Monday, December 14, 2015

MGA ISYU TUNGKOL SA BULLYING


A.  SOME INFORMATION ABOUT BULLYING

·         71% of students report incidents of bullying as a problem at their school.
·         1 in 10 students drop out of school because of repeated bullying.
·         As of September 2015, mayroong 31 na insidente ng bullying ang nirereport araw-araw sa ating bansa.
·         4 1 in 4 teachers see nothing wrong with bullying and will only intervene 4% of the time.
Isipin natin ‘yun 4%...4% lang ang may pakialam! 4% lang ang tutulong?! Kaya hindi kataka-taka kung ang panlima…
·         Suicide is the most prevalent cause of death around the globe than murder.

Oo Suicide. Pagpapakamatay! Nakakalungkot isipin na may nagpakamatay na nga kung anu- ano pa sasabihin ng iba na kesyo ganito kasi o ganyan dapat. Kinulang kasi sa dasal o paniniwala. Walang empathy ang iba kung minsan. Namatayan na nga kung anu- ano pa ang sinasabi, hindi iyon ang gusto na marinig ng isang tao na may pinagdadaanan. Kailangan nila ng may uunawa sa kanila at makikinig. Saka ano kaya iisipin ng mga mahal sa buhay non kung sakaling mabasa o marinig yung sinasabi mo, di ba? Noong nabubuhay siya, bakit hindi mo tinulungan?

May mali. May mali talaga. May kulang rin. Napapansin ko at parati kong naririnig na lang…walang mabubully kung hindi magpapabully. Nauunawaan mo ba iyon?

Para mo na ring sinabing, walang marerape kung walang magpaparape. Bakit ginugusto ba ‘yun ng iba, palagay mo ba hindi sila lumaban sa paraan nila?

May mali eh.

Sinasabi kasi na… ’You need to be strong! You need to fight the bully! Wag ka kasing ganyan! Lalampa-lampa ka! Mukha ka kasing mahina! Ganto kasi yan kapag inaway ka, awayin mo rin!’ Ganon? Kung ganito ang mangyayari na laging advice eh napaka-one sided. Uulit at uulit pa rin ang cycle!

Dapat na tayo ang maging open-minded, marunong rumespeto ng pagkakaiba-iba (oo medyo mahirap ‘yun lalo na kung palagay mo hindi siya karespe-respeto pero gawin mo para sa sarili mo), at tanggapin na magkakaiba tayo kaya wala tayong kakayahan na ipangalandakan ang gusto nating mangyari sa iba. Magkakaiba tayo ng life experiences. Kung paano nakatulong sa’yo ang isang bagay, maaaring hindi makatulong sa kanya.

So ano ngayon? Dapat tayo mismo, sa sarili natin at ymay kusa tayo na pipigilan ang sarili natin na mapalaganap ang pambu-bully sa kapwa.Kung minsan kasi tayo pa yung isa sa dahilan kung bakit mas lumalala eh. Nakikitawa pa tayo.

Disiplina, pang-unawa, paggalang at higit sa lahat, pagmamahal sa sarili. Kasi kung ang bawat tao ay hindi yan matututunan sa sarili nila, malamang hindi rin sila magiging masaya sa mga taong nakakasama nila. Kung ikaw, masaya ka at kuntento sa sarili mo, mahihikayat kang i-lift up ang iba at hindi tatapakan. Mas maraming positibo ang makikita mo kaysa sa negatibo. Kasi alam mo sa sarili mo na mahalaga ka, na unique ka, nirerespeto mo ang iba at tanggap mo sila.

Ang hirap kasi sa atin, hindi natin kung minsan inaalis yung lente. Yung lente, tulad ng nasa salamin ng may malalabong mata (tulad ng suot ko). May invisible kasi tayong salamin. Ang lenteng ito ay yung sumisimbulo, na binubuo ng ating karanasan, oryentasyon, mga paniniwala, at kinalakhan. Iyan ang mga materyales para mabuo ang salamin na iyan… at kapag suot mo yan. Iyan ang nagbigay ng kulay sa mga bagay sa paligid mo. Paano mo nakikita ang mundo at kung papaano mo nauunawaan ang mga tao.

TANONG NA DAPAT MONG ISIPIN NGAYONG ARAW:

Sa araw na ito, mayroon ka na bang nakitang maganda sa kapwa mo? Ilang beses mo nakita ang magandang mga bagay? O puro negative ang nakikita mo?
Kapag puro negative, ibig sabihin kailangan mo nang baguhin yung lense mo. Kailangan mo ng baguhin yung attitude mo toward another person, objects, or events.

B.  ANO BA ANG BULLY? SINO ANG BIKTIMA? ANO NA ANG NANGYARI SA KANILA MAKALIPAS NG PAMBUBULLY?

B.1. ANO ANG BULLYING?

Ito yung paghahari-harian o pagmamaton na isang uri ng paggamit ng pananakot, pang-aapi, o panunupil, na isang ugali na nagpapakita ng agresyon, pamimilit, dahas, o pamumuwersa upang maapektuhan ang ibang tao.

