Saturday, November 12, 2016

BAGO PA'NG SIMULA

Pwede ba yun? Bago pa lang tayo magkita, alam kong mahal na kita? Para bang kay tagal na kitang kasama...at alam kong ganoon ka rin sa akin.

Walang imik. Walang binibigkas na mga salita.
Ngunit alam kong totoo mula sa magandang guhit ng bibig,
na tayo'y matagal na ring nagkaroon ng pag-ibig.

Baka sa kabilang buhay ay nakasama ka.
Baka? Baka nga. Baka nga mahal talaga kita noon pa.


No comments:

Post a Comment