Friday, September 29, 2017

REALIZATIONS #2

#2 Realizations

Mas masarap sa feeling pala talaga na makita mong nakakakuha ng tama ang students mo. Priceless moment sa class ko nang Thursday night for my class hahaha.

Ito yung moment na nalaman nilang tama ang case analysis nila! Kinakabahan pa ako kasi habang pinapasa isa-isa per group puro tama ang sagot tapos natatakot ako na baka yung ibang susunod na group mali ang sagot...baka may isang maiwan tulad last time. Ayon. Mabuti na lang, lahat sila tama! 😍 Kaya bago ko sabihin yung sagot, kinunan ko sila ng vid. Haha di nila alam na inaabangan ko na yung expressions nila...kasi kapag masaya sila, masaya rin ako. Mag-aral mabuti! 💙

Sa wakas! Walang nagkamali! Good job mga future bes! 💙

Tandaan: Magaling ka, worth it ka, at magsipag ka lang! Walang taong bobo. 😉
#ProudProf


REALIZATIONS #1

REALIZATIONS #1

May mga tao na sinukuan ka na kahit na sa una pa lang naniniwala ka na sa kanila. Alam mo yung feeling na hindi nila alam ang kapalit noon sa'yo pero madali lang nila sinuko kasi "free" o kaya naman hindi nila siguro alam kung gaano rin kahirap ma-earn yung isang bagay na iyon pero inalay mo sa kanila.

Ganyan tayo e. Minsan nandiyan na sa harap natin pero tatalikuran mo lang. Siguro kasi hindi naman lahat pinipilit ang sarili nila na gawin yung isang bagay... hindi naman din nila kasi lubusan na minahal.

Sabihin na natin na maraming external factors na dapat mong i-consider...pero gagawing excuse 'yan e to convince yourself na tama iyan...

"Ah kasi di ako ready."

Ganyan lang kadali sumuko. Di ba?

...pero binubuhos mo nga ba ang best mo? Gusto mo ba talaga? Kasi kung hindi, malamang sa malamang ititigil mo na yung laban mo.

Nakalimutan mo na kapag malapit ka na roon sa bagay na gusto mo mas matindi na yung struggles. Hanggang kailan mo kaya maiisip yung halaga na binigay sa'yo?

Good luck sa mga taong sumuko. Hinihiling kong maging masaya kayo sa desisyon ninyo. Alam kong marami pang chance sa inyo pero may halong panghihinayang lang ako talaga sa mga nagsimula pero hindi tinuloy.


Monday, September 18, 2017

WHY I DON'T LIKE EXAMS

Tbh, I don't like exams. I don't want to terrorize my students about board examination, and I don't want to pressure them too much in my subjects. It's hard for me since it's inconsistent with what I want them to learn in real life.

Society taught us to compete, to exceed various academic measures of excellence, to satisfy the demands of others, and to put other people's welfare first before us. Don't get me wrong, it's good that we consider other people's interest but it's a doleful lost for us when we attach too much ourselves to the majority and then we lose track of what our hearts hope for.

To all my students and to other people out there, this is a reminder:

Value your life by practicing self-care. Sometimes, we are too preoccupied on things that aren't there. Also, don't attach your identity with achievements, material possessions, and superficial relationships. All these things are ephemeral!

Focus on here and now. Focus on what matters to you. 💙

What matters most in life is how you live your life, how you've changed through the years, and how you make a difference in someone's life. You are beyond measures.

Be remarkable, baby sharks. Haha.
Doo doo doo doo doo.

P.S. Aral pa rin ha pero connect with yourself and mind your mind.


ADULTING 101 MGA BIMB!

This is a bad day.

Sobrang pagod na pagod kasi ako kaya na-late ng gising. Kasalanan ko 'to. Oo. At least marunong rin naman akong umamin ng mali ko. Sabi ko sa sarili ko, simula ngayon pipilitin ko na hindi ma-late.

Nakatipid nga ako sa airfare pero sa laki ng penalty bawing-bawi naman. Susubukan kong ngumiti kahit na walang laman na halos wallet ko this convention kasi wala ring gumaganang atm machine. Hahaha. Oh di ba.

Yung akala mong smooth, ito wala. Sabagay, hindi rin kasi ako excited ngayon sa ilang mga bagay na iniisip ko.

