Ang pag-ibig parang lisensya iyan. Pagkatapos mong makamit hindi mo pinapabayaan, sineseryoso pa rin, ina-update, at pinapalitan ang lumang sarili na para bang dinadamitan ng panibagong ngiti mula sa pangit mong larawan noon.
Tinitiis ang mahabang pila at marunong maghintay. Wala kaming pake sa init o kahit na walang hangin. Kahit gaano kalayo mag aabang at pupuntahan ka namin. Binabalikan namin ang nakaraan at iniipon ang mga papel na nagpapatunay kung gaano kahalaga. Alam namin ang mahalaga sa hindi. Alin ang pupuntahan at hindi pagtutuunan ng pansin. Alam namin kung sapat na. Marunong kaming makuntento at marunong rin magbuhos ng oras. Samakatwid, alam namin ang salitang "priority."
Pinagpuyatan namin iyan, iniyakan ng dugo, ipinanalangin gabi-gabi kaya nakamit at inuusal ang mga salitang kung minsan ay hindi na rin namin maunawaan pero pilit na iniintindi, gabi-gabi naming inuulit ito na para kaming hinehele pati rin sa panaginip dinaladalaw kami. Sa ganoon namin nakuha ang lisensya.
Magmahal ka ng may lisensya. Alam namin kung gaano kahirap makamit ang isang bagay at alam rin namin kung gaanong kasakit ang ito ay mawala.
Kaya hindi ka mawawala.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Tuesday, February 7, 2017
ANG PAG-IBIG AY PARANG LISENSIYA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment