Sunday, October 30, 2016

HOW LONG WILL I LOVE YOU?

As of this moment, we are together for 3,400 days which is equivalent to 81,600 hours.

How long will I love you?
I don't know but I don't want to end it.
I will love you as long as I am alive.


Thursday, October 27, 2016

SUKO NA

Hindi naman pagiging duwag ang hindi lumaban.
Hindi naman pagiging duwag ang pagsuko.
May mga laban lang na karapat-dapat.

Kaya suko na ako.
Ilang buwan na lang.

Minsan, pagiging matapang pa nga iyon eh.
Kasi susubukan mo sa simula.
Tatalon kang muli at kahit na may pinangako sa'yo
hindi ka pa rin naman makakasiguro.

Kaya suko na ako.
Ilang buwan na lang.

May panibagong laban na naman.

Wednesday, October 26, 2016

TAGPUAN

Kung mayroon man akong dahilan para mabuhay araw-araw...

Ito ay ang dahilan para sabihin ko sa 'yo na hindi ka nag-iisa sa laban mo.

Hindi mo alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito at kung paano tayo pinagtagpo. Kung sakaling nadatnan mo ako at malungkot ka. Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin hindi dahil sa masaya ako kundi baka parehas tayo ng pinagmulan at dala-dala.

Masyado ng puno ang mundo ng mga mapapait na mga kwentong walang saysay, mga kwentong hindi ko na maunawaan, mga galit, hinanakit at lumbay. Masyado ng konti ang mga taong lumalaban o kung lumalaban man ay walang tinig na naririnig. Tinakpan ng takot o binaon na lang sa limot.

Tandaan mo, mahal, sa ano mang laban mo, magulo man ang mundo... nandito pa rin ako. Hindi kita iiwan tulad ng pagtalikod nila sa'yo. Tinalikuran rin naman ako pero wala naman akong pakialam. Sa ligaya ko lang naman sila nakakasama ngunit mag-isa lang sa lungkot at lumbay.

Kaya, sasamahan kita. Iintindihin kita. Hindi kita iiwan.


ANINO

Kilala mo ba ako? Kilala mo ba ang katulad ko kung saan ako nagmula?

Alam mo ba kung saan ako nagsimula? Kung gaano ako lumaban noon mula sa putikan at kung gaano akong nagtiis sa sakit para lang may maibatong ngiti sa kasalukuyan. Kaya nga ba't nabansot na rin ako dahil dala ng kahirapang dulot ng sa bulsa, kawalan ng pagkain sa hapag, at sa iniindang sakit sa dibdib dahil sira na ang sandalan.

Alam mo ba kung gaanong kapangit ng ugali ko, kung gaanong inayawan ko ang sarili ko sa salamin, kung gaano ko tinakbuhan ang sarili ko noon, at kung anong bumabagabag sa dibdib.

Palagay ko'y hindi. Maaaring walang nakakakilala sa akin. Kung ano ang tunay na ngiti, ligaya, luha, lungkot at takot. Huhusgahan ka ng mundo sa kung anong hitsura mo at palagay ko, nahusgahan na ako.

Pero wala akong pakialam.

Nanggaling ako sa kawalan. Kawalan ng kinapitan kundi iilang taong tumanggap sa akin...na tipong dumating rin ang panahong anino ko na lang ang yumakap sa akin mula sa madilim na nakaraan, anino ko na lang ang sumabay sa akin, at anino ko na lang ang tumanggap sa akin.


Saturday, October 22, 2016

What Matters Most in Life


I am no philosopher and I cannot offer you the right answer about the essence of living our life. For others, an essence of our existence means finding our true purpose. Why does it matter to find our purpose?
There are different responses on human's true purpose. Some say we can only find it through God, others offer meditation to find inner peace and purpose, and some offers death as our final purpose.

Purpose, by my own definition, is the missing puzzle that we feel; the purpose is an action of utilizing our talents for the welfare of others; Realization of our inner knowledge.
The purpose is something that we yearn for to fill the emptiness that we feel or when we are astray. Purpose gives us a sense of direction and drives to continue living our lives, for purpose equates essence of life. Some people exist without it, and so they find themselves in confusion, lack of drive, and unhappiness. Some have almost everything in their lives, fame, money, and titles but no sense of purpose. For purpose is not seen in earthly possession rather it is the pursuit of passion in doing activities in life, using your talents, and realized knowledge.
Now, why does it matter to know our purpose? It matters for it gives us a sense of meaning and a sense of happiness that, at least, we did something rightful for ourselves as well as for others in a very short period of time while we were alive.
From my other blog:

ONE ART


Related Poem Content Details

The art of losing isn’t hard to master; 
so many things seem filled with the intent 
to be lost that their loss is no disaster. 

Lose something every day. Accept the fluster 
of lost door keys, the hour badly spent. 
The art of losing isn’t hard to master. 

Then practice losing farther, losing faster: 
places, and names, and where it was you meant 
to travel. None of these will bring disaster. 

I lost my mother’s watch. And look! my last, or 
next-to-last, of three loved houses went. 
The art of losing isn’t hard to master. 

I lost two cities, lovely ones. And, vaster, 
some realms I owned, two rivers, a continent. 
I miss them, but it wasn’t a disaster. 

—Even losing you (the joking voice, a gesture 
I love) I shan’t have lied. It’s evident 
the art of losing’s not too hard to master 
though it may look like (Write it!) like disaster.

RESTLESS FEET

So I have been contemplating about my life and career lately. I have tried observing and weighing things...

Finally, I got the answer.

2016 is about the peak of my career, challenges, lectures and travel. I was able to travel for free in Luzon, Visayas, and Mindanao. I was able to know myself such as limitations, strengths, reawakening of my skills and above all, I now know my heart's desire. I know where home is.

Last time, I felt like I do not belong to a circle of good people. I felt like I am chained and I couldn't give my best.

There's a lot of good people out there and I am deeply thankful for knowing them. But...

I don't want to be good.

I want to be great.

I want to transcend, develop my skills, and realize my potentials. I want to be appreciated and to be part of something big with people who share the same principles like what I have right now.

I am excited of what awaits me in 2017. Five months is just a blink of an eye. I am sure I will be going out of this country for a while, visit more places, lecture to spread the word of psychology, meet new people, and be more awesome.


Friday, October 21, 2016

HEART LESS

It is a case to case basis. Sometimes, I just have to use my heart less, care less. I have to use my brain first. Ironically, I am in a field where emotions are important. I have to empathize and to interact.

It is just a sad night. Other people cheered up because it is Friyey while I am in my solitude and thinking about a lot of things.

Indeed, a bad night but I will be fine...eventually.

I will keep this in mind:

Heart less and care less. These are the two ingredients for less disappointment and melancholia.


Monday, October 17, 2016

LIFE AS A TEACHER

Isn't it unfair for a teacher to be considered as villain when that person gave his or her time to encourage, teach, and execute some plans to students?

Isn't it unfair if you just allow them to pass the course without even screening them?

Then I'd rather be a villain than to please everyone. I spent my time studying all the lessons from college until now, I suffer from sleepless nights, writing some paperworks and preparing my lessons, throwing some jokes hoping they quickly get my point, and wear some smile though I am not perfectly fine at all times...yet I am still the villain, the terrorist.

Life will squeeze you hard to get something out of you. You have to crack your nuts and you need to be strong. And yes, I will understand if you curse me for making all of you cry but you will see its worth sooner or later.

Well, I guess this will be my life.


Saturday, October 15, 2016

EDUKASYONG DOSE PESOS

Langya. Nanggaling ako sa school na edukasyong dose pesos per unit. Ito yung pamantasan na pila ulit pila. Ayos lang naman yun. Masaya nga ako nanggaling ako sa masa. Doon ako nagmula.

Ngayong graduate na ako, napaka-challenging lang ng idea na naiisip ko. Langya. Noong college pa ako, gusto ko baguhin ang educational system. Sabi ko ang boring naman kung puro libro lang. Maswerte naman ako kasi sa school ko hindi naman lahat spoon-feeding kaya natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa kahit ang hirap hirap na.