This is a bad day but not a bad life. *taps on shoulder, malalampasan ko rin ito kahit gusto ko na talagang magwala sa inis hahaha*

Ito lang siguro yung nakita kong improvement sa sarili ko. Share ko lang realizations ko ngayon dahil sadlak sa dusa ang peg ko bwisit yan HAHAHAHA.

ADULTING 101 (In any order)

1. Kapag may bad experiences na ako, hindi na ako madalas pumapatol o nagwawala. Karaniwan nananahimik ako. Ayoko na magsalita masyado. Bimb, yung nga pabibo minsan hinahayaan ko na sila *Inyo na korona! Ganern*

2. Habang nagiging adult na ako mas lalo ko nauunawaan na ang painful pala talaga ng mga lessons sa buhay! *sakit sa wallet huhu kuripot kasi ako huhu talaga* Sa sobrang sakit minsan yung iniinda mo hindi mo na lang sasabihin sa mga taong mahal mo basta makita mo silang okay. Hindi ko na kailangan i-announce na nahihirapan ako. Madalas sa sarili ko na lang. Hay. "LET GO OF YOUR NEGA THOUGHTS, PAK!" Ganyan dapat!

3. Hindi na ako masyadong pumapatol sa iba. Usually, may mga taong susubukan ka eh. Pero wala naman na akong pake. Sa adult life ko, kebs na lang. I have my own timezone. Hindi ako nagmamadali at magkakaiba tayo.

4. Mahilig na akong magintrospect about life saka more on self-regulation. Mas nag-increase na rin kahit paano yung empathy ko. Hindi na ako ganoon ka confrontative. Kapag may nakita akong mali sa isang tao, hinahayaan ko na lang syang magdiscover sa sarili niya. Capable naman kasi tayo sa ganoon, may iba lang talagang hindi yata nagrereflect ng gawain niya tapos dinidistort pa ang truth.

5. Madalas maingay lang ako sa lecture at blogging pero sa totoong ako... madalas kong pinipiling mag-isa o kaya sa mga piling taong pinagmakatiwalaan ko. Kapag tiwala sila lang napagsabihan ko ng untold stories na hindi talaga alam ng iba.

6. Kebs ako sa competition. Mas nagcocompete ako sa sarili ko kung paani ako babangon bukas. Sa dami ng struggles ko sa buhay *kung alam lang ng iba* batak na batak na ako. Tipong wala na akong papatunayan e. Tipong hindi mo na kailangan ibalandra lahat ang mayroon ka kasi sa dulo ng buhay mo, hindi mo maisasama yan sa hukay. Kung paano mo minahal ang sarili mo, kapwa mo, maging isa sa may likha, at kapaligiran ang mahalaga. Kung paano mo trinato sila at kung paano ka naging totoo sa sarili mo. Yung tipong kapag ikaw lang ang mag-isa, alam mong may peace of mind ka.

7. Sa dami ng bayarin, wala ka na ring mararamdaman hahaha. Bayaran mo na lang pero okay lang magtanong wag puro bayad rin. Magtipid!

8. Matutong magtanong at maghack ng mga bagay bagay para mapadali ang pamumuhay. Hahaha.

9. Mas iniisip ko anong contribution ko sa iba. Paano nila ako maaalala? Yung kapag nawala ka, may iiyak kaya? Chos. Di nga, maraming beses na napatunayan ko yan. Walang halaga ang pera kundi yung appreciation talaga yung malakas yung impact. *pero syempre I need money pa rin di ba huhu*

10. Mas minahal ko ang sarili ko saka mas ginagawa ko yung best ko dahil sa mga taong nagbibigay ng inspiration sa akin. Yung tipong kaya ako nandito kasi yung meaning ko para makatulong sa iba sa paraan na kaya ko.

11. Nandito ako para magmahal at walang makakapigil sa akin kahit ang norms. Isa lang ang minahal ko at mamahalin. Kasabay ng pagtanda ko, naiisip ko rin yan. Ang mga bagay na hinihiling natin sa taong gusto nating makasama panghabambuhay ay pwede palang makita sa iisang tao. Kailangan mo lang rin tulungan yung partner mo na mag-grow. It takes time! *pero depende sa case ha kasi may iba abuso*

12. Kaya ito ngayon yung next idea, sa dami ng experiences mo dapat alam mo priority mo tapos alam mo kung kailan magsasabi ng "TAMA NA, SOBRA NA 'TO!"

