Ilang araw na ang nagdaan simula nang pumasa ka sa board examination. Nahihirapan ka na naman. Napapagod.
"To live is to suffer," wika ng kaibigan kong si Viktor Frankl na madalas kong banggitin dahil kailan ba nagkaroon ng euphoria, yung as in walang complete tension and problems? Basta alam ko kaibigan na natin yang distress saka iyang lalo na yang doubt. Sa Tagalog nga, "duda." Letter "d" pa rin pero gusto ko lang ibahagi sa'yo kaibigan na dehins ka dapat magpakalunod diyan.
May ilang magagandang bagay rin kasi ang pagdududa. Marahil pinagduduhan mo ngayon ay ang mga sumusunod...iisipin ko....uhmmm...
"Bakit ko ba kinuha 'tong Psychology?"
"Mali yata ako nang tinahak."
"Wala naman yatang bigat tong lisensya ko."
Dumaan rin ako diyan. Napakahabang kwento para masabi ko lahat ng nangyari pero in short, nagduda rin ako sa sarili ko at sa kurso ko. Umiiyak pa ako noon nang naghahanap ako ng trabaho. Totoo, kinuwestiyon ko ang sarili ko dahil takte maraming ibang pamantasan na kilala pala sa Pinas, pumasa man ako ng board examination marami pa ring kalaban kasi hindi naman ako topnotcher, at takte iyan bahagi pa ako ng minorya. May awards naman ako pero nilalamon ako ng pagdududa sa sarili ko kahit na alam kong may napatunayan naman ako kahit paano. Nakakatakot eh. Malawak pala ang mundo. Malawak pala ang Pinas. Huwag mong sabihin sa akin na hindi ako naghanda dahil pinaghandaan ko iyan bago pa lang ako grumaduate yung tipong 2nd year college pa lang ako nagrereview na ako sa board exam nang paunti-unti dahil balak kong hindi magreview center kasi ayokong maging pabigat sa amin. Hindi kasi kami mayaman kaya nga sa public lang ako. Pinaghandaan ko siya. Naisip ko siya pero hindi pala handa ang puso ko, yug damdamin ko na kapag nandoon na ako sa sitwasyon na iyon. Mahirap pa rin.
Kaya nga may sense kapag sinasabi na madaling sabihin at isipin pero mahirap kapag nandoon ka na. Struggle siya. Umiiyak ako noon kapag umuuwi ako na pakiramdam ko nagkulang ako sa interview at naramdaman kong hindi ko nabigay ang best ko. Iniisip ko na mahina ako at wala naman yatang kwenta ang naipasa ko dahil hindi naman ganoon kataas yung naidagdag sa sahod ko.
Totoo. Hindi nga. Hindi mataas. Ganoon kasi sa una. Walang bagay na nagsimula sa isang iglap.
2013 ako grumaduate ng BS IOP sa isang State U. 2013 na rin iyon masuwerte akong sinuportahan kahit paano ng ate ko para pumaso sa graduate school habang naghahanap ng work *mura po kasi per sem doon at weekends lang po ang pasok, mga 5k to 6k solve ka na rin per sem ng 9 units pero asahan mo ang mahabang pila*
Nakahanap ng work pero saglit lang rin kasi alam mo naman hopper kapag millenial pero wala akong pinagsisihan kasi may natutunan ako at nagfocus na rin ako ng ilang buwan para magboard examination na gaganapin sa 2014. *feeling ko para sa akin talaga ang taon na yan kasi na postpone ng 2013 kaya feeling ko sign na magtake ako kahit noong una ayoko talaga*
Bale nagreview ako at nag-struggle sa graduate school at kung minsan kung anu-ano muna ang ginagawa at nagpart-time pa minsan na mag graphologist. *Nag-undergo kasi ako nang college ako noon nagamit minsan haha saka naging admin ng isang page na malaki ang naitulong sa akin *
Fast track, 2014 pumasa at nagka-work rin ako pero katakot-takot na duda pa muna bago ako magkawork.
2015, yehey! Nakapasok ako sa dream job ko maging psychology instructor. Hindi pa inaasahan yun kasi try lang talaga. From HR to instructor ako. Dito may difference sa rate ng RPm sa walang license kaya parang ang saya ko kahit paano na sa loob ng 2 years pwede palang mangyari yun.
Nakapasok ako sa tatlong campus paikot-ikot na buhay at nakakapagod. Nagkaroon ng chance na magturo sa isang maliit na review center at minsan na-invite rin na magtalk sa kilalang review center *sobrang thankful po ako noon kasi pinush ako ng creator ng page na iyon para makapunta sa ganoon*
By 2016, grumaduate ako ng masteral kasabay naging program head ako ng isang maliit na campus *marami pa akong dapat na matutunan* at naging lecturer rin sa isang malaking pamilya ng review center.
Lahat ng iyan, takte! Hindi ko akalaing mangyayari dahil sino ba naman ako. Mahilig lang akong magkikilos at mag yes sa opportunities. *pero may times tanggi rin kapag alam kong di ko kaya* Palagay ko sipag talaga iyan saka tigas ng ulo in a good way. Yung tipong nanay at tatay ko sinabi pa sa akin ano ba yan delay ang sahod mo *Bes, OA kasi talaga mga isang semester ko bago nakuha iyon buti tatlo iniikutan kong canpus. Saka may sidelines ako. Lahat delay pero yung isa at least 3 months. Hahaha! Nangungutang pa ako sa mga kapatid ko noon sa panggastos! Nilaban ko pa rin iyon kasi sabi nga ng puso ko lahat ng hirap paid off iyan. Saka doon ako masaya!*
Nagduda ako noon pero tignan mo naman may naghihintay pala sa akin na hindi ko ma-imagine na mangyayari. Kung masyado akong nagmukmok sa kamalasan ko rin noong 2013 *saddest year ko iyan bukod sa 2008* Kung nagpatalo ako na wala akong mapapala baka hindi ako kahit paano magkakaroon ng work ngayon.
Basta tandaan lang talaga. Ayos lang magduda kasi doon matututunan mo na tanungin ang sarili mong, "Ano pa ang kulang at dapat kong baguhin sa sarili ko?"
Sa pagdududa nalalaman mo rin na marami ring alternatives para kahit paano ma-try no nang hindi ka lubusang lumalayo sa path na dapat mong tahakin. Nang mga panahong sobrang down ako, naiisip ko iyan na patusin ko na for higher salary kasi may offer naman noon pero hindi nga lang linya sa psych. Pinush ko pa rin talaga yung gusto ko kasi may nararamdaman ako na di ko mapaliwanag.
Mabuti hindi ako sumuko lang talaga. Ngayon, ayos naman ako. Alam kong marami pang dapat gawin at matutunan kasi hindi ko pa naman alam ang lahat pero aral pa rin. Hindi pa rin ako susuko.
Basta tandaan, huwag kang susuko. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa'yo.
Hindi ka ba na-excite kung ano ang naghihintay sa'yo basta gawin mo lang palagi ang makakaya mo?
Hindi ko sinasabing tularan mo ako pero gusto kong malaman mo, ano bang nararamdaman mo? May duda ka bang nararamdaman pero parang may something kang nararamdaman sa path na tatahakin mo? Eh di go, alamin mo lang talaga kung saan ka mas sasaya. Sa una mahirap pero kapag mahal mo ang isang bagay parang hindi mo na talaga iindahin yung hirap saka kapag binigay mo yung makakaya mo, may babalik rin sa'yo na maaaring ikagulat mo...tulad ng nangyari sa akin. Ayun lang.
[RPsy soon mga 2022 hahaha charot.]

No comments:
Post a Comment