Saturday, April 8, 2017

Pangungulila

Hindi mo siguro batid pero matagal kitang hiniling sa langit. Gabi-gabing nag-uusal ng panalangin para maipagkaloob ka sa akin. 


At sa wakas, sa haba ng panahon…ikaw at ako’y magkasama pa rin.

Napakahaba na rin ng panahon simula nang hilingin kita sa Kanya
pero bakit parang kapag hindi kita kasama parang taon pa rin ang lumipas?
Hindi pa rin ako sanay at palagay ko ito ang bagay na ayokong masanay.
Nais ko pa ring mangulila dahil ito lang ang dahilan para malaman kong
mahal kita sa kabila ng isang dekada at darating pang mga araw.

Nakakalungkot. Matutulog na naman ako nang wala ka.

No comments:

Post a Comment