Balik tayo, ayoko magkabisado kasi namamatay yung 'creativity' ko at pinangako ko sa sarili ko na balang araw kung maging teacher ako....ayoko ng memorization.

At humantong nga ako doon! Shemay na malagkit, ito na yung moment, bes. Sinubukan kong magturo. Mahirap rin pala. Individual differences. Mahirap ma-handle iyon. Totoo. Sinubukan kong maging masaya ang mga bagay para mas matuto sila at kung minsan hindi ko na masyadong pinagtutuunan ang libro lalo na kung hindi naman ito board subject o hindi naman magagamit sa real life. Pinagaan ko. Minsan comedy bar nga e sa kagustuhang lagyan ng saya pero nandoon ang substance. Pinapadali ko. Binigay ko ang slides at nagbibigay ako ng quizzes.

Alam mo kung anong napala ko? Disappointments. Maraming natutuwa sa ginagawa ko pero disappointed ako na  hindi ko kayang isalba ang lahat ng students. Nakakalungkot.

Pak ganern the educational system! Hype yan!

Bago ka magsabi ng ganyan, subukan mo munang maging teacher kasi mula sa karanasan... mahirap talaga siya. Kailangan gawin mo ang lahat at dapat na subukan mong i-adjust ang sarili mo para sa kanila pero may ilan pa ring maiiwan...at masakit iyon sa part namin.

Kaya hindi ako naniniwala sa ilang motivational speakers eh. *although ganoon naman rin ako at nag-eencourage* Motivational speaker rin ako at the same time teacher. Alam mo kung bakit minsan hindi ganoon ka-effective ang pagiging motivational speaker? Kasi binabago mo ang attitude lang ng nakikinig sa'yo. Barnum statements at pangkuha ng kanilang emosyon lang talaga ang gamit nila sa'yo.

Kaya tignan mo ang mga nakinig na iyan pag-uwi nila sa mga bahay nila, ang ilan babalik agad sa nakagawian nila. Attitude is just a manifestation of their values. Tirahin mo ang values nila kung gusto mong may mabago sa behavior nila...pero mahirap iyon gawin dahil established na ito sa isang tao lalo na kapag adult.

Kaya yung magagaling magsabi ng hype na educational system na iyan, try niyo muna. Para mas maunawaan mo, subukan mo. Isa lang ang teacher at marami ang students. Marami dyan underpaid pa. Marami rin diyan ginawa na ang lahat ng makakaya nila kaso maraming students pa rin ang hindi naman ganoon ka-interesado sa course nila. Minsan students rin talaga.

Napakahabang issue nito pero interested akong makipagkwentuhan sa'yo kung paano ito maiiwasan.

One time lang. Magturo ka pagkatapos pakikinggan kita.


Monday, October 10, 2016

WORLD MENTAL HEALTH DAY!

This October is World Mental Health month! 
As part of the Psychology community in the Philippines, I will be blogging the importance of Mental Health. This is an important issue in our country since several people still are not aware of its importance to our well-being.

Here is the photo from the page of Hon. Risa Hontiveros, one of the supporters of the Mental Health Act initiated by Philippine Psychiatric Association.

For those people who can't understand the comments from my fellow Filipinos, they are denying the fact that mental health issue is important. One of them emphasized that Filipinos are one of the happiest people in the world. 


In the Philippines, the reckoned number of suicides in 2012 was 2,558 (550 female, 2009 male). It was reported in GMA Special report last year. In addition, World Health Organization and Department of Health reported that there are 7 Filipinos who commit suicide everydayThese numbers should not be ignored. Mental health problem is real. 
One important observation of unawareness is when you suggest someone to visit a mental health expert or psychologist for that matter, and then you will be surprised by the response, “hindi ako baliw." (I am not insane)

It is evident that stigma exists in this country. Some people are afraid to visit mental health experts because of the stigma associated with it. Some also think that going to psychologists to talk out your problems is a sign of weakness because Filipinos are resilient and happy people. 

