Tuesday, January 26, 2016

EPIC MOMENT NOT ONCE BUT TWICE!

Nakakatawang araw para sa akin. Akala ko kaninang umaga na ninja ako. Nakagawian ko na kasi humabol ng jeep at manguna sa mga pasaherong mababagal tumakbo. Mabilis kasi ako pero hindi ko akalaing may magaganap na nakakahiyang pangyayari kanina.

Nauna akong tumakbo para habulin yung jeep, so in short may mga pasahero rin na nakabuntot sa akin. Pagtapak ko sa hagdanan ng jeep habang tumatakbo ito, huminto ito! Sh*t lang! Dahil don, nag-dive ako papasok sa jeep. Nauna nga ako pero nagdive naman ako sa loob, di ba nakakahiya? So dali-dali ako tumayo at umupo sa unahan ng jeep at kunwaring matutulog. Sa loob-loob ko, sh*t lang sayang porma ko. HAHAHA.

Yung ikalawang epic moment, nagkamali ako ng pasok ng room sa tinuturuan ko. Confident pa akong pinapaayos ang magugulo nilang silya pero hindi ko naman pala sila estudyante. :D

Nakakatawa lang talaga at nakakahiya. Kasama talaga to sa pagtanda. Hahaha.


Sito Longges

No comments:

Post a Comment