Sunday, September 25, 2016

POSITIBONG PAGDUDUDA

Ilang araw na ang nagdaan simula nang pumasa ka sa board examination. Nahihirapan ka na naman. Napapagod.

"To live is to suffer," wika ng kaibigan kong si Viktor Frankl na madalas kong banggitin dahil kailan ba nagkaroon ng euphoria, yung as in walang complete tension and problems? Basta alam ko kaibigan na natin yang distress saka iyang lalo na yang doubt. Sa Tagalog nga, "duda." Letter "d" pa rin pero gusto ko lang ibahagi sa'yo kaibigan na dehins ka dapat magpakalunod diyan.

May ilang magagandang bagay rin kasi ang pagdududa. Marahil pinagduduhan mo ngayon ay ang mga sumusunod...iisipin ko....uhmmm...

"Bakit ko ba kinuha 'tong Psychology?"
"Mali yata ako nang tinahak."
"Wala naman yatang bigat tong lisensya ko."

Dumaan rin ako diyan. Napakahabang kwento para masabi ko lahat ng nangyari pero in short, nagduda rin ako sa sarili ko at sa kurso ko. Umiiyak pa ako noon nang naghahanap ako ng trabaho. Totoo, kinuwestiyon ko ang sarili ko dahil takte maraming ibang pamantasan na kilala pala sa Pinas, pumasa man ako ng board examination marami pa ring kalaban kasi hindi naman ako topnotcher, at takte iyan bahagi pa ako ng minorya. May awards naman ako pero nilalamon ako ng pagdududa sa sarili ko kahit na alam kong may napatunayan naman ako kahit paano. Nakakatakot eh. Malawak pala ang mundo. Malawak pala ang Pinas. Huwag mong sabihin sa akin na hindi ako naghanda dahil pinaghandaan ko iyan bago pa lang ako grumaduate yung tipong 2nd year college pa lang ako nagrereview na ako sa board exam nang paunti-unti dahil balak kong hindi magreview center kasi ayokong maging pabigat sa amin. Hindi kasi kami mayaman kaya nga sa public lang ako. Pinaghandaan ko siya. Naisip ko siya pero hindi pala handa ang puso ko, yug damdamin ko na kapag nandoon na ako sa sitwasyon na iyon. Mahirap pa rin.

Kaya nga may sense kapag sinasabi na madaling sabihin at isipin pero mahirap kapag nandoon ka na. Struggle siya. Umiiyak ako noon kapag umuuwi ako na pakiramdam ko nagkulang ako sa interview at naramdaman kong hindi ko nabigay ang best ko. Iniisip ko na mahina ako at wala naman yatang kwenta ang naipasa ko dahil hindi naman ganoon kataas yung naidagdag sa sahod ko.

Totoo. Hindi nga. Hindi mataas. Ganoon kasi sa una. Walang bagay na nagsimula sa isang iglap.

2013 ako grumaduate ng BS IOP sa isang State U. 2013 na rin iyon masuwerte akong sinuportahan kahit paano ng ate ko para pumaso sa graduate school habang naghahanap ng work *mura po kasi per sem doon at weekends lang po ang pasok, mga 5k to 6k solve ka na rin per sem ng 9 units pero asahan mo ang mahabang pila*

Nakahanap ng work pero saglit lang rin kasi alam mo naman hopper kapag millenial pero wala akong pinagsisihan kasi may natutunan ako at nagfocus na rin ako ng ilang buwan para magboard examination na gaganapin sa 2014. *feeling ko para sa akin talaga ang taon na yan kasi na postpone ng 2013 kaya feeling ko sign na magtake ako kahit noong una ayoko talaga*

Bale nagreview ako at nag-struggle sa graduate school at kung minsan kung anu-ano muna ang ginagawa at nagpart-time pa minsan na mag graphologist.  *Nag-undergo kasi ako nang college ako noon nagamit minsan haha saka naging admin ng isang page na malaki ang naitulong sa akin *

Fast track, 2014 pumasa at nagka-work rin ako pero katakot-takot na duda pa muna bago ako magkawork.

