Saturday, January 7, 2017

BABASAHIN KO ANG BIRTH MONTH, ZODIAC SIGN, PALAD, ATBP: ISANG MAIKSING PALIWANAG SA BARNUM EFFECT

Image Source


Tuwing magtatapos ang taon, sikat na sikat ang pagbibigay ng mga forecast ng mangyayari sa buhay mo tulad ng panghuhula sa career, love, health, at financial. Karaniwan, bumibilib ang isang tao sa tugma ng mga predictions sa kanila ayon sa birth month, graphology, zodiac sign, palad, tarot cards, and birth stones. Ngayon, susubukan ko rin…

HULAAN KITA NGAYON at sabihin mo kung ilan ang tumugma sa’yo:

·      * May mga panahon na mabilis kang magtiwala, kaya ka nasasaktan. Kaya ka nahihirapan.
·    * Hindi mo alam na may mga potentials ka na hindi mo pa na-didiscover. Kailangan mong hanapin iyon sa sarili mo.
·      * Nakakalimutan mo minsan ang sarili mo.
·      * Mapagmahal at marunong lumaban lalo na kapag na-agrabyado ka at ang mga kaibigan mo.
·      * Kung minsan sa ingay ng mga nangyayari sa paligid, mas pinipili mo na lang na mapag-isa.
·      * Marunong kang makisama pero doon nga lang sa mga taong talagang pinagkakatiwalaan mo.

May mga tumugma ba? O tumugma naman sa’yo lahat? Ang tawag diyan ay Barnum Effect o kaya naman kung minsan kilala rin itong “Cold Reading.”

Ang Barnum effect ay ipinangalan sa isang sikat na circus entrepreneur na si T.P. Barnum. Ito ay tungkol sa mga pagtanggap ng mga karaniwang paniniwala. Ito rin ang tendency ng isang tao na mas mapansin at bigyan ng atensyon ang mga tumutugmang statement sa horoscope, tarot reading, at iba pang medium na ginagamit ng pseudoscience. Maituturing itong pseudoscience dahil sa kakulangan ng empirical support at walang sapat na scientific explanation. Halimbawa na lang ng nabanggit ko na, “May mga panahon na mabilis kang magtiwala, kaya ka nasasaktan. Kaya ka nahihirapan,“ ito ay karaniwang statement lang o general statement na kung saan lahat ng tao ay makakarelate dahil sa tagal mo naman na namalagi sa mundo, may mga sitwasyon na nasaktan ka dahil sa pagtitiwala sa isang tao. Mula rito, gagalugarin mo ang mga karanasan na tutugma sa sinabi ko kaya sasakto ang nabanggit ko. Kumbaga, isa itong hindi malinaw na statement na kung saan ikaw na ang bahalang magbigay ng kahulugan mula sa iyong karanasan. Isa pang halimbawa ang, “Hindi mo alam na may mga potentials ka na hindi mo pa na-didiscover. Kailangan mong hanapin iyon sa sarili mo,” ito ay isang general statement rin na maituturing dahil lahat naman tayo ay may potentials na maaaring hindi natin nalalaman.

Isa pang halimbawa ay ang mga hula sa mga artista na, “Magiging maganda ang career mo ngayon at magkakaroon ka ng mga projects.” Hindi ba’t kapag artista ka, Malaki ang posibilidad na magkaroon ka talaga ng projects? Tungkol naman sa “magiging maganda ang career,” magiging tugma iyon sa makakarinig dahil positibo ito at ito ang gusto niyang mangyari.

Hindi ko naman masisi ang tao na magbasa nito. Kung minsan kasi masarap rin kasing magbasa ng mga bagay na magbibigay ng konting kaliwanagan tungkol sa atin (uhm, Barnum rin baa ng sinabi ko? Hahaha) o kaya naman nakakatuwa lang na magbasa lalo na kapag positibo ang laman ng readings at naiisip natin na iyon tayo kasi maganda ang description.

Kaya sa susunod na may mababasa kang hula o kaya naman mga readings, suriin muna ito. Hindi ko naman isinulat ito para pagbawalan ka na magbasa ngunit huwag nating gamitin ito sa paraan na magiging depende na tayo rito. J

Mga babasahin na related sa blog na ito:

·       We've Got Something for Everyone: The Barnum Effect
·       The Barnum Effect
·       Popular Horoscopes and the Barnum Effect
·       Why We Are Hooked On Horoscopes?

No comments:

Post a Comment