Sunday, January 1, 2017

HANDOG

Isa na namang masayang yugto ng pagwawakas, simula ng katapusan at pagsalubong sa panibagong taon. Mabuhay ka dahil matapang ka sa pananatili!

Sana tulad ng pagtatapos ng taon, ganito rin natin sinasalubong ang lahat ng pagsubok sa buhay.

May buong paniniwala at may pag-asa sa dibdib.

Kung ano man ang mangyari ay dapat na hindi magsisi dahil araw-araw kang mabubuhay.

Nakakatuwang mga pangyayari, kinakabahan na may halong pananabik dahil hindi alam ang magaganap pero handang sumugal at lumabang muli.

Sana palagi mong tandaan na hindi lang sa pagtatapos ng taon mayroong pagkakataon. Araw-araw mayroon. Pagkamulat ng mata kapag nasilayan ka ng liwanag ng umaga hanggang sa pagkabigkas ng huling mga salita ng panalangin sa gabi ay nabigyan ka ng pagkakataong mabuhay at magkaroon ng saysay.

Araw-araw pwede kang magmahal. Araw-araw maaari kang magbago, umahon, at lumago.

Inuulit ko, araw-araw. Araw-araw may handog sa iyo. Buksan mo lang ang regalong ipinagkaloob sa'yo.

No comments:

Post a Comment