Sa kulturang mahilig magbiro hindi maiiwasan ang konsepto ng pagkapikon.
Sa mga nangyayaring insidente sa bansa natin may ilan na pinipiling maging magaan ang sitwasyon. Kaya naman mapapansin na may iba na pinipiling magbigay ng biro o hugot. Bakit? Para pagaanin ang sitwasyon. Kung minsan, kapag napapahiya tayo hindi ba't kung minsan kumakamot ka tayo ng ulo sabay ngingiti ka sa kabila ng naranasan nating hindi magandang pangyayari? Bakit ganoon ang reaksyon natin kung minsan? Kasi ito ang paraan ng iba na mabawasan ang tensiyon.
Iba't-iba tayo ng reaksyon. Huwag nating asahan na pare-parehas tayo ng magiging pagtingin sa mga insidente kasi nga IBA-IBA tayo ng karanasan at may kanya-kanya tayong sinusuot na lente. Masyadong mababaw na magbigay ka ng panghuhusga sa kapwa mo na mababawa ang mga nagbibiro o humuhugot base lamang sa nababasa mo sa social media. Gaano ka ba kasigurado na wala silang pakialam? Gaano ka ba kasigurado na hindi sila nananalangin para sa ikabubuti ng lahat? Tandaan, may mga kaibigan at kamag-anak rin ang mga ito sa ibang lugar. Maaaring pinili lang nilang maglagay ng status na ganyan dahil sa ganyang paraan lang nila mababawasan ang pangit na pangyayari sa paligid. Masyadong toxic na ang mundo. Hindi ba? Saka ang pagbibiro (depende sa biro syempre) kung minsan ay isang indikasyong na ang isang tao ay intelehente.
Ang kababawan sa mga nababasa ko ay mga panghuhusga mula lang sa mga tao na hindi man lang sinubukang ilugar ang sarili nila sa sitwasyon. Tulad niyan, hindi ko naman pwedeng husgahan ang mga tao sa social media na may care sila sa kapwa nila sa pagsasabi lang ng #PrayforMarawi. Kasi masyadong limitado ang social media. Ganon rin sa kabila na hindi porket nagbiro sila o humugot ay wala silang pake. Ang mahirap sa atin kasi masyado tayong magaling.
Ang point ko: Huwag maghusga sa kapwa. Kaysa magreklamo bakit hindi natin subukan na pagaanin ang sitwasyon? Kung hindi mo gusto, unfriend at unfollow. Simple lang di ba. Masyadong malupit na ang mundo para magtalo tayo. Subukan mo ring magsuot ng panibagong lente.
Naiintindihan ko naman kung bakit may napipikon kasi nga sa kulturang mahilig magbiro hindi maiiwasan ang konsepto ng pagkapikon.
Basta ako, pipiliin kong maging masaya, keber ako sa iba basta tinitignan ko kung ano yung mas makabubuti. Magbibigay ako ng suhestyon kung kinakailangan at hindi ko na kailangan pang i-post lahat ng binabahagi ko sa iba.
Iyon lang. Qiqil si acoe.
Posted in my original facebook account.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Friday, May 26, 2017
PAGGAMIT NG BAGONG LENTE
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment