Tuesday, October 31, 2017

MGA PWEDENG GAWIN HABANG NAGHIHINTAY NG RESULTS SA #BLEPP2017



Pinaka masakit sa lahat ang maghintay ng matagaaaal. Alam mo yan mahirap maghintay, charot. Ano bang pwedeng gawin habang wala pa ang results? Ito ang ilan sa mga suggestions:

1. Maglinis ng kalat.
Linisin mo ang kalat sa kwarto mo, yung mga alaala na nagreview ka! *sobs* Yung mga papers itago mo or pwede mong sunugin sabay tawa at sabay sabing "Sa akin ang huling halakhak!" or "Luluhod ang mga tala! (o ako)?" HAHAHA. Maging productive ka maglinis ka diyan! Maghugas ng plato, baso, sasakyan (huwaw), monitor, TV, mga files sa computer, at mga durog na feelings, pakilinis lahat!

2. Magbasa ng mga books.
Maraming available na self-help books saka inspirational! Basahin mo sina Mitch at Paulo! Magbasa kka ng komiks o kung anong bagay na hilig mo. This is the time, bes!

3. Manood ka ng movies, series, or TV.
Maraming pwedeng panoorin ha na psych thrillers, inspirational movies, magandang mga series o KDrama. Try mo yung Stranger Things, Game of Thrones, Rick and Morty, and Big Bang Theory. Pwede rin documentaries tulad ng Cosmos o Genius. Love ko iyan.

4. Full body massage.
Sumakit ang batok at sumakit ang bewang mo kakasagot. Ito na ang panahon na magpamassage ka! Swedish massage aaahhhh. Hahaha.

5. Maglaro ng games.
Kailangan mong magpakasaya! Sumayaw ka ng Just Dance sa WOF hahahha! Maglaro ng basketball o kaya yung paghulog ng coins! Hahahaha ang saya na lumalabas yung ticket sa machine pero be careful mamaya maging unproductive ka pagtagal! 

6. Magexercise.
Ang dami mong inipon, di ba? This is the time to lose it! Malapit na rin magpasko para mas maraming room sa food hahahaha magbawas ka charot. Makakatulong rin yun para magrelease ng endorphins ang katawan which makes you feel good! Yeah!

7. Umiyak....
..ka sa kakatawa! Have fun! Huwag kang magmukmok sa kwarto ninyo. Huwag kang magtago sa dilim! Hindi ka paniki at mas lalong hindi ka bampira, ipakita mo ang ganda o gwapo mo sa madla! Ipakita mong hindi ka stress! Kunwari nag quiz ka lang! 

8. Be with nature.
Subukan mong mamundok yung walang babaan, charot! Masaya mamundok pero be safe. Hahaha. Pwede kang magb*tch este beach masaya yaaan o kaya pool kung takot ka sa dikya! Pwede rin yung pabisita bisita sa mga museums, sa mga Art Island, rivers, falls, etc. Siguraduhin mo lang hindi drawing mga yayayain mo. 

9.  Magprepare na para sa work.
Pwede kang magtingin-tingin na ng job descriptions at job specifications. Magbasa ng mga profiles ng company at magprepare sa interview! Ganern! 

"How do you see yourself five years from now?"
"I think, I already have your position. *winks*"

Pak! Wag ganyan hahahaha ang hangin. Charot.

10. Magsaya kasama ang pamilya at kaibigan.
Wala nang mas gagaan pa kung kasama mo ang mga taong mahalaga sa'yo. Kailangan mo ng social support! Huwag kalimutang magpasalamat sa kanila!




Tuesday, October 24, 2017

Reverse

My suffering won't end
It isn't true that
Life is precious and
There's more to live for
This is the end for me
I will never say that
My life has a meaning
I am all alone
It is a lie that
I have someone to lean on
I realized that
nobody cares for me
I don't think that
My thoughts will be heard
I have convinced myself
I am worthless
It isn't true
I will be happy
I am a nobody
It is ridiculous to think
Everything will be fine
I will just close my eyes and think
Death is the only way
I have wrongly believed
There is still hope
(Read it in reverse) 💖

Words: Sofia Loresco, ABM 11-1
Artwork: Estrella Famini, STEM 11-35



Lost Affiliate

By Apryle Vertido

It's been 1,826 days without your love and caring
It's been 109,560 hours and counting since I gave up everything
Everything I stand for, I believed and I know about you, me...us
It's been so long I don't know if you remember how the very last grip of my little fingers slept away along with my trust.

