"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"
---
Nakakapagod man pero sa huli sinasagot natin iyan kasi tayong mga Psych majors ang unang umuunawa sa tao. Alam nating hindi niya alam iyon sa paraan rin na hindi natin alam ang sagot sa bawat tanong sa paligid. Siguro, bigyan pa rin natin ng halaga ang bawat taong nagtatanong nito at sagutin ng may pagpapakumbaba (though sa circle natin natatawa tayo pero in real life alam naman nating todo explain tayo di ba).
Baka dala na rin na tumatanda ako kaya parang nakasanayan ko na rin iyan. Sa totoo lang, tuwing nakakarinig ako ng ganyang tanong napapangiti na lang ako. Hindi na siya nagsisilbing ingay sa akin o nakakatawang tanong, nakikita ko siyang isang pintuan na nagbibigay ng pagkakataong maliwanagan yung isang tao.
Isipin na lang natin na para tayong magulang na paulit-ulit na sinasagot ang maliliit nating anak. Buong pusong nagtatiyaga para maunawaan niya ang mundong mayroon tayo.
----
"Anong course mo?"
"Psychology po."
"So, nababasa mo nasa isip ko?"
"Psych majors po kami. Hindi manghuhula ahahaha pero sinusubukan po naming gumamit ng mga tools para maintindihan ang karanasan at kalagayang kaisipan ng tao..."
Ikaw na bahalang magdugtong at magkwento kung gaano kaganda yung course natin.
Ipaliwanag mo ang Psychology. Unawain natin ang tao kahit na mahirap kasi sino pa bang gagawa non kung hindi tayo? Subukan nating i-restore ang faith ng humanity dahil kung minsan nakakalimutan ng tao kung sino sila. Tulungan natin sila. Subukan nating mahalin ang kurso natin.
Love Psychology.
Your bes,
Riyan
No comments:
Post a Comment