13. Ayos lang umayaw, minsan hindi pagiging duwag yun.

14. Matutong umamin kapag may mali at tanggapin ang mga bagay-bagay kung minsan.

15. Ayos lang maging tanga kasi may matututunan ka rin. *parang ako ngayon sa pagiging late huhu*

16. Wag angkinin ang lahat! Bimb, bawal yan! Alam mo kung ano lang dapat ang sapat.

17. Matutong magexplore pa! Masaya ang buhay! Madaming nega pero choose to be happy pa rin! 💓☝

Yun lang mga bes baby sharks. 🤓


Tuesday, September 12, 2017

YOU.ARE.LOVED.

Are you tired of life?  Do you feel empty? It's like you're dragging your feet going to school or to work, looking on the same page of the book for hours with no progress, and then your coffee always gets cold.

Think of better ways to live. I know, it's hard right now. You know what? Hardships are spices of life. It strengthens us!

There's more to life and you need to explore it! We are, by nature, nomadic, dynamic, a soul full of hopes and dreams, and a social being.

You just need to reconnect with yourself, with people, and with nature. Seek other people's help. It's not a sign of weakness. It's natural. You don't know what awaits you. Life is beautiful! You are beautiful! We are beautiful!

If ever you feel down again, feel it, drown yourself with tears, then wipe it. If you can't, seek help. Get up! Reframe your perspective. Live!

Others are waiting for you because YOU. ARE. LOVED.

I'm here.


Monday, September 11, 2017

PAPASA KA DAHIL GINUSTO MO!

"Papasa ka, tiwala lang."

Hmm. Baguhin ko pala.

Papasa ka basta't tutulungan mo ang sarili mo na kahit na cancelled minsan ang class dahil sa events, hindi mo nakakalimutan ang magbasa at mag-update. Papasa ka kasi ginusto mo. Kinaya mo. Nagbasa ka. Nagpuyat ka. Hindi mo inexternalize yung problem mo sa acads.

So,

"Papasa ka, binigay mo lahat, kinaya mo at di mo sinukuan! Saka mo sabayan ng pagtitiwala nang malupit!" 💚


Wednesday, September 6, 2017

MGA LIMANG BAGAY NA DAPAT TANGGAPIN NGAYONG BLEPP 2017


1. Time. Nandiyan na siya. Yes, yung moment na malapit na siya ngayon as in malapit na malapit na. Tanggapin mo na. Hindi mo na mapipigilan yan.

2. Nagsikip na damit/Lumuwang na damit. Wala ka ng magagawa sa nagbagong body build mo kasi na-stress ka sa board exam. So what? At least, magkakalisensya ka! Tiwala lang!

3. Mga taong nawala. Kung minsan, kasama na sa journey natin sa board exam yung mga taong kung kailan kailangan natin sila saka pa sila naglaho. Maraming cases na hindi natin maiiwasan yan pero hindi rin naman dapat na ipagwalang bahala. Recognized the feelings then move on. *Sana ganoon kadali no?*

4. Walang laman na wallet. Totoo yan. Marami kasing napapagastos ngayong board exam siyempre nagbabayad tayo sa review, books, highlighters haha, FOOD, pang-chill kasi nakakastress, gastusin sa bahay, etc. Di bale, isipin natin na kapag may license na may bago na ulit tayo babayaran...conventions, renewals, etc. Chos! Pero may work na naman, tiyaga lang. Diyan rin naman ako nagmula. 💙

5. Nakakalimutan na info. Huhu. Ito yung mga mahirap. Tandaan, sa dami ng binabasa natin may mga times na makakalimutan rin natin yung mga inaral. Natural na mararamdaman mong inadequate ka dahil sobrang dami talaga ng inaaral at aaralin pa! Pero think positive ha! Isipin mo na iyan yung opportunity mo na aralin pa siya nang mas maayos at ulit-ulitin. Di ba? Mabuti na ma-recognized mo yang inadequacy na iyan kaysa masobrahan ka ng kompyansa tapos hindi mo na inaral nang mabuti!