ko sa t'wing ako ay nahihimbing sa pagtulog. Bakit nga ba ako nananaginip? Alam ko ang dahilan ngunit ang mga iyon ay ilan lamang sa mga teorya.
Isa sa mga teorya ay para makabawi ang katawan mula sa pagod na ginawa buong araw at maayos ang mga tissues na nasira. Pero bakit ba may panaginip? Maaaring yung mga binigay kong sagot ay para sa katanungang sa kung ano ang kahalagahan ng pagtulog.
Hindi ako siyentipiko para magbigay ng teorya at mag-offer ng kasagutan. Bakit ba tayo nananaginip? May dalawa tayong mundo. Mundo ng katotohanan at pantasya. Ang mundo ng katotohanan ay binubuo ng mga gawain natin sa pang-araw-araw at mga karanasan na nagbibigay sa atin ng iba't-ibang reaksyon at emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkagulat, at pagkatakot. Sa kabilang dako, ang mundo ng pantasya ay mga bagay na hindi natin nakukuha at kathang-isip lamang. Ito ang mundo na pinapangarap o gustong abutin. Palagay ko, doon nakahanay ang isang malaking bahagi ng panaginip.
Medyo nakakalungkot lang kung sa oanaginip mo, nararamdaman mo yung sobrang kasiyahan. Yung nagagawa mo ang gusto mo at nararamdaman mo ang mga panandaliang saya na hindi mo makuha tuwing dilat ang mga mata. Pero kung minsan, ang panaginip ay nagdudulot din ng takot tulad ng mga bagay na ayaw mong matupad kapag gising ka. Sa panaginip mo maaari itong magkatotoo.
Nagsisilbi ang panaginip, para sa akin, na pagtakas sa mga bagay na ayaw mong mangyari at mundong nagbibigay sa atin ng mabilis na aliw dahil alam mong pagkagising mo hindi naman talaga maaaring matupad. Kung minsan, nagbibigay rin ito ng badya sa atin para sa mga pangyayaring magaganap pa lamang. Dito kasi maaari nang mag-play iyong sitwasyon na nasa isip mo pa lang, tinuturuan tayo ng isip natin na maghanda sa mga magaganap pa lamang sa pamamagitan nito.
Kung walang panaginip, mahirap rin. At least may iba tayong mundo na napupuntahan kung sakaling tulog tayo. Isipin mo kung iisa lang ang mundo natin, yung mga bagay na nangyayari lang sa pang-araw-araw at hindi ka nagkakaroon ng pagkakataon na matupad o maranasan ang mga bagay na gusto mo kahit panandalian lang? Di ba mahirap rin? Para sa akin, malaki rin ang bahagi nito sa tao. Binibigyan tayo ng pagkakataon na makuha at maramdaman ang gusto natin. Pinapawi ang sakit at pinapalitan ng kasiyahan. Oo. Ang pathetic di ba kasi sa panaginip mo lang pwedeng maabot yung mga ganoong bagay. Eh ano ngayon? Hindi naman ibig sabihin no'n na hindi mo na rin siya kayang makuha o maabot. Hangga't humihinga ka, may pagkakataon ka. Iyon nga lang, pagkadilat mo maglalaho na lang ng parang bula iyong mga bagay na masarap sa pakiramdam mo kapag nahihimbing ang pagtulog mo.
Sa susunod muli, lasing na kasi ako dahil inubos ko ang isang bote ng alak nang walang kaagaw.
Sito Longges
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Sunday, December 27, 2015
PANAGINIP
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment