Monday, June 11, 2018

HORROR MOVIES IN A NUTSHELL

Dahil masarap manood ng horror para may kayakap sa malamig na panahon, dapat piliin mo yung nakakatakot. Charot. Sa totoo lang, hindi na talaga ako natatakot sa horror movies kasi kung minsan napepredict ko na eh. Nakakainis hahahaha. Kapag wala sa mga sinabi ko yung mapapanood niyo, eh di bongga! 1. Opening ng movie: bird's eye view yan tapos halos palaging building, dagat, o kaya pine trees tapos sinusundan ng camera yung kotse. HAHAHAHA. 2. Sa Patayan: Maliban sa mga asong namamatay o pusa, unang-una namamatay yung mga malalandi, naka-bikini, o kaya nakikipagsex. Hahaha. 3. Kahit na gaano kabagal maglakad yung killer, mahahabol ka niya promise! 4. Kitang-kita mo rin yung requirement na madadapa ang babae kapag hinahabol sila. Kahit anong mangyari dapat madadapa ka. 😂 5. Common aberya sa horror: hindi magstastart yung sasakyan, walang signal ang cellphone, putol ang linya ng telepono at flashlight! 6. Kahit gaano kayo madami, isa lang dapat ang matitira! 😂 Saka kahit na madami kayo, dapat watak-watak kayong maghahanap! Ganoon yun para mabilis kayong mapatay! 😂 O kaya iiwan ka sa isang lugar tapos babalikan ka kuno tapos teggy na bes mo HAHAHAHA. 7. Sa dami-dami ng panahon na maghahanap ka ng nawawalang bagay o tao, dapat sa gabi ka maghahanap! Kailangan umuulan rin saka walang kuryente. Ganern! 😂 8. Kapag hihingi ka ng tulong, may darating na pulis para mamatay. So ayun, huli ka pa rin! 9. Kailangan kapag hinahabol ka nasa main road ka! Tama, hindi sa gilid, sa main road para madali ka mahabol at masagasaan! 10. Kapag pupukpukin mo yung killer, dapat mahina lang, pwede rin kapag binaril mo dapat daplis lang o kaya isa na lang ang bala. Nakakaloka rin yung kapag napukpok o nakasaksak ka ng killer, bibitawan mo yung weapon na kailangan mo sa buong scene. Nakakairita. Di ba dapat dala mo yun? Weapon yun e!😫 11. Kadalasan rin kapag iiwan ang mga batasa horror, doon sa loob ng closet/cabinet, ilalim ng kama, at CR. 12. Doon naman tayo sa mga rason kung bakit sila napadpad sa ganoong lugar! Marami sa kanila lumipat ng bahay, nagbakasyon para mamatay o para ubusin ang barkada nila, o kaya binalikan niya kasi yung childhood nya. 13. Sa mga sapi naman, dapat babae ang masapian. Dapat babaliktad ang krus, lilipad sa kama, magshe-shake yung buong bahay. Tapos litanya na Latin o German para mas nakakatakot. 14. May mamamatay na pari sa movie. 15. Usually yung killer may dissociative disorder (formerly known as Multiple Personality Disorder) o kaya Schizophrenia. Hayst. Bakit po ganon? 16. Kapag magsasalita na yung taong mamamatay, dapat malagutan kaagad siya ng hininga para confused ang bida. Hays. Hahaha. Ano pa ba? May naiisip ba kayo? Grabe lang.

No comments:

Post a Comment