Saturday, January 14, 2017

MGA IBA’T IBANG KATANGIAN NG STUDENTS TUWING EXAM AYON SA ISANG TEACHER


Sa dami na rin ng mga students na nahawakan ko, marami na rin akong napansin sa kanila. Ilan sa mga napansin ko ay ang mga sumusunod na katangian:



1. FALLEN STUDENT
Mali ka ng inaakala mong bagsak siya sa exam. Ito yung tipo ng student na pagkaupo niya sa silya niya ay madaming nahuhulog tulad ng ballpen, calculator, papel, correction tape, takip ng ballpen, at panyo. Nako. Sana lang hindi siya mabilis ma-fall?



2. CUTTING
Nope. Hindi dahil sa nagcucutting classes siya kundi lagi kaming nagCUCUTTINGINAN kapag nadadaanan siya ng mata ko. Wala sa mukha ko ang sagot, bes. Alam ko isa rin itong taktika na pagmamatyag sa akin, ehem. Yung tipong malingat ako, alam niya na gagawin niya. Hahaha



3. MATANGLAWIN
Ala CCTV  ang mga ito. Hanep sa technology iyang mga iyan. Dinaig pa si Neji sa Byakugan niya. Bilis ng mata pero mabilis rin mata ko kasi Jedi ako eh. I can sense the dark force my padawan. Ahahaha!

 

4. SINGHOT SINGHOT
Ito yung mga student na kapag namataan ko eh biglang sisinghot kahit walang sipon! Bakeet?! Paki-explain lang! Bakit ka napapasinghot tuwing titingin ako sa’yo! Tell me! Hindi ko pa rin ma-unlock ang misteryo na ito, ilan beses ko na napapansin ito sa iba’t-ibang student. Minsan kamot ilong naman kung hindi singhot.



5. PICASSO
Bakit Picasso? Kasi tulad ng mga pininta ni Picasso, abstract ang mukha nila pagkaharap ang test paper. Hindi maipinta ang mga mukha sa sobrang kusot. Medyo nakakatakot rin sila kasi kapag napapatingin ako at nagkatinginan rin kami parang may halong pagpipigil eh, parang sasaktan ako after niyang mag-exam.



6. WASH BOY/GIRL
Sila yung tipo ng students na halos ma-wash away na ang mukha kakapunas! Grabe sila magpunas ng mukha nila. Baon kung baon. Wag ganon. Sayang ang pes tapos sasabayan pa ng combo na hahawak ng ulo niya na para bang pasan niya ang mundo.



7. HALA BIRA
Prititit! Prititit! Hala bira! Hala sige sila! Nagsabi ka na itago na ang mga gamit pero ayan nasa sulok sila nagbabasa pa rin until the last minute. Hala sige! Cram pa!



8. HOLLOW STUDENT
Sila yung parang walang laman ang mata. Minsan gusto kong itanong kung nandyan pa baa ng kaluluwa niya. As in, nagkatinginan kami pero parang wala akong makitang tao sa loob ng mata niya tapos mamaya lilingon na sa bintana na akala mo may hinihintay.



9. SMILEY FACE
Ito ang mga pa-cute kong students eh. Lagi silang napapangiti na lang habang nag-iisip. Hindi ko sure kung ito ba ay dahilan sa natural na reaksyon niya kapag nahihirapan siya. Mukhang nahihirapan siya pero alam kong pinipilit lang niyang ngumiti. Kaya mo yan!


10. SPORTY
Medyo afraid ako rito. Unat ng unat eh. Akala mo may warm up game o aabangan ba ako mamaya after ng exam. Hahaha.



11. CYCLOPS
Iba to! Magaling to! Isa ito sa favorite kong type ng student. Sila yung nagwawasiwas ng mga kamay nila sa ere na para bang may binubuklat na pahina tapos biglang may facial expression na, “Yes! Yun nga!” sabay sulat ng mabilis sa papel. Natutuwa ako kapag naaalala niya yung mga sagot, pakiramdam ko rin na para bang nalaman niya na ang misteryo ng mundo.


12. HYPERSENSITIVE STUDENT
Sila yung may marinig na kaluskos nagugulat agad tapos kapag magreremind ka lang nagugulat na siya.


13. BESSIE
Kapag magsisimula na  ang exam, siya yung lalapit sa’yo at tatawagin kang, “friend! Bes! Pahingi ng papel!” o kaya naman “Bes, pahiram ballpen!” Kakaibang friend ito. Hahahaha.


14. THE GEEK
Siya yung alam na alam mong handa na sa exam. Kuyakoy nang kuyakoy pero ibang kuyakoy ang na-fefeel ko sa kanya. Siya yung tense na may halong excitement at alam mong magaling siya kasi siya yung parang kinikilig sa mga ideas na pumapasok sa isip niya tapos mabilis niyang isinusulat iyon sa papel niya. Isa rin siya sa madalas na natatapos sabay ngingiti na alam mong nagtagumpay siya. Hanga ako talaga dito. J


15. CARELESS WHISPER
Para silang mga witches at wizards. Kakaiba itong mga ito. Mayroon silang ibinubulong sa hangin sabay nakatingin sa kisame ng classroom. Ibaaa! Medyo may takot lang akong nararamdaman kasi hindi ko alam kung anong spell ang kinacast niya tapos mamaya hindi na pala ako makaaahingaa.a.;.d’as.s;adljfdklsd…21.3.129048dsbbdja.;owhfd.

HeeeelLLp!


Alin ka sa mga nabanggit ko? J Pero biro lang kids. Alam niyo lagi lang kayong magbasa at mag-aral. Kung feeling niyo nagkulang kayo, bumawi kayo next time.
Orayt!

No comments:

Post a Comment