Saturday, September 17, 2016

HISTORICAL EVENT 2016: PAP 53rd ANNUAL CONVENTION

I was able to witness the amazing psychologists in the Philippines and am grateful for hearing them speak live in front of my eyes. I was in awe when I realized that the person on stage was Dr. Elizabeth Ventura. She happened to be my seatmate when I was late in UP Manila workshop where Dr. Honey Carandang was the speaker. I remembered that we have a chit chat regarding the topic of Dr. Carandang and encouraged me to share my thoughts in the forum. I didn't know back then that the person sitting next to me was one of the renowned Psychologists in the country.

I realized some few things when I attended the convention, here are the things that I like to share:

1. Be humble. You do not need to shout out to everyone that you are a great person or awesome person. Your works and credentials will speak for you. I am really inspired by the plenary speakers and thankful that I had a chance to meet them in person or to hear them talk. I hope I can attain that kind of wisdom in the future. 

2. Listen. You are there to listen and to learn from the works of others not to brag something by asking questions that you already know or to embarrass the presenter. Just put yourself in their situation (you know what I mean). 
3. Ask questions. You have to politely ask some questions to further improve the works of others and to be enlightened on the parts of the research that you don't understand well. You might approach the presenter at the end of the session to get the full text of their work (if they will allow you), useful articles, and to get their e-mail addresses.
4. Enjoy the moment. Mingle with other awesome people in the event. 

I would like to end my post by quoting the brief but meaningful advice from Dr. Cristina Jayme Montiel, one of the outstanding psychologists this year:

1. Think first quietly or you will fall.
2. Keep your knees bent all the time.
3. End the spot where you started.




The perk of being early is to have an awesome panoramic shot in the event.

PASUBALI

Nakakatakot. Nakakabahala.
Hindi ko maiwawaglit sa gunita
ang mga araw na wala ka.
Hindi ko makakayanang masaksihan
ang mundong walang dahilan at kulay.

Ang sabi nila’y, “tumindig!”
na para bang kay dali dali?
Hindi nila alam kung anong hinagpis
kung anong pait at kung anong sakit?

Napakadaling sabihin na “makakaya mo
na “kalimutan” at “tanggapin
at kung anong ka-eklatan para gumaan ang pakiramdam
Pero pucha naman! Naramdaman mo rin ba?
Naiintindihan mo ba? Sagutin mo ako!

Paano mo tatakasan ang gabing mag-isa ka na lang?
Sinanay ang sariling bago matulog ay magkayakap
Sinanay ang sariling nagbubulungan ng pagmamahalan
Sinanay ang sariling hawakan ang mga pangakong binitawan
na “ikaw at ako’y habambuhay na magkasama.”

Kaya nga sinasabi nila na ang mga salita ay binibitiwan
dahil kasabay nito ang pangakong maaring pwede ka ring bitiwan.
Kaya huwag kang umasa. 
Kung salita nga binibitiwan, ikaw pa kaya?

Bahala na. Ikakahon ko na lang ang pagmamahal.

Monday, September 12, 2016

LAYUNIN

Masaya ako kasi sa mga maliliit na bagay nararamdaman kong mahalaga rin ako.

Nakaligtas ako ng buhay hindi gamit ang pisikal na lakas. Gamit lang ang dalawang tainga, matang walang panghuhusga, at puso na nakakaramdam ng isang taong nasasaktan.

Sa wakas. Wala man akong rebulto o hindi man ako mailagay sa pahina ng mga aklat pangkasaysayan. Masaya ako. Kung minsan, ang saya hindi naman kailangan pang ibahagi sa lahat o malaman ng lahat na ginagawa mo ang mga bagay na iyon. Sapat na iyon kahit sa sarili lang at ng taong natulungan mo.


Friday, September 2, 2016

PAGYAKAP

Noong bata pa ako
Pinangarap kong agad na lumaki
Pinangarap kong agad na tumanda
Kasi sabi ko mukhang masaya
Nauunawaan ang halos lahat
Kung bakit ganito, kung bakit ganyan.

