Sa ngayon parang kay sarap gamitin ng
iniibig kita kaysa mahal kita. Ang huli’y maaaring gamitin sa pamilya at
kaibigan samantalang ang iniibig kita ay ginagamit sa taong makakasama mo sa
buhay. Ito ay paraan paghahayag ng pag-ibig.
Kung mapapansin ay may “ig” sa
dulo na makikita rin sa salitang "tubig.” Nabasa ko na ang pag-ibig ay parang pagdaloy
na tila nagpapahiwatig ng pagbabago.
Hindi ba’t kapag tunay kang umibig, nagbabago ka? Mas nagiging mabuting tao at
mas iniisip ang kapakanan ng taong kasama mo…iniibig mo.
Sambitin mo at gamitin dahil ang wikang
Pilipino ay makapangyarihan. Walang dapat ikahiya. Banggitin mo ang “iniibig
kita” sa taong mahalaga sa’yo. Huwag mong abusuhin na para bang damit lang na
sinuot at hinubad, huwag mong kasanayan dahil nawawalan ng
halaga…sabihin kapag totoo, wasto at sa mga panahong ramdam na ramdam mo.
No comments:
Post a Comment