Sa mga nagsasabi na bakit pa kailangan naming i-celebrate na mga LGBTQ+ ang achievement ng kapwa namin (like first ever transwoman na valedictorian) eh wala namang kinalaman ang gender sa kagalingan ng tao????
oh siya sige nandoon na tayo pero pasensya na ha kasi nasa minority kami eh. Hindi lahat sa LGBTQ+ nageexcel ng ganyan kaayos kasi marami sa amin hanggang ngayon (maniwala ka man o hindi), nakakaranas ng discrimination, power play, at less opportunities.
Pasensya na nagcecelebrate kami ng Pride Month para ipaalala sa maraming tao na tao rin kami at katulad ng straight mayroon rin kaming dapat na matamasang pantay na karapatan. Hindi naman special rights yun, kapag tao ka may karapatan ka. Ilang beses na ba namin yang iniinda.
Pasensya na kung hindi namin mapigilang maging masaya na makita ang kapwa naming LGBTQ+ na masayang nagcome out at maging proud sa sarili nila kasi hindi naman ganoong kadali lalo na't mapangmata ang mundo. Hindi lahat ng katulad namin kayang maging proud sa sarili. Hindi lahat kayang magcome-out sa identity at orientation namin. Hindi lahat nabiyayaan ng magandang pamilyang tatanggap sa kanila o mga kaibigan na pwedeng takbuhan kapag sobrang liit na ng mundo mo.
Pasensya na kung nagiging masaya kami sa maliliit na progress ng community namin. Pasensya na dahil hindi naming mapigilang maging masaya para sa kapwa namin kapag may achievements sila kasi nagpapalawak ng safe place para sa amin. Nagkakaroon kami ng lakas na makita yung kagandahan ng bawat isa kahit na ipinapamukha sa amin yung pagkukulang namin at hindi namin kayang gawin.
Pasensya na kung sa bawat pagcome-out ng katulad namin, natututunan namin na tanggapin rin ang sarili.
Basta ang alam ko. Ang pag-ibig ay pagtanggap sa kung sino at ano ka...na ang pag-ibig ay pagpapalaya!
Kaya proud ako sa sarili ko. Proud kami sa kanila.
Malaya kaming magmamahal at masayang mabubuhay! ❤๐๐๐งก๐
#LGBTQ #PrideMonth #Kebslang
Malaya kaming magmamahal at masayang mabubuhay! ❤๐๐๐งก๐
#LGBTQ #PrideMonth #Kebslang
No comments:
Post a Comment