Kaya naisipan kong magtanong
Binuksan ang isipan
Natutunan ang magbilang
Isa, dalawa, tatlo, apat….
Pagkatapos ay natutunan ko ring magsulat….
Ngunit naibulong sa sarili, “mukhang hindi pa ito sapat.”

Sinubukan kong buksan ang mga pahina
Pinilit maunawaan ang mga salitang binubuo ng mga letra
Hanggang sa natutunan ko na rin ang magbasa!

Kasabay nito ako’y tinuruan ng ina at ng ama,
Manalangin kung ako’y may hihilingin
Ibulong ko raw sa itaas at ipagkakaloob rin.
Maghintay kahit na matagal
Maging matatag kahit na nahihirapan
Dahil pasasaan pa’t ang lahat ng hirap
May mga mabuting bungang katapat.

Nabuo na ang pag-asa
Na kaya kong harapin ang mundo
Nang walang halong takot at pag-iimbot.

Pero alam mo, akala ko lang pala iyon….
Dahil bata pa ako noon….

Nang ako’y tumatanda,
Nalaman kong may mga bagay na hindi mabisa
Pagbilang, pagsulat, at pagbasa’y hindi sapat.
Dahil kung may higit pa na dapat malaman
Hindi lang pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati puso’y dapat may laman ng pagmamahal.

Hindi ka makakatakas sa nakaraan…
Kung hindi walang pagtanggap.
Walang pagyakap.
Walang tuldok.
Walang pagtatapos.

Walang esensya ang matematika kung walang pakahulugan…
Nalaman kong kahit na sabihin kong…
Isang milyong beses akong nasaktan
Hindi iyon sasapat para mailarawan
Kung ano ang tunay na karanasan at naramdaman.
Kung paanong nadurog ang puso kapag nahihirapan
At kung gaano rin ako naging maligaya simula ng masilayan ka!

Hindi sapat ang magbilang…
Dahil kung may higit pa na dapat malaman
Hindi lang pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati puso’y dapat may laman ng pagtanggap.

Hindi ka makakatakas sa nakaraan…
Kung walang pagtanggap.
Kung walang pagyakap.
Yung pagyakap at pagtanggap nang pinag
tagpi-tagping madilim na nakaraan.
Kung walang pagtutuldok
at walang pagtatapos.
Dapat na hawiin ang takot sa puso.
Subukan ang paglukso!
Huwag kang magpapako!

Gumising ka at may dahil may bukas!

Gumawa ka ng sarili mong bakas!

BAKIT MAHAL KITA KAYSA I LOVE YOU

Gamitin mo ang salitang "Mahal kita" sabi ng isa sa mga prof ng Sikopil. Oo. Kasi mas may impact ito kapag ginamit mo kaysa sa salitang "I love you." Pansinin na nauuna ang "I" sa "you." Ako muna bago ikaw...pero pansinin mo 'to...

Kapag sinabing "Mahal kita," nasaan ang ako?
Wala, di ba? Kasi kapag mahal kita, ikaw lang. Walang "ako" muna. Ikaw muna bago ako o kung minsan wala na nga eh. 💓💗
[And yes, masentimyento ang Pinoy kaya ganito siguro. PERO mas maganda ang pagmamahal na hindi nakadepende sa mahal mo.] 💓💗🙏


#BakitMahalKita #BesOh #GeneralPublic #TakeNote #SirYacatStyle



LIHAM PARA SA TAO

Dear Tao,

Ang Psych majors, mga sugatan rin yan. Mga taong tumutulong na hindi na iniinda kung minsan ang problema nila. Kaya nga minsan masakit na masabihan ka na "psych major ka pa naman!' Di ba?

May mga pagkakataon rin naman minsan na napapakita namin ang kahinaan namin dahil tao kami. Nag-aaral ng "human behavior" pero hindi ibig sabihin na may shield kami sa mga problema. Masheket din minsan. Charot! :D Kung minsan hanggang 'crying shoulder' na lang kami o 'bridge' eh. Minsan sarap i-burn ng bridge, bes tapos ikaw sasalo sa kanya. Charot!

