Nakakamiss ang college life.
Isama mo na yung ilog Pasig. Hype yan. Abot sa 6th floor! West wing kami hindi na namin kilala sarili namin at ang tunay na langhap namin. Sabay tawa kami nang tawa kapag may nagkuwentuhan di namin alam na labas pasok na yung halimuyak ng Ilog Pasig sa amin pero wala kaming pake. 😂👌
Nakakamiss yung pagsigaw rin namin sabay sa mga aktibista kapag dadaan sa room tapos kukunsintihin ng isa naming prof na parang magcoconduct ng kanta. 🎤🎼
Namiss ko na saksihan ang mga silyang nagliliyab (safe naman yun talaga OA lang sa TV saka sirang chairs talaga). ✊
Namiss ko ang mga CR na parang kinagat ng halimaw pero bakery na ngayon? (omg walang idea ang mga freshmen HAHAHA). 😱 Labyu.
Namimiss ko lahat ng food. Buhay ka na sa mura pero masarap na pagkain (Blue lemonade, shake kay Bigots, fewa ni Virgin, dynamite, submarine, fries ni kuyang laging pawis, etc. ).
Saksi ang 6th floor lobby sa kalandian naming lahat. charot.
Namiss ko yung murang sine sa SM Centerpoint. As in.
Nakakamiss yung init ng panahon at ang pollution ng Maynila. Yung paghihintay ng mahaba sa terminal para lang makapasok.
Namiss ko yung mga da moves namin ng buong class sa prof. 😂
Namiss ko ang Psych week (yung mga kinakasal sarap tignan alam ko pati same sex pwede hahaha).
Sabi nga nila, kapag naagraduate ka sa school na 'to, maiintindihan mo na ang buhay...para kasi sa masa at marami kang makikilala na mahirap pero magagaling. Marami kang makakasalubong papasok ng school iba-iba ang ayos ng damit saka yung mga mukha na kala mo pasan nila yung mundo kasi di mo sure kung acads ba o life problems ang dala...pero alam ko both.
Tapos namimiss ko na lahat talaga kahit ang struggles kasi masaya at worth it lahat. Namiss ko ang mahabang pila. Hindi ko akalain na nagamit ko siya....dahil ang buhay pala talaga ay isang mahabang pila...isang mahabang paghihintay at pagtitiyaga. 💔 #PUPian
Na-triggered ako ng PUP Memes. Huhuhu. Namiss ko tuloy.
No comments:
Post a Comment