Thursday, January 5, 2017

PAASA

Una sa lahat, hindi ito patungkol sa akin. Pangalawa, tungkol ito sa nararamdaman kong dismaya at lungkot para sa kaibigan ko. At huli, isa itong sanaysay sa mga paasa at umasa para magpaalala.

Nang nakaraan, nagkita kami ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang, masaya naman kami kaso nang hapon nakita kong nagcellphone siya tapos kitang-kita ko na may binasa siya na hindi niya nagustuhan. Mukha siyang disappointed na may halong pain. Sabi ko, “Uy, okay ka lang?” Hindi ko na maalala yung eksaktong sagot niya pero parang mula sa reaksyon niya nasabi ko na, “Mukha ka kasing disappointed sa nabasa mo, sino ba yan?” Tapos yung reaksyon niya alam kong bingo! Tama ako ng pagkakabasa ng mukha niya.

May girlfriend na raw kasi yung ka-MU niya. Pinakita niya sa amin. Maya-maya inaasar na lang naming siya na “okay lang iyan!” tapos nagkwentuhan kami tungkol sa Malabong Usapan. Ano bang mayroon sa kanila ng kawork-mate niyang paasa…sasabugin ko sana yung mukha. Charot.

Sabi niya baka siya lang daw ang umasa kaya tinanong namin kung ano ba yung lalaking yun sa iba. Close sila. May something sa kanila, yung tipong akala ng iba na “sila na”pero hindi kasi malabong usapan (MU). Lumabas na nga sila para mag date eh. Saka medyo matagal-tagal na rin ang samahan nila. Itong kaibigan ko kasi may pagkadalagang Pilipina eh. Pakipot. Strong. Hindi daw siya kasi nagbibigay ng sobrang motive kasi nga nahihiya siya dahil babae daw siya. Ayaw daw niyang manguna, gusto niya na yung lalaki muna. Pakiramdam ko kasi natatakot rin siya kasi never pa kasi siya nakapasok sa isang relasyon. Nangangapa. Yung lalaki, nagkarelasyon na sa iba dati.
Ano ba nagustuhan niya doon? Masipag, matiyaga, saka nag-eeffort naman daw kaso nakakalito ang status nila. Alam naman daw nila sa isa’t-isa na gusto nila kaya nasaktan daw siya nang makita niya na may girlfriend na pagpasok ng 2017 na may caption pa. Di ko na maalala kung ano yung caption.

Kaya hindi ko siya masisisi na mangiyak-ngiyak siya nang sinusubukan naming siyang pasiyahin. Siguro talagang umasa siya. Akala niya okay na iyon. Hindi pa pala. Ayoko naman husgahan yung lalaki baka siya rin nahilo o nalito.

Mahirap ba talagang sabihin na itigil na? Tama na? Sadyang safe lang ba dapat? Para kung sagutin ka ng nililigawan o sagutin mo yung nanliligaw sa’yo may back-up ka? Kasi hindi mo na siya kailangan kasi may masasandalan ka na? O kaya naman kasi gusto mo ma-keep yung friendship niyo? Palagay mo nga ba ma-keep mo yang friendship niyo kung ganyan pinagagagawa mo? O kasi sabi mo ayaw mong makasakit? Eh ano tawag sa ganyan, eh di ba mas nakakasakit yung magugulat ka na lang wala na pala? Akala mo nakahawak pa sa'yo yun pala may iba na? 

Tanong ko lang naman iyon. Bakit ba kailangan nagpapaasa at bakit may umaasa? Ito ba ay dahil nagbabakasakali kang pwede mo ring makita ang saya sa kanya? Yung tipong sa dami ng taong nandiyan sa’yo, sa kanya mo naramdaman na mahalaga ka? Yung pakiramdam na natatae ka na hindi mo magets o what tapos yung para kang tanga…(ay tanga nga pala pero sa ganyang sitwasyon lang ha) Nang binigyan ka niya ng atensyon, ikaw naman sige ang yakap sa mga magagandang salita na pilit kang hinehele bago matulog. Napako ka sa ideyang baka pwede nga.

Tanga ka nga. Tandaan mo iyan! Pero sa moment na iyan lang. Sa buhay natin, naging tanga naman tayo. Na-stuck at nasaktan. Minsan kasi hindi naman talaga natin maiiwasan iyon eh. Tao naman kasi tayo, maraming kahinaan.

Sa kaibigan ko, “Monster, sasabihin ko lang na ang tanga mo naniwala ka pero dahil kaibigan kita sinasabi ko iyan sa’yo para magising ka na. Ayos lang naman maging tanga paminsan-minsan pero wag mong uubusin ang 365 days na magpakatanga. Huwag hakutin. Nandito lang kami para sa’yo. Yung MU (Mukhang Ugok) na iyon, hayaan mo na siya kung doon siya masaya. Mahahanap mo rin ang happiness mo kahit single ka. J Hindi naman natin makikita ang halaga natin mula sa iba, sa atin iyon magmumula, di ba? Lam mo yan! tumba ko na ba? *charot*

Sa paasa, isipin mo naman iyong mararamdaman ng aasa sa iyo. Kung mahalaga talaga ang taong iyon deretsahin mo na o kaya iwasan mo na maramdaman niyang wala talaga kaysa nagpapapain ka na okay ang lahat kahit wala naman pala talaga. Huwag kang magtayo ng kastilyong buhangin. Isipin mo nga, pinalaki ng mga magulang niya yun, pinag-aral at iniwas sa disgrasya. Ayaw siyang paiyakin ng mga mahal niya sa buhay tapos ikaw sasaktan mo lang?

Hindi siya inalagaan para lang saktan. Hindi siya kinilala para sirain at mas lalong hindi siya minahal para iwanan.

Ayun lang. 2017 na guys. Iwasan na ang type I error saka pagca-cause ng type I error.

New skill this 2017 mga bes para sa mga umasa:
Lunukin ang katotohanang minsan kang naging hangal.

Bye na talaga as in, kandado susi. 

Sito Longges

No comments:

Post a Comment