2015, yehey! Nakapasok ako sa dream job ko maging psychology instructor. Hindi pa inaasahan yun kasi try lang talaga. From HR to instructor ako. Dito may difference sa rate ng RPm sa walang license kaya parang ang saya ko kahit paano na sa loob ng 2 years pwede palang mangyari yun.

Nakapasok ako sa tatlong campus paikot-ikot na buhay at nakakapagod. Nagkaroon ng chance na magturo sa isang maliit na review center at minsan na-invite rin na magtalk sa kilalang review center *sobrang thankful po ako noon kasi pinush ako ng creator ng page na iyon para makapunta sa ganoon*

By 2016, grumaduate ako ng masteral kasabay naging program head ako ng isang maliit na campus *marami pa akong dapat na matutunan* at naging lecturer rin sa isang malaking pamilya ng review center.

Lahat ng iyan, takte! Hindi ko akalaing mangyayari dahil sino ba naman ako. Mahilig lang akong magkikilos at mag yes sa opportunities. *pero may times tanggi rin kapag alam kong di ko kaya* Palagay ko sipag talaga iyan saka tigas ng ulo in a good way. Yung tipong nanay at tatay ko sinabi pa sa akin ano ba yan delay ang sahod mo *Bes, OA kasi talaga mga isang semester ko bago nakuha iyon buti tatlo iniikutan kong canpus. Saka may sidelines ako. Lahat delay pero yung isa at least 3 months. Hahaha! Nangungutang pa ako sa mga kapatid ko noon sa panggastos! Nilaban ko pa rin iyon kasi sabi nga ng puso ko lahat ng hirap paid off iyan. Saka doon ako masaya!*

Nagduda ako noon pero tignan mo naman may naghihintay pala sa akin na hindi ko ma-imagine na mangyayari. Kung masyado akong nagmukmok sa kamalasan ko rin noong 2013 *saddest year ko iyan  bukod sa 2008* Kung nagpatalo ako na wala akong mapapala baka hindi ako kahit paano magkakaroon ng work ngayon.

Basta tandaan lang talaga. Ayos lang magduda kasi doon matututunan mo na tanungin ang sarili mong, "Ano pa ang kulang at dapat kong baguhin sa sarili ko?"

Sa pagdududa nalalaman mo rin na marami  ring alternatives para kahit paano ma-try no nang hindi ka lubusang lumalayo sa path na dapat mong tahakin. Nang mga panahong sobrang down ako, naiisip ko iyan na patusin ko na for higher salary kasi may offer naman noon pero hindi nga lang linya sa psych. Pinush ko pa rin talaga yung gusto ko kasi may nararamdaman ako na di ko mapaliwanag.

Mabuti hindi ako sumuko lang talaga. Ngayon, ayos naman ako. Alam kong marami pang dapat gawin at matutunan kasi hindi ko pa naman alam ang lahat pero aral pa rin. Hindi pa rin ako susuko.

Basta tandaan, huwag kang susuko. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa'yo.

Hindi ka ba na-excite kung ano ang naghihintay sa'yo basta gawin mo lang palagi ang makakaya mo?

Hindi ko sinasabing tularan mo ako pero gusto kong malaman mo, ano bang nararamdaman mo? May duda ka bang nararamdaman pero parang may something kang nararamdaman sa path na tatahakin mo? Eh di go, alamin mo lang talaga kung saan ka mas sasaya. Sa una mahirap pero kapag mahal mo ang isang bagay parang hindi mo na talaga iindahin yung hirap saka kapag binigay mo yung makakaya mo, may babalik rin sa'yo na maaaring ikagulat mo...tulad ng nangyari sa akin. Ayun lang.

[RPsy soon mga 2022 hahaha charot.]

Friday, September 23, 2016

HANGAL

May kung anong saya kang nadarama.
Simula nang nakita mo siyang may bitbit na ngiti.
Ikaw nama'y nag-umit ng tingin.
Sa panlabas mo'y kunwa'y walang pakiramdam,
pero ang puso mo'y may ligayang kinamkam...
Kinukubli at kinakandili para mapanatiling masaya.

