Noong bata
pa ako
Pinangarap
kong agad na lumaki
Pinangarap
kong agad na tumanda
Kasi sabi
ko mukhang masaya
Nauunawaan
ang halos lahat
Kung bakit
ganito, kung bakit ganyan.
Kaya
naisipan kong magtanong
Binuksan
ang isipan
Natutunan ang
magbilang
Isa,
dalawa, tatlo, apat….
Pagkatapos
ay natutunan ko ring magsulat….
Ngunit
naibulong sa sarili, “mukhang hindi pa ito sapat.”
Sinubukan
kong buksan ang mga pahina
Pinilit
maunawaan ang mga salitang binubuo ng mga letra
Hanggang sa
natutunan ko na rin ang magbasa!
Kasabay
nito ako’y tinuruan ng ina at ng ama,
Manalangin
kung ako’y may hihilingin
Ibulong ko
raw sa itaas at ipagkakaloob rin.
Maghintay
kahit na matagal
Maging
matatag kahit na nahihirapan
Dahil
pasasaan pa’t ang lahat ng hirap
May mga
mabuting bungang katapat.
Nabuo na
ang pag-asa
Na kaya
kong harapin ang mundo
Nang walang
halong takot at pag-iimbot.
Pero alam
mo, akala ko lang pala iyon….
Dahil bata
pa ako noon….
Nang ako’y
tumatanda,
Nalaman
kong may mga bagay na hindi mabisa
Pagbilang,
pagsulat, at pagbasa’y hindi sapat.
Dahil kung
may higit pa na dapat malaman
Hindi lang
pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati
puso’y dapat may laman ng pagmamahal.
Hindi ka
makakatakas sa nakaraan…
Kung hindi
walang pagtanggap.
Walang
pagyakap.
Walang
tuldok.
Walang
pagtatapos.
Walang
esensya ang matematika kung walang pakahulugan…
Nalaman
kong kahit na sabihin kong…
Isang
milyong beses akong nasaktan
Hindi iyon
sasapat para mailarawan
Kung ano
ang tunay na karanasan at naramdaman.
Kung
paanong nadurog ang puso kapag nahihirapan
At kung
gaano rin ako naging maligaya simula ng masilayan ka!
Hindi sapat
ang magbilang…
Dahil kung
may higit pa na dapat malaman
Hindi lang
pala sa utak ang dapat na lagyan.
Kundi pati
puso’y dapat may laman ng pagtanggap.
Hindi ka
makakatakas sa nakaraan…
Kung walang
pagtanggap.
Kung walang
pagyakap.
Yung
pagyakap at pagtanggap nang pinag
tagpi-tagping
madilim na nakaraan.
Kung walang
pagtutuldok
at walang
pagtatapos.
Dapat na hawiin
ang takot sa puso.
Subukan ang
paglukso!
Huwag kang
magpapako!
Gumising ka
at may dahil may bukas!
Gumawa ka ng sarili mong bakas!
No comments:
Post a Comment