Saturday, December 19, 2015

PASKO AT BAGONG TAON: MGA ILANG BAGAY NA NAIISIP KO


Habang tumatagal mas nararamdaman ko na wala nang bisa ang pasko sa akin. Sa katunayan, mayroon akong Christmas party na dapat daluhan pero mas pinili ko na lang na makasama ang family ko at gawin ang mga dapat kong gawin dahil madami na talaga.

Alam kong hindi sa mga gawain kung bakit hindi ko masyadong nae-enjoy ang pasko. Marahil kapag tumatanda ka na talaga marami kang naiisip na mas mahalaga (para sa akin). Siguro kasi hindi rin ako mahilig sa mga material na bagay, kung tutuusin basag yung android phone ko pero hindi ko pinapalitan. Hindi dahil sa walang pambili kundi nagagamit ko pa siya saka talagang hindi ako mahilig sa materyal. Iyong laptop na gamit ko ngayon habang sinusulat ko, five years ago pa ito.

Naalala ko pa noong bata pa ako na naiinggit ako sa ibang mga ka-edad ko dahil may Christmas tree sila at may mga regalo. Samantalang ako, walang ninong at ninang o kaya naman tito o titan a magbibigay sa akin. Pero nauunawaan ko naman yun noon, kasi mahirap lang kami. Noong nakuha ko na siya, may gifts na ako at nabiibigay na yung mga gusto ko, napagtanto ko na hindi naman pala iyon ang kasiyahan. Hindi pala doon iyon nakukuha.

Siguro nadala ko hanggang sa paglaki (pagtanda pala kasi hindi naman ako lumaki) iyong ganoong pag-iisip, “Hindi makikita sa regalo ang kasiyahan.” Kung may natatanggap man akong regalo, nagpapasalamat ako pero hindi pa rin yung sobrang saya. Normal lang. Ang iniisip ko kasi, mabilis rin naman na mawawala itong mga bagay na ito. Nagsawa na ako sa mga games, candies, chocolates, pagkain at ilan na bagay simula noong naging maayos na buhay namin (Pero hindi naman sobrang marangya).  Hindi ako nasasabik sa pasko dahil sa mga regalo, mas natutuwa ako kasi mabubuo kami ng pamilya ko, magkakasama kami at makakapagrelax. J Ganun lang. Okay na ako don.

I guess, iba-iba talaga tayo ng pananaw sa pasko. Ang pasko, malalim ito para sa Kristiyanong pananaw na ngayon mapapansin natin may ilan na hindi naman ito talaga ang isinasagawa.

Ang mas masaya sa akin ay ang bagong taon, mas kapana-panabik! Haha. Doon ako mas natutuwa. Dito kasi naiisip ko na panibagong taon na naman ang haharapin ko, panibagong mga pagsubok, karagdagang kaalaman, karagdagang mga tao at mga bagong oportunidad na dapat kong subukin!  

Iyon nga lang, hindi na rin ito kasing tulad noong bata pa ako na kung matuwa ako abot-langit yung saya. Ngayon masaya at exciting lang pero hindi na sobra sobra! Siguro kasi naisip ko rin na ang bagong taon isang kasiyahan lang para ipaalala na ito na ang pagpasok ng taon at ipapaalala lang sa’yo na magbago ka na.

Hindi siya sobrang big deal na sa akin, napagtanto ko rin kasi na hindi lang Enero uno ka dapat na magbago, araw-araw binibigyan tayo ng pagkakataon magbago. Tuwing imumulat yung mga mata natin kapag bagong gising pero talaga bang nagising ka? Kapag babangon tayo sa higaan pero talaga bang bumangon ka ba sa araw na iyon? Lagi naman ito pinapaalala sa atin, sa maraming paraan pero palagay ko, tayo lang talaga yung nakakalimot.

Advance Merry Christmas at Advance Happy New Year! *cheers but not so cheers*


No comments:

Post a Comment