17 years na lumalaban para maipasa ang Anti-Discrimation Bill at hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan. Nakakalungkot. Isipin mo, inabot ng 17 years itong ADB? Hindi pa ba sapat na maraming buhay ang nasawi para sa hate crimes? Hindi pa ba sapat na may dini-discriminate sa paligid mo? Hanggang kailan magbubulag-bulagan o magbibingi-bingihan? Hanggang kailan?
Porke’t hindi mo nararanasan ang sakit at hirap ng nasa minorya, eh ipagkakait mo na ang karapatan namin. DUWAG KA. Pasalamat ka at nasa loob ka ng tahanan mo para manood ng mga pangyayari sa paligid. Pasalamat ka hindi ka sumasali sa pride march at may placard para ipamukha sa madla na “tao rin kami” na may karapatan na maproteksyunan. Hindi ba’t kapag tao ka ay may karapatan ka ring mapangalagaan? Hindi mo ba nakikita sa mga mukha namin ang kapatid at kaibigan mo?
Kaibigan ka ba talaga? Tao ka ba? May puso ka ba? Nagpapakita ka ng awa at lungkot kapag may hayop na nasasaktan kaya patuloy mong sinusuportahan ang animal rights movements at protect the environment movements pero kapag kami na nasa minorya (LGBT), pagkakaitan mo? KAMI NA KAPWA TAO MO PA.
Hindi ko maintindihan na umabot ito ng 17 years at hanggang ngayon ay inilalaban pa rin. Ganoon ba tayo ka-backward? Ganoon ba tayo kawalang puso? Pucha ah, puro tayo preach bakit walang application. PURO LIP SERVICE.
Sabagay, ang slavery nga umabot raw ng 245 years. Grabe ang tao. 245 years inabot para isipin na mali ang pang-aalipin.
No comments:
Post a Comment