Nililihim mo ito kasi'y sinabihan kang saliwa.
Oo, saliwa dahil hindi ito tama.
Ngayong ikaw ay abot-agaw sa nararamdaman,
gagap ang pag-asang baka pwede naman
kaso alam mong hindi talaga agpang.

Kaya mag-isa kang muli't sa isang maliit,
masikip na kwartong walang makapag-aliw,
kundi ang sarili...
Hinahaplos ng iyong mga kamay
gahak na puso sa dibdib.
Walang magkakandili. Walang tatanggap.

Alam mo kasi na itoy ilusyon.
Binuo ng isipan mula sa pagnanais.
Dito nagsimula ang hangal.
Nang-uumit ng tingin
palihim na ngumingiti.

Masaya na sa kanyang lihim.

MAHIRAP MAINLOVE ANG PSYCH MAJORS 😂💔

Salamat kay Sarah Vitor para sa post na ito.

Sunday, September 18, 2016

LALIM NG GABI

Kung minsan iniisip ko,
kaya nga ba't hindi makatulog
dahil iniisip mo ako?
O sadyang paasa lang ang utak ko?

Habang mahimbing kang natutulog,
hinehele ko ang sarili.
Baka sakaling matulog
nang wala kang muli sa tabi.

Hanggang kailan kaya ganito?
Hanggang sa muli kitang makita
o kaya'y hanggang sa marinig ko
ang boses mong papawi ng lungkot ko.


It means you are free from stigma 🙏☝


PAP 53rd ANNUAL CONVENTION 2016

53rd Annual Convention of Psychological Association of the Philippines
Theme: “Strengthening the Bond of Research and Practice in Philippine Psychology”

Venue: Fontana Leisure Parks & Casino Convention Hall
C.M. Recto Highway, Pampanga
Date: 14-16 September 2016 (Wednesday to Friday) 
Local Host: Angeles University Foundation

I happen to meet a lot of people from various places in the Philippines and from various universities.

I was inspired by plenary speakers namely: Elizabeth R. Ventura, Ph.D. (Outstanding Psychologist PRC 2016), Edna P. Franco, Ph.D., and Betty C. McCann, Ph.D. But what really captivated my heart was the brief advice from one of the outstanding psychologists this year, Dr. Cristina Jayme Montiel.

Stolen shot from afar
I was able to actively participate, ask some questions, and to enjoy the convention. If you were to ask what are things that I learned at the convention, then this post is not sufficient. Admittedly, I was able to anchor my knowledge and skills by attending the convention which made me realized that I have a long way to go in mastering my field but I am too far from what I used to be *as the adage says*. I will post only the essential parts of the convention, symposiums, and learning sessions *the things that I remember hehe*. I attended all chosen symposiums except for the post-convention seminar since all of the slots were full. :'(

Day 1 Opening of the Convention: A Day of Inspiration

The plenary speakers discussed the "Linking Research and Practice: Challenges and Opportunities," “Scholarship in the Practice of Human Resource and Organization Development: Tying a Slippery Knot," and "Re-imagining the Integration of Research in the Teaching and Practice of Psychology." I also attended different symposiums (see the program that includes the symposiums that I attended). The symposium that I will never forget on this day was the exploratory research entitled, “The Men Who Can't Move: Filipino men's reasons for staying in an abusive relationship” by  Khael Quinain, Michael Rey Balongcas, Kathleen Chiu, Mary Jasmine Cruz, Susan Mollaneda, and Ella Navarro from University of San Carlos. There, I noticed the reaction of women’s reactions when the male presenter read the transcript of a man’s response to his wife wielding a bolo to threaten him. The response of some women there was to laugh as if it was not a serious issue. Men can also be a target of violence by women who are domineering and abusive. That moment, I realized by observing and hearing the laughs of some women in the audience validated that men are, indeed, can be victims of abusive relationships.

Ethics in Teaching by Dr. Alampay
Day 2: Symposiums, Meeting Per Division, and Fellowship

One of the learning sessions that I love was the “Ethics in Teaching” by Ms. Liane Alampay from Ateneo De Manila University.  I learned in this session some of the basic tools to improve the ethical way of teaching the young students and at the same time protecting oneself from the eyes of your students. It raised an awareness of ethical principles and practices that scaffold the integrity of a teacher as well as to promote respectful and harmonious relationships with your students and colleagues.



Ms. Maureen Lara, Presenter
College Admission Scores and Academic Performance Predicting Success of
Psychometrician Licensure Examination

I attended the Industrial/Organizational Division Meeting. Dr. Joice Dy discussed the Continuing Professional Development issues and the process of how I/O division will partake in providing CPD points and evaluating its members. I am happy to share that I am Level 6 as of this moment with Level 7 as the highest level.

At 6:00 PM onwards, my friends and I participated the fellowship event with cultural arts and dance performance organized by Angeles University Foundation. I enjoyed this so much.



They sang like angels. They brought heaven on earth. It was a splendid performance plus I got a cute trident key chain (Mababaw no? ahahaha) from them! It was a night of enjoyment and entertainment!



Day 3: Last Day of Fun

Unfortunately, this was the last day of learning new things. I attended the Medmom’s presentation regarding the implementation of community-based child and family mental health. This presentation perfectly helped me to understand the key factors in program implementation such as (a) securing support form key stakeholders, (b) providing leadership for implementation and change, (c) providing effective training and technical assistance, (d) creating effective and sustainable structures that support implementation, and (e) carefully monitoring how well the interventions adapt to the needs of the population. It described the inter-institutional collaboration and mental health program implementation as discussed. I also got a chance to have a glimpse of how they manage to implement mental health activities for cancer patients.

I would like to end this post for the nth time with a captivating wisdom from one of the outstanding psychologists of 2016, Dr. Cristina Jayme Montiel:

1. Think first quietly or you will fall.
2. Keep your knees bent all the time.
3. End the spot where you started.

Well, I guess I know where I am heading to.




Saturday, September 17, 2016

HISTORICAL EVENT 2016: PAP 53rd ANNUAL CONVENTION

I was able to witness the amazing psychologists in the Philippines and am grateful for hearing them speak live in front of my eyes. I was in awe when I realized that the person on stage was Dr. Elizabeth Ventura. She happened to be my seatmate when I was late in UP Manila workshop where Dr. Honey Carandang was the speaker. I remembered that we have a chit chat regarding the topic of Dr. Carandang and encouraged me to share my thoughts in the forum. I didn't know back then that the person sitting next to me was one of the renowned Psychologists in the country.

I realized some few things when I attended the convention, here are the things that I like to share:

1. Be humble. You do not need to shout out to everyone that you are a great person or awesome person. Your works and credentials will speak for you. I am really inspired by the plenary speakers and thankful that I had a chance to meet them in person or to hear them talk. I hope I can attain that kind of wisdom in the future. 

2. Listen. You are there to listen and to learn from the works of others not to brag something by asking questions that you already know or to embarrass the presenter. Just put yourself in their situation (you know what I mean). 
3. Ask questions. You have to politely ask some questions to further improve the works of others and to be enlightened on the parts of the research that you don't understand well. You might approach the presenter at the end of the session to get the full text of their work (if they will allow you), useful articles, and to get their e-mail addresses.
4. Enjoy the moment. Mingle with other awesome people in the event. 

I would like to end my post by quoting the brief but meaningful advice from Dr. Cristina Jayme Montiel, one of the outstanding psychologists this year:

1. Think first quietly or you will fall.
2. Keep your knees bent all the time.
3. End the spot where you started.




The perk of being early is to have an awesome panoramic shot in the event.

PASUBALI

Nakakatakot. Nakakabahala.
Hindi ko maiwawaglit sa gunita
ang mga araw na wala ka.
Hindi ko makakayanang masaksihan
ang mundong walang dahilan at kulay.

