Monday, June 18, 2018

PASENSYA NA, PROUD KAMI


Sa mga nagsasabi na bakit pa kailangan naming i-celebrate na mga LGBTQ+ ang achievement ng kapwa namin (like first ever transwoman na valedictorian) eh wala namang kinalaman ang gender sa kagalingan ng tao????
oh siya sige nandoon na tayo pero pasensya na ha kasi nasa minority kami eh. Hindi lahat sa LGBTQ+ nageexcel ng ganyan kaayos kasi marami sa amin hanggang ngayon (maniwala ka man o hindi), nakakaranas ng discrimination, power play, at less opportunities.
Pasensya na nagcecelebrate kami ng Pride Month para ipaalala sa maraming tao na tao rin kami at katulad ng straight mayroon rin kaming dapat na matamasang pantay na karapatan. Hindi naman special rights yun, kapag tao ka may karapatan ka. Ilang beses na ba namin yang iniinda.
Pasensya na kung hindi namin mapigilang maging masaya na makita ang kapwa naming LGBTQ+ na masayang nagcome out at maging proud sa sarili nila kasi hindi naman ganoong kadali lalo na't mapangmata ang mundo. Hindi lahat ng katulad namin kayang maging proud sa sarili. Hindi lahat kayang magcome-out sa identity at orientation namin. Hindi lahat nabiyayaan ng magandang pamilyang tatanggap sa kanila o mga kaibigan na pwedeng takbuhan kapag sobrang liit na ng mundo mo.
Pasensya na kung nagiging masaya kami sa maliliit na progress ng community namin. Pasensya na dahil hindi naming mapigilang maging masaya para sa kapwa namin kapag may achievements sila kasi nagpapalawak ng safe place para sa amin. Nagkakaroon kami ng lakas na makita yung kagandahan ng bawat isa kahit na ipinapamukha sa amin yung pagkukulang namin at hindi namin kayang gawin.
Pasensya na kung sa bawat pagcome-out ng katulad namin, natututunan namin na tanggapin rin ang sarili.
Basta ang alam ko. Ang pag-ibig ay pagtanggap sa kung sino at ano ka...na ang pag-ibig ay pagpapalaya!
Kaya proud ako sa sarili ko. Proud kami sa kanila.
Malaya kaming magmamahal at masayang mabubuhay! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿงก๐ŸŒˆ
#LGBTQ #PrideMonth #Kebslang

Monday, June 11, 2018

HORROR MOVIES IN A NUTSHELL

Dahil masarap manood ng horror para may kayakap sa malamig na panahon, dapat piliin mo yung nakakatakot. Charot. Sa totoo lang, hindi na talaga ako natatakot sa horror movies kasi kung minsan napepredict ko na eh. Nakakainis hahahaha. Kapag wala sa mga sinabi ko yung mapapanood niyo, eh di bongga! 1. Opening ng movie: bird's eye view yan tapos halos palaging building, dagat, o kaya pine trees tapos sinusundan ng camera yung kotse. HAHAHAHA. 2. Sa Patayan: Maliban sa mga asong namamatay o pusa, unang-una namamatay yung mga malalandi, naka-bikini, o kaya nakikipagsex. Hahaha. 3. Kahit na gaano kabagal maglakad yung killer, mahahabol ka niya promise! 4. Kitang-kita mo rin yung requirement na madadapa ang babae kapag hinahabol sila. Kahit anong mangyari dapat madadapa ka. ๐Ÿ˜‚ 5. Common aberya sa horror: hindi magstastart yung sasakyan, walang signal ang cellphone, putol ang linya ng telepono at flashlight! 6. Kahit gaano kayo madami, isa lang dapat ang matitira! ๐Ÿ˜‚ Saka kahit na madami kayo, dapat watak-watak kayong maghahanap! Ganoon yun para mabilis kayong mapatay! ๐Ÿ˜‚ O kaya iiwan ka sa isang lugar tapos babalikan ka kuno tapos teggy na bes mo HAHAHAHA. 7. Sa dami-dami ng panahon na maghahanap ka ng nawawalang bagay o tao, dapat sa gabi ka maghahanap! Kailangan umuulan rin saka walang kuryente. Ganern! ๐Ÿ˜‚ 8. Kapag hihingi ka ng tulong, may darating na pulis para mamatay. So ayun, huli ka pa rin! 9. Kailangan kapag hinahabol ka nasa main road ka! Tama, hindi sa gilid, sa main road para madali ka mahabol at masagasaan! 10. Kapag pupukpukin mo yung killer, dapat mahina lang, pwede rin kapag binaril mo dapat daplis lang o kaya isa na lang ang bala. Nakakaloka rin yung kapag napukpok o nakasaksak ka ng killer, bibitawan mo yung weapon na kailangan mo sa buong scene. Nakakairita. Di ba dapat dala mo yun? Weapon yun e!๐Ÿ˜ซ 11. Kadalasan rin kapag iiwan ang mga batasa horror, doon sa loob ng closet/cabinet, ilalim ng kama, at CR. 12. Doon naman tayo sa mga rason kung bakit sila napadpad sa ganoong lugar! Marami sa kanila lumipat ng bahay, nagbakasyon para mamatay o para ubusin ang barkada nila, o kaya binalikan niya kasi yung childhood nya. 13. Sa mga sapi naman, dapat babae ang masapian. Dapat babaliktad ang krus, lilipad sa kama, magshe-shake yung buong bahay. Tapos litanya na Latin o German para mas nakakatakot. 14. May mamamatay na pari sa movie. 15. Usually yung killer may dissociative disorder (formerly known as Multiple Personality Disorder) o kaya Schizophrenia. Hayst. Bakit po ganon? 16. Kapag magsasalita na yung taong mamamatay, dapat malagutan kaagad siya ng hininga para confused ang bida. Hays. Hahaha. Ano pa ba? May naiisip ba kayo? Grabe lang.