Nakakatakot.
Nakakabahala.
Hindi ko
maiwawaglit sa gunita
ang mga araw
na wala ka.
Hindi ko
makakayanang masaksihan
ang mundong
walang dahilan at kulay.
Ang sabi
nila’y, “tumindig!”
na para bang
kay dali dali?
Hindi nila
alam kung anong hinagpis
kung anong
pait at kung anong sakit?
Napakadaling
sabihin na “makakaya mo”
na “kalimutan” at “tanggapin”
at kung
anong ka-eklatan para gumaan ang
pakiramdam
Pero pucha naman! Naramdaman mo rin ba?
Naiintindihan
mo ba? Sagutin mo ako!
Paano mo
tatakasan ang gabing mag-isa ka na lang?
Sinanay ang
sariling bago matulog ay magkayakap
Sinanay ang
sariling nagbubulungan ng pagmamahalan
Sinanay ang
sariling hawakan ang mga pangakong binitawan
na “ikaw at
ako’y habambuhay na magkasama.”
Kaya nga sinasabi
nila na ang mga salita ay binibitiwan
dahil kasabay
nito ang pangakong maaring pwede ka ring bitiwan.
Kaya huwag
kang umasa.
Kung salita nga binibitiwan, ikaw pa kaya?
Bahala na.
Ikakahon ko na lang ang pagmamahal.
No comments:
Post a Comment