Friday, September 2, 2016

LIHAM PARA SA TAO

Dear Tao,

Ang Psych majors, mga sugatan rin yan. Mga taong tumutulong na hindi na iniinda kung minsan ang problema nila. Kaya nga minsan masakit na masabihan ka na "psych major ka pa naman!' Di ba?

May mga pagkakataon rin naman minsan na napapakita namin ang kahinaan namin dahil tao kami. Nag-aaral ng "human behavior" pero hindi ibig sabihin na may shield kami sa mga problema. Masheket din minsan. Charot! :D Kung minsan hanggang 'crying shoulder' na lang kami o 'bridge' eh. Minsan sarap i-burn ng bridge, bes tapos ikaw sasalo sa kanya. Charot!

Pero totoo, sa dami ng problems na hinahandle natin, kung minsan di ba hirap naman ipakita na may problema ka rin kasi nga "Psych major ka". Sinusubukan mong solusyonan ang sarili mong problema habang tinutulungan mo rin ang ibang tao. Masaya naman ang ganon sa totoo lang pero sana bigyan niyo rin kami ng pagkakataon na maging tao minsan...na sana maaari kayong gumalaw ng malaya dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay inuusisa namin kayo. Minsan gusto lang naming maging masaya. Yung normal. Kapag kausap namin kayo, gusto namin na kausap kayo. Walang halong pagmamasid o kung ano. Minsan ganun lang naman kami kababaw.
Kailangan namin ng kaibigan. Kailangan ka rin namin.

Hindi rin ibig sabihin na tahimik kami ay nasa "loob ang kulo" namin. Kung minsan nakagisnan na rin ng ilan sa amin ang maging tahimik o makinig kaysa ang magkwento. Kung minsan mapili rin sa tao pero hindi porket hindi ka kinakausap ay may problema kami sa'yo. :)

Hindi rin ibig sabihin na hindi ka namin pinatulan ay talo na kami sa diskurso. Kung minsan sa naranasan namin alam na rin namin kung kailan tatahimik at hindi na lang iimik dahil may ilang tao na hindi na rin dapat pang pag aksayahan ng panahon. Huwag mo kaming pag-isipan na mahina dahil iba ang mahina sa inaalam ang sitwasyon at ayaw nang makipag talo. Sa ilang mga pagkakataon, ang gusto lang talaga namin ay katahimikan. Please.

Mga simpleng tao lang kami na kung minsan pinipiling manahan sa sariling mundo at gusto makiisa sa mga taong kapalagayan na rin ng loob, tulad mo.

Lubos na nagmamahal,
#PioneerNaNagtuturo

Pinto Art Museum, Antipolo City
Naalala ko lang ito. 



No comments:

Post a Comment