"You are just sad. It will pass." This is just one of the lines that we often hear when we talk out our problems with other people. 

We need to wake up and we need to accept its existence!  We can save lives if we are just paying attention to this issue!




Just because
you cannot see it directly
means
it is not real. 




Saturday, October 8, 2016

MAMAHALIN MO PA BA?

Kung malaman mo kaya ang anino ko, gugustuhin mo pa ba ako? Mamahalin mo pa ba ako sa mga panahong walang-wala na ako? Yayakapin mo ba ang mga pagkukulang ko na pinipilit kong labanan?

Gugustuhin mo bang makasama ako kahit na mapaglipasan ako ng panahon?

Ngunit hanggang kailan?


[Kinaya naman namin sa loob ng siyam na taon. ]

Friday, October 7, 2016

PAGSAYAW SA MAGULONG MUNDO

Nakakatawang isipin na ang kahinaan mo ay siyang lakas, ang lakas ay siya ring kahinaan. Paano mo malalaman kung lalaban ka pa kung sakaling ubos ka na? Paano mo malalamang lalaban ka pa kung pakiramdam mong hinang-hina ka na? Paano ba? Hindi ka makapag-isip dahil ayaw mo na ring mag-isip. Kaya sa ganitong paraan ko na lang idadaan para mas madali mong malaman.

Ipikit mo ang mata mo pagkabasa mo ng katanungan ko.
"Ano ang imaheng lumalabas sa isip mo kung bakit ka lalaban?"

May sagot ka na ba? Kung wala. Subukan mo ulit. Ang taong mahahalaga sa atin, kadalasan sila ang huli nating iniisip o kaya naman'y unang iniisip pagkagising. Isipin mo na lang sila habang hindi mo pa alam kung para saan ba iyan. 

Nanggaling rin ako diyan sa maliit at masikip na kwartong iyan. Hindi ko nauunawaan ang sarili ko pero nakita ko na ngayon. May mga panahon lang na malulungkot ako pero natural iyon sa pagiging tao dahil may pakiramdam ako. Dahil alam ko kung ano ang dulot ng nararamdaman ko, alam ko rin kung paanong bumalik sa dati. 

Nakakapagod naman talaga mabuhay pero hahanapin mo lang kung ano ba ang mga bagay na karapat-dapat mong pagpaguran. Matuto ka ring magpahinga. Hindi porke't pagod ay ihihinto mo na. 

Paulit-ulit na proseso. Paulit-ulit iyang pagod na iyan. Isang siklo ng masaya, malungkot, masaya, malungkot, magana, nanghihina, o kung anu-ano pa. Kung hindi mo alam ano ang mga pinagmumulan ng nararamdaman, makakain ka ng isang magulong proseso. Kaya aalamin mo para makasabay ka. Sa ganoong paraan ako natuto. Hindi ko lang alam kung paano kang matututo.

Nakakapagod kung hindi mo alam kung paano maging kaibigan ang mga nagtatalong emosyon at mga ideya sa isip. Mga boses na bumubulong at nililigaw ka sa talagang dapat mong paroonan. Kaya kailangan mong makinig. Kailangan mong tumingin. Kailangan mong maging matatag.

Sumabay ka.

Saturday, October 1, 2016

KALAWAKAN

Sa isang banda, lahat tayo ay nakaranas ng pagbubukas at pagtalon! Ito ay sa iba't-ibang paraan at sa iba't-ibang pagkakataon! Iba't-ibang karanasan pero pare-parehas na nilalang...may puso at may isip, di ba?

May pinagkaiba ba ako ngayon sa iyo? Meron pero halos may pagkakatulad. Sa iba't-ibang paraan lang at pagkakataon tayo nagkaiba...mula sa karanasan at kombinasyon ng mga bumubuo sa katawan pero iisa lang naman rin ang hinaing, ng kailangan, ng hinahanap.

Ito ay ang tanggapin, respetuhin, maging maligaya at mahalin. Napakaliit ng mundo para gawin pa nating mahirap at malupit para sa lahat.

Gusto kong tumingala ka at tignan mo ang kalawakan.