Pero totoo, sa dami ng problems na hinahandle natin, kung minsan di ba hirap naman ipakita na may problema ka rin kasi nga "Psych major ka". Sinusubukan mong solusyonan ang sarili mong problema habang tinutulungan mo rin ang ibang tao. Masaya naman ang ganon sa totoo lang pero sana bigyan niyo rin kami ng pagkakataon na maging tao minsan...na sana maaari kayong gumalaw ng malaya dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay inuusisa namin kayo. Minsan gusto lang naming maging masaya. Yung normal. Kapag kausap namin kayo, gusto namin na kausap kayo. Walang halong pagmamasid o kung ano. Minsan ganun lang naman kami kababaw.
Kailangan namin ng kaibigan. Kailangan ka rin namin.

Hindi rin ibig sabihin na tahimik kami ay nasa "loob ang kulo" namin. Kung minsan nakagisnan na rin ng ilan sa amin ang maging tahimik o makinig kaysa ang magkwento. Kung minsan mapili rin sa tao pero hindi porket hindi ka kinakausap ay may problema kami sa'yo. :)

Hindi rin ibig sabihin na hindi ka namin pinatulan ay talo na kami sa diskurso. Kung minsan sa naranasan namin alam na rin namin kung kailan tatahimik at hindi na lang iimik dahil may ilang tao na hindi na rin dapat pang pag aksayahan ng panahon. Huwag mo kaming pag-isipan na mahina dahil iba ang mahina sa inaalam ang sitwasyon at ayaw nang makipag talo. Sa ilang mga pagkakataon, ang gusto lang talaga namin ay katahimikan. Please.

Mga simpleng tao lang kami na kung minsan pinipiling manahan sa sariling mundo at gusto makiisa sa mga taong kapalagayan na rin ng loob, tulad mo.

Lubos na nagmamahal,
#PioneerNaNagtuturo

Pinto Art Museum, Antipolo City
Naalala ko lang ito. 



Sunday, August 28, 2016

ANG BAYANING WALANG REBULTO

Ngayon ay araw ng paggunita ng mga yumaong bayani. Para sa akin ito ay paggunita na rin ng mga bayaning saklaw ng sarili kong kahulugan. Hayaan mo ako sa sariling mundo ko at masabi ko sa iyo na minsan may kilala akong naging isang bayani.

Ano ba ang “bayani”? Ito ba ang mga taong tipong kailangan barilin sa Luneta? Nagsakripisyo ng buhay para sa ikabubuti ng lahat? Ito ba yung mga taong nakakalimutan ang sarili at inuuna ang iba? Mga taong may istatwa at nakabandera ang pangalan sa ilang mga kalye sa bansa? Ito ba ang mga taong may kahinaan pero pinilit maging malakas para sa’yo? Para sa atin?

Gusto kong batiin ang mga taong buhay at naging bayani. Mga taong nagluwal sa atin at nag-alaga. Mga bayaning dahilan kung bakit may pagkain ka sa hapag, may damit kang sinusuot, kung bakit ka dumarating sa paroroonan mo, sumisigaw at nagsasalita nang madinig ang karunungan, mga bayani sa iba’t-ibang paraan at iba’t-ibang larangan o kahit wala pang larangan.

Sila ang mga bayaning walang pangalan. Mga bayaning nandiyan sa piling mo pero hindi mo namamalayan o kung minsan ikaw!

Minsan may isang bayani at gusto kong humingi ng tawad.

Hindi kita patatayuan ng rebulto. Hindi ka makikilala ng lahat ng tao sa mabuting ginagawa mo dahil walang media na nakasubaybay o nanonood sa’yo. Walang nakakaalam ng pagdurusa mo kundi mga malapit sa’yo. Hindi ka man nakapagsulat ng maraming libro o nakaimbento ng isang makinaryang liligtas ng lahat, gusto ko pa ring batiin ka ng ‘mabuhay’ at ‘salamat’! Salamat at nag-aalay ka ng bahagi ng pagkatao mo para sa lahat, kahit hindi man nila alam o hindi man nila gustong malaman.