B.2. SINO ANG INVOLVED?

Binubuo ito ng dalawang importanteng sangkap, ang naghahari-harian o bully at ang binubully.
Ang bully ay ang isang tao na nananakot, namumwersa o naghahari-harian. Bakit? Lingid sa inyong kaalaman, ang mga bully ay mayroong mga katangianna hindi rin nakikita o nauunawaan ng iba. Nararansan nila o nararamdaman ang mga sumusunod:

Low self-esteem, low confidence, insecure, resentment, bitterness, hatred, anger,  envy, jealousy, inadequacy. Teka ma’am, nabanggit po ninyo yung sa low self confidence, eh bakit po ang kapal nya o hindi po sya nahihiya na pahiyain ako? Inferiority complex tawag diyan sa amin sa Psychology. Yung low self-confidence nay an, kinokompensate nya o parang pinagtatakpan niya o pinupunan niya ng isang pagkilos para hindi Makita ng iba. May pinagdadaanan sila, kaya sila ganyan.

Ang mga binubully sa kasamaang palad, hindi lang sila yung mga taong may mali sa itsura, pag-uugali dahil mukhang mahina o kaya naman naiiiba. Ito ay taliwas rin sa kaalaman ng iba, may mga cases na binubully ka dahil maaaring napagdiskitahan ka ng mga oras na iyon, magaling ka sa ginagawa mo, sikat (haters gonna hate ika nga, tulad ng mga artista daming nambubully sa iba sa kanila, mataas ang integrity o  values, pinakamatanda o bata, o in short may kakaiba sa’yo na hindi nakikita rin sa iba.

Ito naman ang nararanasan ng isang nabully sleep disorders, poor self esteem, lack of ability to cope with even simple jobs, hypertension, eating disorders, nervous conditions, low morale, apathy , depression,  impaired personal relationships, removal of self from workplace - psychologically, physically (sick leave, stress leave, resignation), drug abuse, self harm, suicide.

C.  MGA SIKAT NA TAONG NAKARANAS NG BULLYING

Jennifer Lawrence, Sandra Bullock, Steven Spielberg, Yeng Constantino
Kiray Cellis, sa kwento naman niya siya ang bully pero at one point ginamit niya raw yung dahil siya ay palaging inaasar sa school. Lumalaban daw siya kaya noong tumagal naging bully siya. Nakakahiya daw yung bagay na iyon. Sa pag aartista naman, tulad ni Yeng Constantino, kailangan araw matutunan ang art of deadma. Iyon ang ginawa nila para sa sarili nila. Pero papaano naman sa iyo? Sa iba? Papaano sa mga pangkaraniwang tao?

D.  MGA KARANIWANG TAO NA NAKAKARANAS NITO: NASAAN NA SILA NGAYON? NASAAN NA RIN ANG MGA BULLY?

“Sticks and stones might break my bones but words will never hurt me.“
-Anon

Totoo ba ito? Physically pwede kang masaktan pero ang mga salita hindi ka kailanman masasaktan? Mali! Nag-iiwan yan ng sugat. Nagiging peklat sa pagkatao mo. Dala-dala mo hanggang pagtulog at hanggang pagtanda. Kaya nga masakit hindi ba, kapag narinig mo sa isang mahalagang tao kung minsan kapag nareject ka o mapagsalitaan ka ng hindi maganda? Hindi ba masakit? Kapag nalaman mong sa bibig pa niya nanggaling yung mga salitang umaalingawngaw pa sa tenga mo. Ngayon mo sabihin sa akin, hindi ka masasaktan sa salita lang?

Baboy. Pandak. Maitim. Pangit. Unggoy. Panot. Kalbo. Tanga. Bobo. Ilan sa mga salitang madalas nating marinig sa iba o kung minsan sa atin pa mismo nanggagaling.

Naisip mo ba o naramdaman mo na ba kung ano ang pakiramdam ng masabihan ka nito?

Lizzie Velasquez, isang babae na may sakit na progeria. Siya ang tinagurian na “The Ugliest Person in the World.” Imagine the ugliest person in the world. May sakit siya na progeria, hindi siya maka acquire ng fats at nahihirapan din sya dahil sa muscles niya dahil sobrang payat niya. Wala siyang kamalay-malay isang araw, pag-uwi niya galling school na kumalat na ang video na naglalast ng ilang Segundo sa youtube at nakalagay doon the Ugliest Person in the World.

Hindi man lang naisip ng mga tao na mababasa ni Lizzie comments nila. Yung mga hate na hindi niya alam kung saan nagmula dahil hindi naman niya personal na kilala ang mga iyon. Sasabihing magpakamatay ka na kasi pangit ka, na kung madatnan mo ang isang katulad niya sa bahay ay mabubulag ka.

