Tuesday, January 12, 2016

Lucky Day

Namamaos talaga ako. Super. Hindi maganda ang boses ko, basag. Hindi rin gaanong makahinga dahil sa ubo na sinamahan pa ng byaheng pagkalayo-layo kaya sumama pakiramdam ko.Iba't-ibang nilalang din ang nakasalamuha ko, nakapalitan ng hininga sa MRT at LRT. Nagkapalitan rin kami ng pawis, pakiramdam ko pati piraso ng kanyang kaluluwa naiuwi ko pa. Grabe talaga siksikan. Mabuti kahit na ganoon, may magandang balita akong natanggap!

Magpepresent ako ng paper sa February sa PUP Paranaque Campus. Nakakatakot kasi higher officials ang panel pero tinanggap ko na rin yung challenge para magpursigi ako (pero ang dahilan talaga niyan para maging libre ako sa statistician haha). Kailangan kong matapos lahat sa katapusan. Libre na ang statistician at may discount sa grammarian! 

Isa pang good news na nakuha ko, libre ang training sa course ng statistics! Ito ay sagot ng bayan ng Paranaque na nagkakahalagang 10k per head! Hindi ko gagastusan ang sarili ko ng ganon na walang CPE points at mahal pa pero dahil libre, papayag ako! 

Swerte lang talaga ngayong araw. Sana bukas okay pakiramdam ko. Kasi ngayon, masama ang pakiramdam ko.

Good night!

Sito Longges

No comments:

Post a Comment