Bayani ka sa ilang mga bagay, sa maliliit na bagay at nagbibigay ng kakaunting tagumpay. Hindi man ito malakas para sa malalaking tao at maingay na mundo kundi malakas sa mga maliliit na mundo ng mga taong mahal mo. Salamat at patuloy kang nagbibigay ligaya.

Hindi kita patatayuan ng rebulto at malamang sa malamang hindi ka mababanggit sa kasaysayan, sa mga aklat sa Pinas o sa alin mang bahagi ng mundo. hindi ko man mababanggit ang pangalan mo ngayon o iuusal sa tuwing ako’y matutulog. Pero alam mo? May isang taong makakaalala ng kwento mo na minsan may isang bayani…at ikaw iyon.

Pasensiya ka na at hindi ko naaalala ang mga panahong parati kang nandiyan sa tabi ko pero kailan lang nauntog ako at naisip ko ang ginawa mo.

Ayokong gamitin ang salitang “sakripisyo” para ilarawan ang ginagawa mo, bagkus gagamitin ko ang salitang “pagmamahal at pagbibigay” dahil kapag mahal mo, hindi mo kailangan ang salitang sakripisyo na animo’y isang parusang nagmahal ka ng tulad ko o tulad namin. Nakikita ko ang ngiti sa paggawa mo. Nakikita kong mahal mo ako. Nakikita kong may pagmamahal sa ginagawa mo.

Pasensiya na at hindi ko kayang pagawan ka ng rebulto pero gusto kong sabihin sa’yo na nakatatak ka sa isip ko at sa isipan ng mga nagmamahal sa’yo na kahit pumanaw ka, mabubuhay ka sa aming alaala at gunita… na malaya kang gumagalaw sa aming puso’t isipan. Pasensiya ka na at kung minsan hindi ko naibabalik sa’yo ang pagmamahal na ibinibigay mo dahil pakiramdam ko kahit isang milyong beses ko man lagyan ng numero para masabi ko kung gaano ka kahalaga…alam kong hindi ito sasapat.

Patawarin mo ako dahil hindi kita kayang pagawan ng rebulto! Pero asahan mo na hindi tulad ng rebulto na maaaring mawasak, sa akin ay mabubuhay ka hangga’t humihinga ako. Alam ko ang kwento mo, mula sa paghinga, paggalaw, at pag-utot mo! Kung gaano ka nasaktan noon dahil nagmahal ka pero hindi mo itinuring na sakripisyo! Kung gaano ka naging masaya kahit na kung minsan ikaw lang ang nakakaalam… na ako na noon ay masyadong naging abala sa sarili. Patawarin mo ako dahil hindi ko naibalik ang mahigpit na yakap o hindi ko man naibalik ang matamis na ngiti na alam kong inaabangan mo sa tuwing magkikita tayo! Pasensiya na at masyado akong naging abala sa sarili ko!

Kaya nais kong sabihin ngayon, bago pa mahuli ang lahat na naging maligaya ako. Totoo at alam kong may ililigaya pa ako. Hindi ka man naging kasing martyr ni Gat Rizal at nailathala sa anumang pahina sa Pinas, babatiin pa rin kita. Minsan ka rin namang namatay, hindi man sa pisikal pero pinili mong mabuhay at lumaban. Yung tipong minsan ikaw lang ang lumalaban. Yung tipong minsan wala kang kahati sa tagumpay…pero nabuhay ka at patuloy pa rin na nagmamahal at hindi mo ako sinukuan! Hindi mo kami sinukuan! Hindi mo pinagkait na minsan may isang nilalang…na minsan may isang bayaning walang pangalan…walang rebulto.

Kaya gusto kong sabihin na maligaya ako dahil nandiyan ka pa rin. Hindi ka man naging kasing martyr ni Gat Rizal at nailathala sa anumang pahina sa Pinas, babatiin pa rin kita…dahil alam kong minsan may isang naging bayani…
at ikaw iyon!


[Sa mga bayaning walang pangalan at rebulto mula sa iba’t-ibang antas ng buhay.]

Larawan ng mga Magulang ko. Ako si Riyan.