Wednesday, November 15, 2017

Gahum: Ang Sikolohiyang Pilipino sa Usapan at Usaping Kapangyarihan

Ang kapangyarihan ay nagiging baluktot kung sinusubukan nating kulayan ito ng dilaw o pula o anumang kulay na nais nating makita.

Mabuti na lang kahit papaano tayo ay nasa iisang payong ng dalubisipan, huwag natin kulayan ng maduming politika ang mga adhikain natin. Ituloy pa rin ang magbigay ng tulong sa kapwa kasi simple lang: Pilipino ako, Pilipino ka. Tutulungan kita. Hindi ka iba sa akin.

Nakakasuka at nakakakahiyang tingnan ang sarili sa salamin kung mismong mga Pilipino'y nagbabatuhan ng putik. Hindi ganoon ang Pilipino. May kapwa tayo. Nakikiisa tayo. May malasakit.

Ang tunay na lakas ng gahum ay nanggagaling sa kapwa.


No comments:

Post a Comment