Makikita mo na ang kalawakan ay binubuo ng iba't-ibang hugis at laki ng mga bituin, planeta, bulalakaw at kung anu-ano pa. Hindi sila nagtatalo bagkus umiikot o kaya nama'y magkakaakit sa isa't-isa. Tanggalin mo ang mundo at may epekto ito sa kabuuan, di ba? Tanggalin mo ang buwan sa mundo at ano ang magiging epekto?

Kailangan natin ang isa't-isa. Kung huhusgahan mo ako sa kung anong wala sa akin ay wala kang mapapala.

Tumingala ka at tingnan mo ang kalawakan.

Kumikinang at nagliliwanag silang lahat sa dilim...parang ikaw at ako. Sa  isang banda'y may lihim at kaunting kasiraan pero ito ang magbibigay ng kagandahan ng kung sino at kung anong mayroon ako.

Kaya gusto ko na bago ka matulog, tumingala ka lang sa kalawakan. Isipin mo ako.
☀⭐🌙💓

#Kalawakan

SA LIKOD NG KALAWAKAN

Sa loob ng isang buwan lang, napakaraming nangyari sa akin pati na rin sa mga taong nakakasama ko. Hindi naman talagang 'alien' sa akin ang pakiramdam pero may halong gulat at saya ang lahat ng pangyayaring siniwalat sa akin ng pagkakataon.

Nitong araw lang, nagbigay ako ng Mental Health Awareness seminar para makatulong sa mga estudyante sa maliit naming pamantasan. Pagkatapos nito nagkaroon ako ng ilang kliyente na may concern sa mental health. Problema sa kapatid o kapamilyang may ganoon. 

Sumunod nagkaroon ng seminar tungkol sa LGBT Psychology na pinamunuan ng isa sa kilala sa larangan ng Sikolohiya. Matapos niyang magsalita, isa sa mga estudyante ko sa forum ang 'nag-out.' Wala naman sa akin iyon pero may kaunting pagkagulat na may halong saya dahil alam kong lumakas ang loob niya. Kinabukasan, isa sa mga estudyante ko ang pumasok sa opisina ko. Maaga iyon kaya alam kong mukhang seryoso ang magiging usapin. Matapos kong tanungin kung ano ang magagawa ko para sa kanya, sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit siya pumunta sa akin. Gusto niyang sabihin na 'bisexual siya.' Nabunutan ng tinik sa dibdib. Iyan yung palagay kong sakto para mailarawan ang nangyari. Umiyak siya sa usapan namin kasi hindi niya pa rin alam kung paano sasabihin sa nanay niya. Pero kitang-kita ko sa mga mata niya, masaya siya.

"May halong takot pero mas lamang ang saya."

Nagkaroon kami ng kwentuhan na para bang magaan ang lahat. Mula sa kung kailan niya nalaman, itinanggi, tuluyang tinanggap sa sarili, at ang kagustuhang ipaalam sa mundo kung sino siya. Naikwento ko rin kung paano ko binuksan ang sarili ko sa mga magulang ko. Nabanggit ko na:

Kung minsan, nararamdaman naman ng pamilya natin kung sino talaga tayo. Kung minsan, tayo talaga ang humahadlang na maging masaya kasi hindi natin tanggap ang sarili natin.

Komplikadong paliwanag eh, isa kasi sa nagpapabigat ng pakiramdam ay ang iisipin ng ibang tao. Sabi nga ng estudyante ko, hindi siya talagang sobrang masaya sa mga nangyayari sa kanya kahit na maraming humahanga sa kanya o papuri siyang naririnig. Bakit? Kasi nasa likod ng isip niya na ang taong hinahangaan ng ibang tao ay hindi ang kabuuan niya. Pakiramdam niya, may lihim siyang tinatago na kung malaman ng iba...baka hindi na siya magustuhan.

Natapos ang usapan naming dalawa nang masaya siya. Sa totoo nga, nagbigay pa siya sa akin ng mensahe na dalawang minuto bago maalis sa mukha niya yung ngiti dahil naramdaman niyang may tao rin palang uunawa sa kanya. Sabi ko, maraming nagmamahal sa kanya. Subukan niya. 

