Ironic na ang question sa kanya ay tungkol sa cyberbullying na ngayon siya na ang pinagpe-pyestahan ng mga tao. Tinatawanan sa pagkakamali niya. Hindi sa KJ ako pero kung ilalagay ninyo ang sarili niyo sa sitwasyon niya, mahihirapan ka rin. Isipin mo, alam mo na lahat ng tao nakatingin sa’yo at inaabangan ang sagot mo sa tanong, hindi ka ba kakabahan? Alam mo yung lahat na sa’yo ang atensyon? Madaling magsalita kapag hindi ikaw ang nasa lagay ng isang tao. Madaling manghusga.
Palagay niyo ba ano kaya nararamdaman ng candidate na yan? Baka ngayon, wala na siyang self-esteem na natitira sa sarili niya. Ano kaya masasabi ng mga kakilala nya? Bobo ba siya kung na-mental block sya? Kabawasan na ba ng pagkatao niya yun? Isang halimbawa lang ‘to na mabilis maghusga ang tao base lamang sa nakikita nila sa sitwasyon pero hindi naman nila alam ang struggles niya bago siya diyan makapasok mula sa mahigpit na screening at katakot-takot na pag-convince sa sarili niya na kaya niya.
Sa mga nakakabasa nito. Sana maisip mo yung kapwa mo bago mo i-share at tumawa tapos sasabihin mong bobo siya. Hindi ko sya kamag-anak or what. Naaawa lang ako. Naaawa lang ako sa society natin. Isang salamin lang ‘to kung paano manghusga ang karamihan sa atin. Siguro nakakarelate lang ako sa kanya kasi naramdaman ko at some point na naging bobo o tanga rin ako. Parang ikaw di ba o nakalimutan mo na?
Sana malaman ng candidate na hindi naman iyan yung ending ng lahat. The fact na humarap ka sa maraming tao, matapang ka at mahusay ka. Marami lang talagang perfect sa mundo at pasensya na sa kanila kasi hindi ka pasok sa standards nila. You are worth it. Babalik ka na naman sa simula kung paano kumbinsihin sa sarili mo na kaya mo...pero tandaan mo na kaya mo. Babangon ka ulit at hayaan mo na sila sa gusto nilang sabihin sa’yo.

From Jace Geronimo Link
No comments:
Post a Comment