Tuesday, November 29, 2016

DAYS OF LIFE: WAITING TO MAKING IT THE BEST

Noong college ako binubuo ng not less than 36 weeks talaga ang pasok. So mga 180 days annually multiply by four years. Bale mga 720 days di ba (Hmm?).

Average na travel time ko from Antipolo to Sta. Mesa ay 4 hours balikan (excluded waiting time sa terminal, pila sa cashier, walang prof minsan, may inaabangan, noong graduation, mga trash talk na abangan sa groupings, etc.)

At least sa college life ko naghintay na ako ng 2,880 hours o 120 days.

Imagine, sa apat na taon, at least 120 days rin akong naghintay sa mga bagay na hindi ako sigurado o sa mga bagay na nasasayang ang oras ko dahil sa mga bagay na hindi ko kontrolado? O mga bagay na hindi ko na realized na pwede ko naman gawing meaningful.

Paano pa kaya yung mga nagtatrabaho sa Makati, BGC, Ortigas, o malalayo? Ilan ang travel time mo balikan? Ilan beses yun sa isang taon? sa buong buhay mo hanggang kailan mo gagawin yun? Paano pa yung ibang aspect na hindi natin nabilang?

OMG. Part of life is waiting. Ilang araw ang nasasayang sa buhay ko noon. Iisipin ko pa lang na yung mga paghihintay na iyon marami ng masayang bagay na nagawa. 😢

So today, make it the best day. Cherish every moment with your loved ones. 💞 


Have a great day, always!

No comments:

Post a Comment