Ang sabi nila’y, “tumindig!”
na para bang kay dali dali?
Hindi nila alam kung anong hinagpis
kung anong pait at kung anong sakit?

Napakadaling sabihin na “makakaya mo
na “kalimutan” at “tanggapin
at kung anong ka-eklatan para gumaan ang pakiramdam
Pero pucha naman! Naramdaman mo rin ba?
Naiintindihan mo ba? Sagutin mo ako!

Paano mo tatakasan ang gabing mag-isa ka na lang?
Sinanay ang sariling bago matulog ay magkayakap
Sinanay ang sariling nagbubulungan ng pagmamahalan
Sinanay ang sariling hawakan ang mga pangakong binitawan
na “ikaw at ako’y habambuhay na magkasama.”

Kaya nga sinasabi nila na ang mga salita ay binibitiwan
dahil kasabay nito ang pangakong maaring pwede ka ring bitiwan.
Kaya huwag kang umasa. 
Kung salita nga binibitiwan, ikaw pa kaya?

Bahala na. Ikakahon ko na lang ang pagmamahal.

Monday, September 12, 2016

LAYUNIN

Masaya ako kasi sa mga maliliit na bagay nararamdaman kong mahalaga rin ako.

Nakaligtas ako ng buhay hindi gamit ang pisikal na lakas. Gamit lang ang dalawang tainga, matang walang panghuhusga, at puso na nakakaramdam ng isang taong nasasaktan.

Sa wakas. Wala man akong rebulto o hindi man ako mailagay sa pahina ng mga aklat pangkasaysayan. Masaya ako. Kung minsan, ang saya hindi naman kailangan pang ibahagi sa lahat o malaman ng lahat na ginagawa mo ang mga bagay na iyon. Sapat na iyon kahit sa sarili lang at ng taong natulungan mo.


Friday, September 2, 2016

PAGYAKAP

Noong bata pa ako
Pinangarap kong agad na lumaki
Pinangarap kong agad na tumanda
Kasi sabi ko mukhang masaya
Nauunawaan ang halos lahat
Kung bakit ganito, kung bakit ganyan.

Kaya naisipan kong magtanong
Binuksan ang isipan
Natutunan ang magbilang
Isa, dalawa, tatlo, apat….
Pagkatapos ay natutunan ko ring magsulat….
Ngunit naibulong sa sarili, “mukhang hindi pa ito sapat.”

Sinubukan kong buksan ang mga pahina
Pinilit maunawaan ang mga salitang binubuo ng mga letra
Hanggang sa natutunan ko na rin ang magbasa!

Kasabay nito ako’y tinuruan ng ina at ng ama,
Manalangin kung ako’y may hihilingin
Ibulong ko raw sa itaas at ipagkakaloob rin.
Maghintay kahit na matagal
Maging matatag kahit na nahihirapan
Dahil pasasaan pa’t ang lahat ng hirap
May mga mabuting bungang katapat.

Nabuo na ang pag-asa
Na kaya kong harapin ang mundo
Nang walang halong takot at pag-iimbot.

Pero alam mo, akala ko lang pala iyon….
Dahil bata pa ako noon….

Nang ako’y tumatanda,
Nalaman kong may mga bagay na hindi mabisa
Pagbilang, pagsulat, at pagbasa’y hindi sapat.
Dahil kung may higit pa na dapat malaman
Hindi lang pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati puso’y dapat may laman ng pagmamahal.

Hindi ka makakatakas sa nakaraan…
Kung hindi walang pagtanggap.
Walang pagyakap.
Walang tuldok.
Walang pagtatapos.

Walang esensya ang matematika kung walang pakahulugan…
Nalaman kong kahit na sabihin kong…
Isang milyong beses akong nasaktan
Hindi iyon sasapat para mailarawan
Kung ano ang tunay na karanasan at naramdaman.
Kung paanong nadurog ang puso kapag nahihirapan
At kung gaano rin ako naging maligaya simula ng masilayan ka!

Hindi sapat ang magbilang…
Dahil kung may higit pa na dapat malaman
Hindi lang pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati puso’y dapat may laman ng pagtanggap.

