Relate ang thesis mates dito hahaha. Hango ito kay Bruce Tuckman na theory pero binago ko ang nilalaman. Hahahaha.
1. FORMING – The “getting to know stage,” usually excited ka pa sa mga magiging kagrupo mo! Ang saya-saya kasi siyempre iba na makakasama mo. Ito yung tipong hindi moa lam ang nightmare na nag-aabang sa’yo. Excited at energetic ka pa sa mga plans ninyo. So much hope! Haysss…
2. STORMING – “Bagyo” nga talaga kung iisipin. Takte. Dito na kasi naglalabasan ng baho eh. Mga talks*its na mga ka-grupo saka maraming mga dahilan sa buhay na kesyo busy daw siya eh lahat naman kayo busy. Tinatawag ko ‘tong puno ng poot, hinanakit, at kash*tan stage. Langya, conceptual framework na lang nga inassign mo hindi pa rin nagawa o kaya pag aayos lang ng references ng APA format maraming dahilan pero syempre kinalimutan mo na e.
3. NORMING – Sa isang grupo, meron isang ka-grupo mo na magbibind sa inyo. Siya yung tipong tagapakinig ng bawat sides. Taga-tanggap ng mga hinanakit ng isa’t-isa. HAHAHA. Yung paghupa ng bagyo dito na yun papasok at magkakaroon na kayo ng norms o rules na susundin. Initial integration na rin ito kung tawagin. May paglunok na ng pride dito. Sa mga hindi marunong lumunok ng pride, just thoroughly masticate it and drink enough water. Yun lang. HAHAHA.
4. PERFORMING – Ito na ang bongga. Ito yung perform na kayo. Confidently performing at its finest na ito. Kasi nagkapatawaran na nga at syempre gusto mon a rin grumaduate kahit na naging hype yung experience mo sa mga thesis mates mo. HAHAHAHA.
5. ADJOURNING- Natatanaw-mo-na-ang-liwanag stage hahaha. Nakahard bound na kasi at pagraduate ka na rin. Ito na ang panahon na sa wakas naalis na ang sumpa! Makakalaya na ako! YES! The diploma! My pamilee, my pamilee!
Pasensya na ha. Hahaha ganito ko kasi laruin ang konsepto ng ilang mga pag-aaral ko. Hahaha masaya kasi kapag may ganito.
No comments:
Post a Comment