Sa pagtalon niya, sasamahan ko siya. Aalalayan ko siya dahil sa ganoong maliit at masikip na kwarto rin ako nagmula. Alam ko ang pakiramdam ng hindi makahinga. Aakayin ko siya kasama ng ilang mga taong nasa likod ng makukulay na bahaghari.

Isa pa sa mga estudyante ko ang lumapit sa akin. Siya naman ay may ADHD. Kaya pala napapansin kong parang may iba sa kanya pero hindi ko na inisip iyon kasi magaling siya sa klase at wala naman akong masabing hindi maganda sa kanya. Hindi ko akalain na naging malapit din sa akin ang batang ito. Nahihirapan siya at sabi nga niya sa akin na nahihirapan din daw ako sa kanya. Kung minsan, oo pero bakit naman ako susuko sa kanya? Isa ito sa trabaho ko ang tumulong. Gusto ko siyan i-refer sa iba sabi ko para mas matulungan siya ngunit tumanggi rin siya. Tinanggap ko naman ang desisyon niya.

Masaya ako nitong huling gabi dahil nakikita ko na pinipilit naman niyang gawin ang ilan sa mga pinapagawa kong behavior modification. Natutuwa naman ako sa appreciation niya. Sana maging ayos rin siya.  Nang una, mahirap sa dibdib ang dinadala niya. Parang pag 'out' din nga daw ang nangyari sa kanya kasi dahil sa kondisyon nya. Alam niyang hindi lahat mauunawaan siya sa mga ikinikilos niya. Ang sabi nga niya, ilan sa mga kaklase niya ang sumusuko na sa kanya...napapagod na raw. Ang sabi ko naman hayaan mo muna. Sa totoo, masuwerte rin siya sa mga kasama niya dahil marami roon napaka-supportive. Nitong gabi lang, ilan sa amin ang nagpakita ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng pag-post ng status na naghahayag ng ADHD Awareness. Pinost ko rin iyon sa page namin sa PPR. Sa ngayon, nagiging ayos naman siya. Sana talaga. 

Mula sa mga pangyayaring ito, gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko:

Sa isang banda, lahat tayo ay nakaranas ng pagbubukas at pagtalon! Ito ay sa iba't-ibang paraan at sa iba't-ibang pagkakataon! Iba't-ibang karanasan pero pare-parehas na nilalang...may puso at may isip, di ba?

May pinagkaiba ba ako ngayon sa iyo?Meron pero halos may pagkakatulad. Sa iba't-ibang paraan lang at pagkakataon tayo nagkaiba...mula sa karanasan at kombinasyon ng mga bumubuo sa katawan pero iisa lang naman rin ang hinaing, ng kailangan, ng hinahanap.

Ito ay ang tanggapin, respetuhin, maging maligaya at mahalin. Napakaliit ng mundo para gawin pa nating mahirap at malupit para sa lahat. 

Gusto kong tumingala ka at tignan mo ang kalawakan.

Makikita mo na ang kalawakan ay binubuo ng iba't-ibang hugis at laki ng mga bituin, planeta, bulalakaw at kung anu-ano pa. Hindi sila nagtatalo bagkus umiikot o kaya nama'y magkakaakit sa isa't-isa. Tanggalin mo ang mundo at may epekto ito sa kabuuan, di ba? Tanggalin mo ang buwan sa mundo at ano ang magiging epekto?

Kailangan natin ang isa't-isa. Kung huhusgahan mo ako sa kung anong wala sa akin ay wala kang mapapala. 

Tumingala ka at tingnan mo ang kalawakan.
Kumikinang at nagliliwanag silang lahat sa dilim...parang ikaw at ako. Sa  isang banda'y may lihim at kaunting kasiraan pero ito ang magbibigay ng kagandahan ng kung sino at kung anong mayroon ako.

Kaya gusto ko na bago ka matulog, tumingala ka lang sa kalawakan. Isipin mo ako.