Monday, February 27, 2017

Tabing

Mahirap ang magpanggap. Mahirap magbitbit ng napakabigat na dinadala. Dinala mo ng ilang dekada na hanggang ngayon nandiyan pa rin. Pilitin mang ayusin, wala pa rin.

Ang hirap magpanggap na malakas. Nakangiti sa harap ngunit naghahapis kapag mag-isa. Sino ang tatakbuhan kung walang nakakaalam? Sino ang malalapitan kung inaasahan kang malakas? Wala.

Ang inaasahan mong tutulong sa'yo ay hindi rin alam ang pinagdadaanan mo.

"Kaya mo yan," aniya. "Ngunit hanggang kailan?"

Matutulog na akong muli at inabot na nang umaga. Iniisip ko kung magigising pa nga ba?

Nakakapagod na.
Nakakasawa na.
Hanggang kailan pa ba?
Nais kong mahimbing ng mataimtim.
Gusto kong maging maligaya at malaya.
Gusto ko nang yakapin ang hantungan.

Nakakapagod na ang mundo.
Paikot-ikot na lang.
Nahihilo na ako.
Hanggang saan pa ba ang lalakbayin ko?

Magigising pa kaya?

No comments:

Post a Comment