It's been so long since I let you go, It's been so long since I let go of the thought that one day you'll save me from this mess
That one day you'll dive into the water like they say you do to come save me from drowning with those people who keep on creating holes in my soul.
That one day you'll give me a taste of your love, that you'll keep me safe and sound.
That somehow you'll be there... to tell me to keep on going and go beyond the bounds.

It's been 5 years since your so-called children started labeling me names
it's been 5 years since I stepped into the flames
Where a life full of misery and pain, where people try not to be insane.
It's been five years.

They say you are the most powerful being in the universe. They say you can see everything from up above, you can hear the most indistinct whisper onto the very corner.
They say you're a friend, a lover, and a father.
They say you're always there. Always present from the hottest summer to the coldest winter.

But where were you when I needed you the most?
Where were you when I needed a friend, a family, a father?
where were you when I cried your name a few hundred times begging you to save me, where were you when they tried to break my body down to my core?
Where were you when they tried to... where were you?

Were you enjoying the show?Does your front row seat feel comfy? While you watch me get torn?
Did the lightning strikes blind you? Did the thunderstorms make you deaf?

I just want to clear everything that I'm not here because I'm hating
It was my 11-year-old self that was talking and expressing those feeling I've been keeping cause some of you keeps on misunderstanding things.
I wouldn't mind if you will consider this as sin but please keep on listening

As the time passes me by with those memories I have that keeps on haunting me at night,
I tried to gasp for air for the society was way too toxic to bear.
And I tried different things, bad things that my soul was almost sold.
Now I'm broken than ever, never listened to what I was told

Now here you are again knocking at my door
And coming back to you is what you ask for
but I don't think I can give you more for I am tired and broken down to my core
Coz honestly? I don't know what to believe anymore.

I don't care If they'll consider me as weak, throw shades and all those shit
Hate me for not having faith, or judge me what on I believe in I don't care! I don't care.

But please let keep my heart on my sleeves for a while
and maybe someday we'll meet on the aisle
And if you really exist maybe we can have a little chit-chat
Grab some coffee coz We have a lot to catch up

Maybe one day in the great wide somewhere, we'll meet there
under the moon with no one judging, with no more scars to hide or hatred to hold.
I'll be there.

I guess we'll be meeting soon.

Saturday, October 21, 2017

MY CHARACTER IN A NOVEL

My friend wrote something about me. If she she will introduce me in a novel, it will be written as follows:

"She was standing in front of a huge audience, doing what she does best - teaching while making the students laugh at the same time. It may seem effortless for her to do these seamlessly, but it took years of personal and professional struggle before she was able to achieve her current position.

Every student she sees reminds her of 16 year old self - confused, ignorant, sad, yet willing to learn. She was desperate to learn because she wants her questions answered, and ignorance cured.

Wisdom and knowledge came together to her hand in hand, albeit the road wasn't smooth. She had to overcome a lot of hurdles, and transcended beyond them.

Whatever those grueling years taught her, it was evident not just on her lectures, but on her overall being."

---
It sounds perfect. I don't see myself as this but I love this! I am hoping in the future to be a person full of wisdom.


Wednesday, October 18, 2017

ALAGAAN ANG SARILI

Sa mga oras na 'to baka gising ka pa para magpahinga saglit mula sa nakakapagod mong pag-aaral. Malapit na yung natitirang araw, handa ka na. Wala ka na namang magagawa kundi ang maging handa. Iyon na lang ang matitira sa iyo kapag nandoon ka na rin sa araw na iyon.

Habang lumalapit na ang mga araw, tumitindi rin ang pagod, antok, pagbilis ng tibok ng puso, mga iniisip na takot, at mga bagay na kung ano pang bumabagabag sa'yo. Sa lahat ng mga iyan, sana'y huwag mong kalimutang alagaan ang sarili mo. Marami sa inyo kapag malapit na ang board saka pa nagkakasakit.

Kumain ka ng mga prutas at gulay para maalis ang pagkatamlay, uminom ng gatas at saging kung gustong antukin sa gabi, at huwag kalimutan ang maraming tubig. Pssst, pahinga ka na. Sa natitirang araw na 'to, deserve mo rin yun.

Ingat ka.

Saturday, October 14, 2017

BABY STEPS TO RPSY: OCTOBER 2017 PREPS FOR 2018

I'm currently preparing for 2018 board exam. Hopefully, I have enough time for clinical setting. I'm currently trying to improve myself in writing the psychological case report and in familiarizing myself with popular tests by attending workshops, seminars, and asking my fellow practitioners about it.

