Naluha ako sa video na napanood ko patungkol sa isang dating janitor na ngayon ay bagong abogado na. First take lang nakapasa siya! Nag-aral siya sa Universidad de Manila at talaga namang iginapang niya ang pag-aaral niya. Ultimong pagbili ng damit hindi daw niya ginawa para lang maigapang niya ang tuition nya.
Naka-relate ako ng konti sa ilang sinabi niya kahit di naman ako namasukan na janitor kasi nanggaling rin kami sa hirap at kapag mahirap ka, paulit-ulit mong maririnig sa parents mo na walang maibigay sa'yo ang mga salitang..."mag-aral ka." Bakit? Kasi tulad nga ng sabi ng mga magulang ko, "ito lang ang bagay na hindi kayang nakawin sa'yo."
Tulad nga ng sabi niya na nasasalamin sa buhay ko...
"Kaya nating putulin ang cycle ng kahirapan...Magsumikap lang po..*sobs* edukasyon lang po talaga...*sobs* wag pong isipin na mahirap..." 💓
Atty. Ramil Dominador, 2017
I hope BLEPP takers na-inspire kayo sa kanya! Anong excuse natin sa kahirapan? Kung kaya niya, kakayanin rin natin! Kaya sa future, magiging psychologist rin ako! Natapos ko na ang unang laban ko noong 2014 sa psychometrician. Sa future, kakayanin ko rin yun!
Walang madaling laban, lahat pinaghihirapan. Mapait ang lalakbayin at mahirap ang pagdadaanan nating lahat pero tandaan natin na sa dulo nito, matamis ang tagumpay!
#BLEPP2017 #LABAN2017
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Wednesday, May 3, 2017
WALANG MADALING LABAN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment