Hindi ka mahirap mahalin.
Subalit dahil sa mga kapatid kong nagkakawatak-watak,
unti-unti akong napaparam,
tumataghoy sa mga pait at sakit ng pagkakatuwa.
Ngunit sa tuwing imumulat ang mata
nadarama kong ako'y sa iyo,
sa iyo pa rin hanggang sa huli...
ang katawan ko'y sa iyo pa rin mahihimbing.
Kung magkakaroon pa rin ng pagkakataon na isilang,
pipiliin ko pa rin ang lupang sinilangan...kahit mahirap.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Tuesday, November 29, 2016
PARA SA INANG BAYAN
DAYS OF LIFE: WAITING TO MAKING IT THE BEST
UNA'T HULI
hinaplos ko ang iyong mukha.
Wari'y alam mo na kung ano ang ibig ko.
Pinikit mo ang iyong mga mata
at unti-unti kong nilapit ang aking mukha.
Lumapat ang aking labi sa iyong labi.
Ito ang unang halik.
Bumilis ang tibok ng puso
at naramdaman ang daloy ng dugo.
Hindi ko napigilan at hinawakan ka sa likod,
ang tagiliran at hinaplos ang buhok.
Naamoy ko ang samyo ng paghinga,
at ng iyong balat. Palagay ko'y walang iba,
nag-iisa, at walang katulad.
Niyakap kita ng mahigpit.
Naramdaman ang lambot ng iyong dibdib
Walang iba, walang katulad.
Una't huli...
Una't huling yakap at halik.
Ikaw ang pinanalangin ko.
Sa napakahabang panahon, hiniling ko.
Ngayo'y akin ka'y hindi pa rin huminto.
Araw-araw ka pa ring hanap.
Araw-araw ka pa ring hinihiling.
Asahang mananahan sa puso.
Kailan ma'y hindi aalis sa isip.
Ikaw ang magiging gunita pagtanda.
Alaalang ihehele bago ipikit ang mga mata.
Ang taong mamahalin sa huling paghinga.
Ikaw ang una't huli...
Una't huli kong yakap at halik.
Una't huling taong nagpaalam ng pagmamahal.
Una't huling nagpatibok ng puso.
Una't huling mukhang sisilayan.
Una't huling taong gugustuhin.
Una't huling mamahalin.
Saturday, November 26, 2016
Wednesday, November 23, 2016
MAGPAHAYAG O HINDI MAGPAHAYAG?
Hahayaan ko bang itikom ang aking bibig at hayaang manatili ang saloobin na naghuhumiyaw na noon pa? Hahayaan ko bang ipinid ang pinto at huwag ng sabihin pa ang mga nilalaman ng isipan?
Natatakot akong hawakan ang mikropono at sabihin ang saloobin. Magiging magaan matapos kong gawin pero pagkatapos ano kaya ang mangyayari?
Nakakatakot ang mundo pero parang mas nakakatakot ang wala akong gagawin.
Monday, November 21, 2016
TIME WELL SPENT WITH FAMILY 2016
Looking at the majestic Taal |
I am so stressed these days but it was alleviated when I spent it with my family. My sister just got home to visit us. From the airport, we headed to a beautiful place in Antipolo City to eat some Filipino food. She missed it so much.
Anix's Kare-Kare House in Antipolo Sumulong |
The next day, we went to Talisay, Batangas, to be specific, in Club Balai Isabel. It was really a nice place to visit and to relax.
Yes, we look at the same sky. So here's me, signing off today! Have a day well-spent, folks! |
Saturday, November 19, 2016
Children to Parents
Millenials
Thursday, November 17, 2016
UNSOLICITED ADVICE: TO ALL GRADUATES
My minion says good luck! |
Saturday, November 12, 2016
BAGO PA'NG SIMULA
Walang imik. Walang binibigkas na mga salita.
Ngunit alam kong totoo mula sa magandang guhit ng bibig,
na tayo'y matagal na ring nagkaroon ng pag-ibig.
Baka sa kabilang buhay ay nakasama ka.
Baka? Baka nga. Baka nga mahal talaga kita noon pa.
Friday, November 11, 2016
BISIKLETA
Thursday, November 3, 2016
STAND OUT, PSYCH UP!
I always adjust myself. I always do.
I believe, we need to fight for what is right. We study human behavior but it does not give other people a license to label as "Psychology major pa naman" when we try to rectify them when we fight for what we stand. We are people and we have feelings, too. We deserve to be heard.
But here's another thing: If you question something that you know aren't right, that's okay. You are using your cognition. But you have to share your point of view with another person and if ever there's friction because of individual differences, walk away. Sometimes, you just have to leave them. Accept the fact that all people have different wavelengths. When you argue with a cretin, you will only lose the argument. Silence or walk out is the best solution when you reckoned that the person will not accept your point anymore. *forgive me for the word "cretin", I am a bit emotional on this and I know you understand my humanness* As a Psychology major, we are not boxed to only adjust ourselves to the situations. Sometimes, we try to change it ourselves by actively fighting for it. We are not sheep and we are not saints. We are humans. We need to fight for what is right. 👊💓
Tuesday, November 1, 2016
IKOT NG KAPALARAN
Kapalaran ang naghatid sa'yo sa akin,
ngunit nakaguhit kaya sa palad mo
ang mga pangyayari sa atin?
ikaw at ako kaya?
Wala kayang hangganan?
Kung may hangganan man,
pipilitin kong huwag matuldukan.
Kung may dulo man,
at hindi ako ang itinadhana,
pipilitin ko si Bathala.
At kung sakaling hiniwalay ka sa akin,
asahan mong hahanapin kita,
susuyurin ko ang mundo
para mahagkan at mayakap ka.
Magpunta ka man sa ibang dimensyon,
pinaglaruan tayo ng tadhana't
hindi raw kita matandaan,
asahan mong mararamdaman ko.
Makikilala kita...
sa oras na makita kita.
At kung ako man ang hindi makaalala,
sabihin mo sa akin.
Ipaalala mo sa akin
kung gaano ako naging masaya
nang mga panahon na kasama kita.
O kung gaano ako magiging masaya
kapag makapiling na kita.
YUMAO
Siguro wala ng mas mahirap pa kundi ang makaramdam na nakalimutan ka na.
Aminin mo. Nobyembre ang buwan kung saan saka mo lang maaalala ang mga taong naging bahagi ng buhay mo. Ako, aaminin ko. Sumasagi rin naman sa isip ko pero sa ngayong buwan ko sila inaalala ng lubos.
Nakakatuwang isipin na buhay sila noon at nakakausap mo. Masayang alalahanin yung ilang mga alaala na nandiyan sila sa tabi mo...pero sa alaala na lang.
Maraming beses rin naman akong nagsisisi. May mga panahong hindi ko nasabi sa lola ko na patawad at naging malikot akong bata. Mabilig magpahabol at nagkukunwaring nagsiyesiyesta para magkameryenda sa kanya. Gusto kong sabihin na masaya akong naging lola ko siya at huwag na siyang umiyak dahil mahal ko siya.
Kaso hindi nagkaroon ng pagkakataon kasi wala na siya.
Parang isang kisap-mata lang. Wala na ang taong pinakamatapang na kilala ko at ang malungkot doon...hindi ko nasabing mahalaga siya sa akin. Kung multo man siya at susubukan niyang basahin rin ang sinulat kong ito, hindi niya mababasa dahil hindi siya marunong magbasa't sumulat.
Tuwang-tuwa siya noon nang malaman niyang marunong na akong magsulat ng pangalan ko sa papel at magbasa ng abakada pero hindi niya akong nagawang yakapin. Konting ngiti lang ang binato niya sa akin ngunit alam kong masaya na siya noon.
Sana naturuan ko rin siyang magsulat at magbasa. Sana natulungan ko rin siyang ipagtanggol ang sarili niya mula sa mga kaibigan niyang ginawa siyang alila. Sana nasabi ko sa kanya na importante siya sa amin. Kasi alam kong naging mahirap rin sa kanya noong nabubuhay siya na nakikita siyang matapang sa bahay at alam kong wala siyang mapagsabihan kung nahihirapan na siya.
Kaso huli na ang lahat. Wala na siya.
Bakit nasa huli ang pagsisisi? Bakit hindi natin kayang sabihin ang nararamdaman natin? Bakit nagpapatali tayo sa mga bagay na hindi naman tayo masaya? Bakit natatakot tayong gumawa ng hakbang na makakapagbago ng buhay natin? Bakit maraming bakit? Bakit maraming tanong na hindi natin kayang sagutin kaagad? Bakit nakakatanga? Bakit kailangan pang mawala ang isang bagay o tao bago malaman na mahalaga siya? Bakit kailangan pang maghintay?
Bakit?
Nobyembre na, aalalahanin kitang muli. Bibistahin mo na naman ako sa panaginip ko. Babalik na naman ang mga alaalang may panghihinayang.
Hindi ka namin makakalimutan.