See? Ilan sa atin ang nagpapakalat ng larawan sa social media ng mga taong hindi natin kilala at hindi vinalidate at sinasabi doon na mag-ingat dahil kawatan, mag-ingat kasi scammer, mag-ingat kasi bastos, mag-ingat kasi walang galang…na hindi natin alam kung totoo? At manghuhusga pa na dapat sa mga ganyan pinapatay. Sabihin mo sa akin, kilala ba natin sila? Naging close ba tayo doon para masabi nating yung mga ganyang bagay?


E.  ANO ANG MAAARI MONG GAWIN? PAANO KA MAKAKATULONG? PAANO  MASISIGURONG HINDI AKO NAKAKADAGDAG SA PAGPAPAKALAT NITO?

Hindi naman psychologist ang lahat para magdiagnose ng taong depressed at bibigyan ng lunas. Lalo na yung mga depressed na tao na nakaranas ng bullying. Ngunit may ilang mga paraan para makatulong tayo.

REFLECT.

     Gusto kong pumikit ka at itanong ang mga bagay na ito sa iyong sarili. Ngayong araw, ilan na ba ang napuri mo sa mga kapwa? O baka mas marami kang nakikitang hindi maganda? Mga kamalian ng iba? Kung nabilang mo o napansin mong mas marami kang napapansing hindi maganda, baguhin mo. Dahil negative iyan. Seek happiness by looking at the bright and beautiful things about people.

TALK IT OUT

Mababawasan iyan kung sasabihin mo ang problema mo o kaya naman kakausapin mo ang isang taong nangangailangan ng kaibigan. Pero tandaan na may tamang paraan na pakikipag usap sa isang taong nabully.
Iwasan mong sasabihin na lilipas din yan o magiging ok lang ang lahat dahil hindi mo alam kung hanggang kalian siya magiging maayos. Makinig ka lang at subukin mong ilapit ang problema sa isang taong mas makakatulong sa kanya kung alam mong malala na rin yung nararanasan niya.

EMPATHIZE

Hindi ito simpleng simpatya kundi mas malalim na pang unawa sa tao. Nauunawaan mo yung nararamdaman niya. Kung gaano kahirap yung nararanasan niya na walang halong panghuhusga.

AWARENESS

Kailangan na maging bukas ang isipan mo. Hindi masasabing awareness yan kung pipiliin mo lang ang mga bagay na gusto mong malaman. Tumingin ka sa paligid mo kung sino ang nangangailan ng tulong. Mapapansin mo naman iyon kung malaki ang problema niya at subukin mong unawain siya.

ACCEPTANCE

Pagtanggap na hindi ka perpekto at nagkakamali ka. Ganoon na rin sa taong nasasaktan mo. Walang pagbabago kung hindi mo kayang aminin sa sarili mo na nagkakamali ka. Wala namang tao ang perpekto, di ba?

REPORT

Magreport at wag isabahala ang mga napapansin mo dahil sayang ang bawat buhay ng tao.

Ang lahat ng ito ay alay ko sa mga nasaktan, kinalimutan, kakaiba, weirdos, freaks, o mga taong pakiramdam nila na nag-iisa sila sa laban nila. Alay ko to sa mga taong nais nang sumuko dahil walang sinuman ang tumulong para kamustahin siya o kumatok man lang para pasukin ang mundo niya para maunawaan siya. Alay ko ito sa inyo.

Nalulungkot ako at nanlulumo sa  mga nakikita ko. Nalulungkot ako…na kung minsan naiinis…nagagalit…pero mas lamang ang lungkot at panghihinayang sa tao… sa atin. Bakit marami ang mapagkunwari at hindi maamin na dapat nating tanggapin ang bawat isa dahil tayo ay ginawa nang kahit na hindi man pantay-pantay pero nag-iisa at naiiba.

Bakit hindi natin tanggapin na kailangan natin ang isa’t-isa? Na walang tayo kung hindi natin yayakapin ang kabuuan ng pagiging tunay na ako at tunay na ikaw. Na magkaiba tayo at tanging pagtanggap lang nito ang magdadala para magkakaroon ng kaayusan.

Hindi natin kailangang maging pareho, ang kailangan natin pagtanggap at pang-unawa. Dahil kung magkapareho tayo, wala nang saysay para mag-usap-usap pa tayo. Wala nang saysay para punan mo ang pagkukulang ko at pupunan ko ang pagkukulang mo dahil wala ka na mayroon ako at mayroon ako na wala ka.


Tandaan mo, ang liit lang ng mundo. Tuldok nga lang ang mundo natin sa kalawakan eh. Kaya mas tuldok ka pa sa tuldok na ‘yan. Masyadong maiksi ang panahon para maging malungkot at magsisi. Matuto tayong maghanap ng maganda sa bawat araw at sa mga taong nakakasalamuha natin. Kung minsan yung mga simpleng salita, iyon lang pala yung hinihintay nilang marinig sa kapwa nila para ipagpatuloy pa nila ang buhay nila.


Note: Ang ilan sa mga impormasyon sa unahan ay hindi ko orihinal na research. Ito ay katulad rin ng ibinahagi ko sa isang seminar ngayong buwan. 

Huwag kalimutang pakalatin ang Anti-Bullying Campaign!


No comments:

Post a Comment