I started with Theories of Personality and I'm comfortable with the subject. I'm finished with psych testing but I need to refresh some topics again this coming semester and I will read the Groth-Marnath book for Psychological Assessment to level up my review. Next in line will be "A History of Modern Psychology" by Schultz to trace back the roots of Psych concepts and to better understand the concepts of theories of personality.

I already tried to read again my abpsych book and made a matrix for psych disorders (hopefully other people will see it on 2018). it really helped me a lot. I need to finish the partner book of abpsych that highlights the differences in disorder. I need to memorize all of it just to be sure. Next will be clinical psychology book and counseling theories and techniques (I'm done with others topics). Huhuhu. Sobrang dami pa ng aaralin. </3

Ang petmalung dream ko yung papasok ako ng class na wala akong kahit na anong hawak kundi marker lang. Werpa!


Heeelp me. Hahahaha. 

STUDENT'S LIFE: LALABAN PARA SA PANGARAP

Alam mo yung pakiramdam na parang hiniwa yung puso ko sa kwento ng student ko? Nasa labas ako ng room at nag-oobserve sa trainee nang biglang dumating yung late na SHS student. Isa siyang teenager, dalagita, at payat.

Nakita ko siya sa pinto na papasok pa lang. Sabi ko, “oh bakit ka late?”
Tapos paluha na kaagad siya. Naramdaman kong may mabigat na dinadala. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa akin pero mabilis na nakakapag-open up ang ilan kasi sa mga students ko.

May problema raw sila sa bahay. Inoperahan sa mata ang 62-year old niyang tatay. Siya ang nagbabantay dahil wala pa ang nanay niya na 50 + na rin ang edad mula sa trabaho.
Hanggang sa nagtanong na ako sa kanya kung anong dahilan ng pag-iyak at kung may problema ba siya. Hindi nya nasabi naman lahat pero siguro nahihirapan siya sa buhay nila base na rin sa kwento niya. 3 lang silang magkakapatid. Pangalawa siya.

Naramdaman kong naawa rin siya sa nanay niya. Sinabi nya sa akin na siguro kung wala silang tatlong magkakapatid baka maganda raw ang buhay ng nanay niya kasi nagtapos ng BS Customs ito at may naipon naman. Malaki daw ang bahay noon sa probinsya at ayos ang pamumuhay samantalang mahirap sila sa Maynila.

Alam kong di niya maiiwasang isipin iyon, sinabi ko. “Huy! Huwag mong sabihin iyan. Ikaw, kayo ang pinakamagandang nangyari sa magulang niyo. Tignan mo, kahit na nahihirapan siya pinipili niyang magtrabaho para sa’yo.” Lalo siyang napaluha sa sinabi ko.
Binawi niya ang sinabi niya, hindi lang naman daw niya maiwasan na maisip yun. Hanggang sa mas naging komportable na siya na magkwentuhan kami saglit para mawala ang nararamdaman niya.

Sabi ko, ang pinakamagandang bagay na mabibigay niya sa magulang niya ay magtapos siya at magkaroon ng magandang buhay.

Yung luha nya sa mata habang nag-uusap kami para akong tinutusok ng karayom. Nakakaasar. HAHAHAHA. Ang bata-bata pa niya. Nakita ko sa mukha niya ang mga panahon na walang-wala rin kami. Nanggaling rin kasi ako sa hirap at nakakapagod na araw-araw iniinda mo kung makakapasok ka ba, may makakain, o pabigat ka na ba kasi minsan magastos sa school.

Kaya ako, hangga’t maaari, ayokong gumastos pa ang mga students ko. Wapakels kahit di ako magprojector, magparequire ng book at mamahaling project. Sa huli, yung natutunan naman ang sukatan ng lahat. Yun ang mga bagay na hindi mapapalitan ng pera. Masyadong mahal na sa mga students ng pamantasan namin ang mga isandaan piso.
Sa mga prof, maging considerate tayo. Minsan ang bawat late, absents, at mababang performance ng students natin ay dahil sa nagpatong-patong na problema.

Sa mga students, konting tiis na lang. Malapit na matapos. Paghusayan niyo pa. Magsilbing aral sana lahat iyang nararanasan ninyo.


Piliin niyong mabuhay araw-araw. Mabuhay ka araw-araw.