Hindi ka makakatakas sa nakaraan…
Kung walang pagtanggap.
Kung walang pagyakap.
Yung pagyakap at pagtanggap nang pinag
tagpi-tagping madilim na nakaraan.
Kung walang pagtutuldok
at walang pagtatapos.
Dapat na hawiin ang takot sa puso.
Subukan ang paglukso!
Huwag kang magpapako!

Gumising ka at may dahil may bukas!

Gumawa ka ng sarili mong bakas!

BAKIT MAHAL KITA KAYSA I LOVE YOU

Gamitin mo ang salitang "Mahal kita" sabi ng isa sa mga prof ng Sikopil. Oo. Kasi mas may impact ito kapag ginamit mo kaysa sa salitang "I love you." Pansinin na nauuna ang "I" sa "you." Ako muna bago ikaw...pero pansinin mo 'to...

Kapag sinabing "Mahal kita," nasaan ang ako?
Wala, di ba? Kasi kapag mahal kita, ikaw lang. Walang "ako" muna. Ikaw muna bago ako o kung minsan wala na nga eh. 💓💗
[And yes, masentimyento ang Pinoy kaya ganito siguro. PERO mas maganda ang pagmamahal na hindi nakadepende sa mahal mo.] 💓💗🙏


#BakitMahalKita #BesOh #GeneralPublic #TakeNote #SirYacatStyle



LIHAM PARA SA TAO

Dear Tao,

Ang Psych majors, mga sugatan rin yan. Mga taong tumutulong na hindi na iniinda kung minsan ang problema nila. Kaya nga minsan masakit na masabihan ka na "psych major ka pa naman!' Di ba?

May mga pagkakataon rin naman minsan na napapakita namin ang kahinaan namin dahil tao kami. Nag-aaral ng "human behavior" pero hindi ibig sabihin na may shield kami sa mga problema. Masheket din minsan. Charot! :D Kung minsan hanggang 'crying shoulder' na lang kami o 'bridge' eh. Minsan sarap i-burn ng bridge, bes tapos ikaw sasalo sa kanya. Charot!

Pero totoo, sa dami ng problems na hinahandle natin, kung minsan di ba hirap naman ipakita na may problema ka rin kasi nga "Psych major ka". Sinusubukan mong solusyonan ang sarili mong problema habang tinutulungan mo rin ang ibang tao. Masaya naman ang ganon sa totoo lang pero sana bigyan niyo rin kami ng pagkakataon na maging tao minsan...na sana maaari kayong gumalaw ng malaya dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay inuusisa namin kayo. Minsan gusto lang naming maging masaya. Yung normal. Kapag kausap namin kayo, gusto namin na kausap kayo. Walang halong pagmamasid o kung ano. Minsan ganun lang naman kami kababaw.
Kailangan namin ng kaibigan. Kailangan ka rin namin.

Hindi rin ibig sabihin na tahimik kami ay nasa "loob ang kulo" namin. Kung minsan nakagisnan na rin ng ilan sa amin ang maging tahimik o makinig kaysa ang magkwento. Kung minsan mapili rin sa tao pero hindi porket hindi ka kinakausap ay may problema kami sa'yo. :)

Hindi rin ibig sabihin na hindi ka namin pinatulan ay talo na kami sa diskurso. Kung minsan sa naranasan namin alam na rin namin kung kailan tatahimik at hindi na lang iimik dahil may ilang tao na hindi na rin dapat pang pag aksayahan ng panahon. Huwag mo kaming pag-isipan na mahina dahil iba ang mahina sa inaalam ang sitwasyon at ayaw nang makipag talo. Sa ilang mga pagkakataon, ang gusto lang talaga namin ay katahimikan. Please.

Mga simpleng tao lang kami na kung minsan pinipiling manahan sa sariling mundo at gusto makiisa sa mga taong kapalagayan na rin ng loob, tulad mo.

Lubos na nagmamahal,
#PioneerNaNagtuturo

Pinto Art Museum, Antipolo City
Naalala ko lang ito.