Tuesday, March 14, 2017

LABAN, SUGOD, BANGON!

Sa bawat puyat, sa bawat luha sa tuwing hindi mo minsan maunawaan ang inaaral, sa bawat araw na napapagod ka na para maging mabuting mag-aaral, at sa mga panahon na akala mo nag-iisa ka lang.

Tandaan mo na papalapit ka na nang papalapit sa diploma mo at sa lisensyang matagal mo na ring hinihintay.

Paano ba malalaman kapag malapit ka na? Kapag mahirap na at kapag gusto mo ng sumuko. Mahirap pero lakad ka kahit pakonti-konti lang basta gumagalaw ka papalapit doon. Tiisin mo na.

Kaya huwag kang hihinto. Indikasyon iyan na malapit ka na. Ang layo na ng nilakbay mo, babalik ka pa ba?


No comments:

Post a Comment