Friday, July 15, 2016

KULANG KAPAG WALA KA



"Ganito ang puso ko, kapag wala ka."  ðŸ’”💔😭


Sito Longges

SA'YO NAKALAAN

"Saan man ako mapadpad,
ano mang tanawin ang masilayan,
ang pintig ng puso'y
sa'yo pa rin nakalaan." ðŸ’“

Sito Longges


BABALIK PA RIN, SA'YO.

Para sa'yo,

Sa dinami-rami na ng napuntahan ko ngayon. Masasabi kong sapat na. Pinangarap ko lang naman iyon na hindi ko inaasahang matutupad agad.

Mas gusto ko na lang ngayon na mas tumagal pa ang panahon na magkasama tayong dalawa. Parang pinupunit ang dibdib ko sa t'wing magpapaalam ako sa'yo.

Nasanay kasi tayong palaging magkasama. Kaya mahirap kapag walang masyadong oras para sa atin dalawa. Mas gusto ko ngayon na mas makasama kita.

Hindi dahil sa nakuha ko na ang gusto ko na trabaho kundi napatunayan ko rin na mas matimbang kung binibigyan kita ng oras. Ikaw lang ang nakakapagpawala ng init ng ulo, nakakapawi ng lungkot at pagod, at higit sa lahat ikaw lang ang nagbibigay ng dahilan kung bakit gusto ko pang gumising araw-araw.

Paano akong gigising? Kung alam kong habang tumatagal, unti-unti na akong nawawalan ng panahon sa'yo? Paano akong magiging malakas kung alam kong nalulungkot ka kapag hindi tayo magkasama?

Pero babawi ako. Hintayin mo ako. Siyam na taon laban sa ilang buwan pa lang naman na hindi tayo parating nagsasama di ba? Hindi mo man 'to mabasa. Gusto ko lang sabihin sa'yo na...

Huwag kang mag-alala. Ikaw lang.

Nagmamahal,

Sito Longges