L-R: Dr. Gia Sison, Dr. June Lopez, Ms. Kylie Versoza, and Sen. Risa Hontiveros |
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Tuesday, May 30, 2017
LIVE MENTAL HEALTH DISCUSSION
Sunday, May 28, 2017
#MHACTNOW 2017!
I'll join the live audience and I'll try to do live streaming! Join us on Facebook Live to talk about mental health and don't forget the hashtag #MHActNow 💙💚
Friday, May 26, 2017
PAGGAMIT NG BAGONG LENTE
Sa kulturang mahilig magbiro hindi maiiwasan ang konsepto ng pagkapikon.
Sa mga nangyayaring insidente sa bansa natin may ilan na pinipiling maging magaan ang sitwasyon. Kaya naman mapapansin na may iba na pinipiling magbigay ng biro o hugot. Bakit? Para pagaanin ang sitwasyon. Kung minsan, kapag napapahiya tayo hindi ba't kung minsan kumakamot ka tayo ng ulo sabay ngingiti ka sa kabila ng naranasan nating hindi magandang pangyayari? Bakit ganoon ang reaksyon natin kung minsan? Kasi ito ang paraan ng iba na mabawasan ang tensiyon.
Iba't-iba tayo ng reaksyon. Huwag nating asahan na pare-parehas tayo ng magiging pagtingin sa mga insidente kasi nga IBA-IBA tayo ng karanasan at may kanya-kanya tayong sinusuot na lente. Masyadong mababaw na magbigay ka ng panghuhusga sa kapwa mo na mababawa ang mga nagbibiro o humuhugot base lamang sa nababasa mo sa social media. Gaano ka ba kasigurado na wala silang pakialam? Gaano ka ba kasigurado na hindi sila nananalangin para sa ikabubuti ng lahat? Tandaan, may mga kaibigan at kamag-anak rin ang mga ito sa ibang lugar. Maaaring pinili lang nilang maglagay ng status na ganyan dahil sa ganyang paraan lang nila mababawasan ang pangit na pangyayari sa paligid. Masyadong toxic na ang mundo. Hindi ba? Saka ang pagbibiro (depende sa biro syempre) kung minsan ay isang indikasyong na ang isang tao ay intelehente.
Ang kababawan sa mga nababasa ko ay mga panghuhusga mula lang sa mga tao na hindi man lang sinubukang ilugar ang sarili nila sa sitwasyon. Tulad niyan, hindi ko naman pwedeng husgahan ang mga tao sa social media na may care sila sa kapwa nila sa pagsasabi lang ng #PrayforMarawi. Kasi masyadong limitado ang social media. Ganon rin sa kabila na hindi porket nagbiro sila o humugot ay wala silang pake. Ang mahirap sa atin kasi masyado tayong magaling.
Ang point ko: Huwag maghusga sa kapwa. Kaysa magreklamo bakit hindi natin subukan na pagaanin ang sitwasyon? Kung hindi mo gusto, unfriend at unfollow. Simple lang di ba. Masyadong malupit na ang mundo para magtalo tayo. Subukan mo ring magsuot ng panibagong lente.
Naiintindihan ko naman kung bakit may napipikon kasi nga sa kulturang mahilig magbiro hindi maiiwasan ang konsepto ng pagkapikon.
Basta ako, pipiliin kong maging masaya, keber ako sa iba basta tinitignan ko kung ano yung mas makabubuti. Magbibigay ako ng suhestyon kung kinakailangan at hindi ko na kailangan pang i-post lahat ng binabahagi ko sa iba.
Iyon lang. Qiqil si acoe.
Posted in my original facebook account.
Saturday, May 20, 2017
GLIMPSES OF THE PAST
My response to him:
If you only read textbooks, then you’re lacking some knowledge about his works.
Theory of gravity is still a theory today. Haha. But it doesn’t matter as long as it is validated, replicated by other studies, and its utility in the field. The theory of gravity is still open for change and if there are a parsimonious theory that could replace it in explaining some phenomena in the physical world, then they will choose it. THAT’S THE BEAUTY OF THEORY, THE BEAUTY OF SCIENCE.
The development of theories was indebted with the works of Freud. Without the courage of publishing controversial theory and concepts, the rise of intellectual spirits will never occur. It’s like telling the world that Democritus is bullshit because he only stated atoms are everywhere and it is physically indivisible. Do you think scientists will ever achieve this advanced knowledge without ideas from philosophers, like Democritus? Why do you think authors included them in textbooks? Isn’t a form of arrogance to state such shit without even trying to understand the theory itself?
We studied history to see the development of thoughts in our field, to pay our respects to the pioneers, and to look back on the zeitgeist of their time.
When we study behavior, do you even realize that we take a glimpse into the past of the person? Because it helps us understand his/her behavior. But, of course, it's not the whole picture. It only gives us another way of construing events and behavior at present.
Friday, May 19, 2017
TRACING THE THOUGHTS
I'm planning to reread my book about systems and theories of Psychology and history of Psychology to trace the origin of thought.
I will also reread abnormal psychology and memorize the formula in psych statistics. I'm excited. I think these are baby steps to achieve my dream: to become a Psychologist.
May all the Universe conspires to help me achieve all these.
Thursday, May 18, 2017
MARKETING CRAP
Inisip ko kung naririnig ba ng speaker yung sinasabi niya? I don't think goal setting is pointless. Ang kabuuan nga ng sinabi niya ay tungkol sa goals e. He emphasized the importance of end goals than mean goals. Naintindihan ko kung bakit kasi in Adlerian terms the behavior and personality are self-consistent. lol. Future goals guide our present behavior.
He talked as if his idea is new saka nakakainis lang na tanungin pa niya kung bakit ang students daw ay papasok sa law kung magiging miserable and stressed out sila.
So ano bang tingin niyan Hedonistic tayo ha? Sabi sabi pa siya na na-surpassed niya lahat ng bullsh*t basta magfocus lang sa end goals. lol. He is not being true to himself. Magaling lang siya mag-persuade.
Mahirap ang buhay. Wake up. Bakit mas pinipili ng mga students na mag law kahit na mahirap at maaaring miserable sila? Eh kasi nga may iba na passionate sila doon. Iba-iba tayo ng gusto at huwag mong itulad sarili mo sa'yo. Kung makapag down naman siya sa lawyer as if naman di siya nakikinabang sa tulong non. Sa lawyer, pwede ka rin magkaroon ng growth at contribution no. Bullsh*t na marketing style yan to elevate yourself.
So kapag ang end goal ko maging Psychologist pwede ba akong maging crap lang? No! Mahirap pero ipupursue ko 'to kasi sa magandang experience tulad ng kabullsh*tan na sinasabi mo na akala mo ikaw lang meron na magandang experience (ehem), growth (dynamic yun sa Psych tulad rin ng ibang field) at may contribution sa society. Kalokohan yun. Kapag psychologist ka nga ang dami mong role e. Kalokohan na maging stagnant ka doon sa pangarap mo.
Kung easy lang at shortcut sinasabi mo di ko alam kung maniniwala ako kasi self-defeating ka na. Bago ka makarating dyan sa pedestal mo katakot-takot na challenges rin ginawa mo.
Hindi mo pwedeng i-deny ang negative and difficult aspect ng buhay dahil kapag hindi mo tinignan iyon, nagsinungaling ka sa sarili mo.
Ayoko ng mga ganitong marketing strategy. Napaka Barnum lang, general lang ng statements niya e. Magaling lang sa impression management pero kalokohan.
Basta alam ko, huwag mong itutulad ang mga tao sa sarili mo, huwag mong subukan na hilahin ang iba para tumaas ka, at huwag kang magshortcut tapos.
Kalokohan na sabihin mong magiging fulfilling ang buhay at ma achieve ang growth gamit ang shortcut. Kagaguhan. Ang inconsistent na nga ng sinabi niya e.
Huwag magpaloko. Hays, humans.
Wednesday, May 17, 2017
VISUAL CLIFF
The idea of depth perception of the kid amazes me. It actually reminds me of the visual cliff study of Gibson and Walk when they tested the depth perception of human infants (babies who just learned to crawl). They found out that adjusting the visual cliff as deep made the crawlers hesitate to crawl on a plexiglass toward their parents. It's amazing!
What makes this study amazing?
Imagine that 6 to 14 months old infants were never taught about the depth perception. They just knew that it's dangerous to cross a simulated cliff (believing it was an actual cliff).
Hence, the idea of inherent knowledge was somehow validated. But I want to make it clear, nature and nurture are both vital. It works hand in hand.
Monday, May 15, 2017
Balat-Kayo Sa Mundong Maingay at Magulo
Kagabi lang sinubukan kong magreflect at sinubukan kong manood ng educational videos tulad ng ginagawa ko.
Nahanap ko na ang sagot sa matagal ko ng tanong, extrovert ba talaga ako kasi mas maraming introvert characteristics ako sa totoo lang. Last time, dinefine ko sarili ko bilang ambivert kasi kaya kong mag adjust. Pero hindi e. Nakita ko ang video ni Dr. Brian Little, well-known professor at speaker. It turned out that he's an introvert working on an extrovert's role.
Nasabi nga niya na maging maingat ang sa pagganap sa mga role dahil kung minsan may mga bagay na para bang mapapabayaan rin ang sarili. Maraming pagkakataon na inilarawan ko ang mga araw na ups and downs na inisip ko. High na high sa ideas then go back sa down phase after prolonged exposure. Hindi bipolar na manic ako kundi kailangan kong ihiwalay ang sarili ko sa tao pagkatapos ng mahaaaabaaang oras na naglecture at nagexpend ako ng energy. Kailangan kong bumalik sa nature o kaya sa kwarto ko para matulog at manood na lang ng mga interesting documentaries about science at psychology. Kundi naman, makasama lang yung mahalagang taong gusto ko. Introvert rin kasi siya pero ako naman yung taong na-confused.
Sa totoo lang, marami rin akong kakilala at kaibigan pero ako yung tipo na hindi talaga makapag-join sa mga activities nila. Bibihira. As in. Usually na excuse ko busy ako. Totoo naman iyon saka sa totoo lang ang mga oras na iyon na may kasiyahan ay medyo iniiwasan ko rin. Sobrang mapapagod ako ulit dahil sa work ko tapos maraming tao na naman.
Hindi ako nakaka-attend ng family clan at reunion namin, nagtatampo na ang parents ko sa akin pero kasi masyadog maraming tao na hindi ko kilala at nakakalito sila. Napapagod rin ako sa sobrang haba ng pakikisalamuha na kung minsan ayoko na talagang magsalita kapag nasa bahay na ako.
Kaya kong magstay sa bahay ng matagal at hindi magpunta sa party saka hindi naman kasi ako nag-iinom eh at ayoko amoy ng yosi. "Home buddy" nga ang tawag sa akin ng mama ko at ako ang tahimik sa aming magkakapatid kahit na ang alam ng ibang mga nakakasalamuha ko na extrovert ako.
Sa tingin ko sa tagal rin ng ginagawa ko nasanay rin ako e pero kung babalikan yung elementary days ko na grade 6 tapos papuntang high school, tahimik ako e. Na-trigger lang akong lumaban at magsalita nang pahiyain ako ng teacher ko saka paringgan ng classmate ko. Paano daw akong nag-top sa class namin nang hindi ako nagsasalita o nagrerecite? Gusto ko sanang isampal sa kanya na 30% ang exam, 15% attendance, 20% quizzes, 15% projects, at 20% ang oral. Perfect ko naman halos lahat yun lalo na ang exam at quizzes ko except sa hindi lang ako nagsasalita. Simula noon, nagsalita na ako.
Maingay ang mundo, masyadong maingay. Mas nakikilala ang mga masalitang tao kaysa sa mga taong pinipiling manahimik. Maraming misconceptions na para malamang magaling ka kailangan magaling ka ring magsalita kaya naging dream ko na sana talaga maging speaker rin ako kasi natatakot rin ako magsalita sa harapan. Natatakot ako sa sasabihin nila sa akin tulad ng pagkutya ng teacher ko sa matigas kong dila noon. Kaya ayon, nagsanay akong mag-isa at sinubukan ko na labanan yung mga ayaw ko o hindi ko ginagawa dahil gusto nga ng mga tao sa mundo ng maingay. Hindi ba't masyadong mababaw? Kung titignan lang natin sa boses o salita? Mas marami ang gawa sa pag-iisa dahil nahahanap mo ang sarili laban sa maraming mga taong nagkokopyahan at naghahanap ng sarili sa nakararami. Ayos lang naman rin ang marami kasi kailangan ng tulungan pero gusto kong sabihin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahahanap ang sarili sa iba.
Alam mo nakakalungkot e kasi yung gf ko introvert siya. Maraming maling iniisip sa kanya yung iba kahit profs niya. Siya ang pinakamagaling na taong kilala ko sa abnormal psychology at clinical pero hindi kasi siya masalita kaya nakakuha ng mababang grade lalo na yung puchang profs na nagroroleta. Kaya galit ako sa ganoon. Naiinis rin ako na mas pinapaboran ang masalita lang na student sa mga student na tahimik pero magaling sa written. Masyadong mababaw kung sa boses lang natin papakinggan ang tao. Hindi iyon ang kabuuan. Kaya dahil doon, binabasa ko gawa ng mga students ko at hindi porket sya ang laging face ng class ay siya na ang basis ng mataas na grades.
So kung babalikan natin ulit, palagay ko introvert ako na nagpapanggap na extrovert dahil pinili kong makipagsabayan sa maingay na mundo pero sa dulo...nandoon lang ako sa maliit kong safe na place. Nagpapahinga at masaya kasama lang ang piling taong gusto ko. Ayos rin naman ang experience eh kasi may mga bagay akong nasubukan na di ko akalain na makakaya ko.
Mabuti talaga nauso ang blog para masabi ko laman ng utak ko. Hahahaha.
Sunday, May 14, 2017
Ang Simbolo ng Kabuuan
In Jungian, the symbol of wholeness or completion of the self is mandala. Well, para sa akin... ikaw. 💓
Mahal kita, mama.
Happy mother's day sa lahat ng may great mother archetype! Iba't-ibang shapes, sizes, gender, at beauty. Hindi mabubuo ang mundo kapag wala kayo. Salamat po sa inyo. 🤓
Thursday, May 11, 2017
Tuesday, May 9, 2017
The Greatest Thing
The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return.
Eden Ahbez
Friday, May 5, 2017
JUST-WORLD HYPOTHESIS
Remember the "just-world hypothesis"? It is the idea that the world is just. When you do good, you'll be rewarded but when you do bad, you'll be punished. Simple, isn't?
What if I told you this simple idea has a negative effect such as victim blaming?
Ah, "na-ano kasi" dahil nakasuot ng maiksing short. Na-rape kasi nakaka-provoke saka umiinom at umuuwi ng gabi. Mahirap sila kasi ang tatamad nila (really, lahat? Eh yung iba kahit anong kayod di naman nabibigyan ng chance tapos sasabihin salot). See?
Deserve ba nila? Of course not. The world is unfair. We know it. It's not simple. People, regardless of sex, gender, race, religion, and cultural background, don't deserve to be blamed by things that they can't even control because of other monstrous animals and unfair justice system.
This post is dedicated to the rest of the people who never felt they were good, beautiful, strong, and lucky enough.
You are not alone. Keep the hope.
Thursday, May 4, 2017
Mabuhay ka, araw-araw.
Ayokong nakawin ang sandali at ang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung gaano kalalim o kung gaano man kahirap yan sa'yo pero gusto kong basahin mo 'to.
Ito ay para sa'yo. ☺
Balikan ang Simula
Balikan mo kung saan ka nagsimula para hindi mo makalimutan kung paanong itapak ang mga paa sa lupa.
Wednesday, May 3, 2017
INTERMITTENT CHIPPED MARKS ON THE ROAD
Thanks to the work of De Waard, Jessurun, Steyvers, Raggatt, and Brookhuis (1995)! They hypothesized that drivers would often reduce its speed when they are perceptually uncomfortable. Hence, you'll observe intermittent chipped markings on the road to penalize the speeding driver with uncomfortable noise which will reduce the average speed by 3 km/hr. This is an ample reduction of speed to increase safety.
You can read this on Michael Aamodt, 8th Ed. It's on the Appendix Part. (Oops, yes, hahaha I'm reading the appendix and there are summarize per chapter on his book at the end. Tip lang.)
Source: Michael Aamodt, 8th Ed, I/O Psychology
WALANG MADALING LABAN
Naluha ako sa video na napanood ko patungkol sa isang dating janitor na ngayon ay bagong abogado na. First take lang nakapasa siya! Nag-aral siya sa Universidad de Manila at talaga namang iginapang niya ang pag-aaral niya. Ultimong pagbili ng damit hindi daw niya ginawa para lang maigapang niya ang tuition nya.
Naka-relate ako ng konti sa ilang sinabi niya kahit di naman ako namasukan na janitor kasi nanggaling rin kami sa hirap at kapag mahirap ka, paulit-ulit mong maririnig sa parents mo na walang maibigay sa'yo ang mga salitang..."mag-aral ka." Bakit? Kasi tulad nga ng sabi ng mga magulang ko, "ito lang ang bagay na hindi kayang nakawin sa'yo."
Tulad nga ng sabi niya na nasasalamin sa buhay ko...
"Kaya nating putulin ang cycle ng kahirapan...Magsumikap lang po..*sobs* edukasyon lang po talaga...*sobs* wag pong isipin na mahirap..." 💓
Atty. Ramil Dominador, 2017
I hope BLEPP takers na-inspire kayo sa kanya! Anong excuse natin sa kahirapan? Kung kaya niya, kakayanin rin natin! Kaya sa future, magiging psychologist rin ako! Natapos ko na ang unang laban ko noong 2014 sa psychometrician. Sa future, kakayanin ko rin yun!
Walang madaling laban, lahat pinaghihirapan. Mapait ang lalakbayin at mahirap ang pagdadaanan nating lahat pero tandaan natin na sa dulo nito, matamis ang tagumpay!
#BLEPP2017 #LABAN2017
Tuesday, May 2, 2017
ALITAPTAP
Sobrang dilim ng gabi. Ang tahimik. Ang liwanag lang na mayroon kami ay ang buwan. Napakalawak ng paligid. Sa magkabilang gilid may mga mangrove at may ilang mangrove ang binibisita namin para panoorin ang mga alitaptap. Lalapitan tapos magkukwento ng mga myth tungkol doon. Isa sa mga nakakatuwang kwento ay kapag namatay daw ang alitaptap, pinapaniwalaan daw na nagiging bituin ito. May mga kwento rin sa tatlong batang naging alitaptap at mga kwento na may mga espirito o fairy daw ang mga mangrove na pinamamahayan ng alitaptap. Marami kasing mangrove na walang alitaptap sa paligid at pinapaniwalaan kasi na walang bantay o espirito doon. Kaya, kapag may alitaptap, may diwata o espirito dito. Syempre, hindi ako naniniwala doon pero gustong-gusto ko ang kwento. Lumalabas kasi ang kaisipang Pilipino at ang kultura ng mga bikolano. Nakakatuwa. Napaka-creative nila. Ang mga ganitong kwento ay isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay ang sining. Nagiging makulay ang paligid, ang kwento, at ang mga pangyayari dahil sa imahinasyon...dahil sa sining. Ang sining ay buhay. Ang buhay ay sining. Ang hilig ko sa ganito dahil isa sa ginagawa ko nang bata pa ako ay ang pagguhit at ang makinig ng kwento.
Kung mapapansin ninyo, wala akong anumang larawan ng nakita ko. Hindi na kailangan. Bukod sa hindi kaya ng kamera ko baka hindi rin ako makapag-focus. Ang lahat ay para sa mga mata ko lamang ng gabing iyon.
Marami akong naisip kagabi. Naisip ko nga ang girlfriend ko. Isa kasi yun sa romantic moment. Napakadilim ng paligid at natural na ilaw lang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag. Naisip kong magugustuhan niya iyon lalo na nakatingala kami sa ilalim ng bilyong mga bituin.
Napakadaming bituin. Ito yung mga bituin na nakikita mosa science books. Langya! Di ko maisip na nakita ng mata ko yung Big Dipper, Crux, at Jupiter. Hindi ko na alam yung ibang constellations eh pero malalaki yung mga bituin! Sobra. Nakatingala ako sa bangka. Masakit ang batok ko at nakakangalay pero hindi ko na nainda. Nilamon ako ng malaking kalawakan sa madilim na gabi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko. Nag-uumapaw na saya na parang iiyak na ako. Ganoon kasi ako. Sentimental ako sa totoo lang pero laging may tabing ng hitsurang matapang. Dinadama ko ang kapaligiran at malakas akong makiramdam talaga. Ngunit minsan pinapakita ko sa iba na wala akong alam...pero alam ko.
Masasabi ko na yung naramdaman ko ay yung tinatawag na Dasein. Yung being-in-the-world sa existentialism. Ang tao ay dapat na maging isa sa kapaligiran. Damhin natin at alagaan. Kagabi para akong naging isa sa nakita ko. Hindi man nakita ng kamera pero masasabi kong malinaw ang naramdaman ko at malinaw sa alaala ko ang lahat. Hindi naman kayang pantayan iyon ng kahit na anong technological devices dahil sarili ko yun na karanasan at ako lang ang nakaramdam noon ng gabing iyon. May naramdaman man ang iba pero iba iyon sa paraan ko.
Naisip ko habang nakitingin ako sa madilim na kalangitan at inuulan ng naglalakihang mga bituin...na ang laki ng kalawakan! Sobra! Pero alam mo, hindi mo ma-appreciate ang kagandahan ng mga bituin na iyon kung maliwanag. Hindi mo makikita. Kung minsan, kailangan natin ng dilim para makita ang kinang natin. Kailangan natin maging isa sa sarili nating kadiliman. Tulad ng sabi ni Carl Jung, (nonverbatim) you need to conquer your shadow in order for you to realize your potentials. Isa yan sa dapat nating gawin. We need to be aware of ourselves, to recognize our limitations, to know our strengths/weaknesses and to realize our potentials. Kapag nalaman mo naman iyang weaknesses or imperfections mo, pwede mo naman na iyan maimprove eh kasi inamin mo sa sarili mo...kasi alam mo. Kapag dineny natin ang mga bagay na iyan, hindi mo makikita ang tunay na ikaw. Hindi mo makikita ang buhay. Aminin natin ang mga bagay sa sarili natin. Kailangan natin ng kadiliman para makita natin ang pagkinang natin.
Bukod don, naisip ko na speck of dust lang talaga tayo pero tayong mga tao ang hilig natin na magmataas na dumadating sa punto na hindi na natin na-appreciate yung ganda ng ibang creatures. Tulad kagabi, may 2,000 types ng fireflies sa buong mundo at maswerte ako na makita ang isa sa type na iyon sa Donsol, Sorsogon. Nakita ko ang synchronous fireflies na sabay-sabay silang kumukutitap habang lumilipad o kaya naman habang nasa iisang lugar. Nakita ko na para silang mata na nagbiblink kagabi at habang tumatagal na tinitignan mo sila, mapapansin mong nakarelax ka na rin. Yung pagpatay-sindi nila kasabay na rin ng breathing mo. Akalain mo iyon? Hahaha. Oh di ba. Saka alam mo ba ang kaibahan ng lalaking fireflies sa babae? Ang mga lalaking fireflies pala ang lumilipad tuwing gabi at ang mga babae pala ang nandoon sa mga leaves ng mangroves. Ang mga lalaking fireflies na may malalaking liwanag ay sumasayaw o ginagawa nila ang courtship dance sa mga babae. Ang mga babae naman na may maliliit na liwanag ay pinapanood sila. Nakadepende sa babae kung sasayaw pa ang mga lalaking fireflies. Kung mapapansin natin na kapag nagdikit ang babae at lalaki tapos lumipad ulit ang lalaking fireflies kahit na lumapit na siya doon sa babae, ang ibig sabihin daw noon na hindi pa sapat ang pagsayaw niya kaya kailangan pa raw nyang sumayaw ulit at panonoorin siya. Ang saya di ba. May ganoon pala. Hindi ko na mailalahad lahat ng nalaman ko kagabi dahil sobrang haba ng lecture ng tour guide, akala ko nga may quiz kasi sobrang nakinig ako! HAHAHA. Promise.
Naisip ko rin kagabi na nakaka-amaze. It was a humbling experience. As in. At the same time, I am empowered. Naisip ko rin kasi na...Oo, malawak ang kalawakan at ang taas ng mga bituin pero hindi ko dapat kailangan na maliitin ang sarili ko dahil ang mga sangkap na bumuo sa mga bituin na iyon ay matatagpuan sa loob ng katawan ko. Kaya nga sabi ng fave astrophysicist ko, "We are star stuff. The universe is in us." Kaya wag rin natin maramdaman na ibaba masyado ang sarili natin bagkus matuto tayong maging isa sa mundo, ma-appreciate ang ibang creatures, at i-enjoy ang bawat araw na nandito tayo.
Mabuhay ka, araw-araw.