Wednesday, November 23, 2016

MAGPAHAYAG O HINDI MAGPAHAYAG?

Gusto kong maging malaya. Magpahayag ng saloobin. Marinig ang boses ko sa maliit na paraan. Kung maririnig ako, alam kong maraming magagalit. Alam kong maraming tutuligsa.

Hahayaan ko bang itikom ang aking bibig at hayaang manatili ang saloobin na naghuhumiyaw na noon pa? Hahayaan ko bang ipinid ang pinto at huwag ng sabihin pa ang mga nilalaman ng isipan?

Natatakot akong hawakan ang mikropono at sabihin ang saloobin. Magiging magaan matapos kong gawin pero pagkatapos ano kaya ang mangyayari?

Nakakatakot ang mundo pero parang mas nakakatakot ang wala akong gagawin.

No comments:

Post a Comment