Wednesday, August 30, 2017

RPm in the Making: Registration and Filing

Hindi ko alam kung bakit tina-type ko palang yung prc.gov.ph kinakabahan na ako, pero tuloy lang! :) Sinunod ko  lang rin yung steps ng online registration na pinost ng RGO sa page nila
(https://facebook.com/rgo.manila/posts/300174047122173)., pagkatapos ko i-fill up lahat ng necessary informations  chineck ko paulit ulit, natatakot kasi akong magkamali baka maging sumpa at tumuloy tuloy hanggang board exam  (dejk) pagkatapos, pumunta na agad ako sa bayad center para magbayad ng examination fee, ang ganda ng ngiti ko kasi  pakiramdam ko sobrang lapit ko na sa pangarap ko kaso, ilang bayad center rin ang nagreject sakin "Sorry di po kami tumatanggap ng fee sa PRC" o kaya "Nagcut off na po yung pagtanggap namin ng payment" pero okay lang, wala ng  makakapigil sakin! Sa wakas, tinanggap din ng lbc yung payment ko, sobrang ingat ko rin magsulat ng reference no., ilang beses ko ulit chineck, nung nasa counter na, bigla raw bumagal yung internet at hindi maprocess, sa sobrang  pagkadismaya ko hindi ako nakaalis agad, para namang tumama ako sa lotto nung sinabi nung officer na "Ma'am okay na  po yung connection" sa wakas!! nakapagbayad na rin ako, P970 yung total payment kung sa LBC kayo magbabayad. after nun, tinignan ko sa website ng PRC (sign in; got to existing transaction) kung okay na, may kulay green na all caps
nakalagay PAID at may nakaattach na rin na application form, ni-recheck ko muna bago ko i-print, pwede mo parin naman i-edit kung may mali.

The day before ng appointment date, ni-recheck ko ulit yung mga requirements (See list of requirements here:

https://facebook.com/rgoblepp/posts/1893350104237745) pina-photocopy ko lahat just in case na kailanganin, yung tatlong good moral certificates nakanotary at may documentary stamps, kakailanganin mo rin ng documentary stamp  para sa application form.

8 am - Appointment date nasa labas na kami ng Robinson's Galleria, 10 am nag oopen ang PRC sa ground floor ng Galleria kaya kailangan maghintay. #2 ako sa pila kaya mabilis lang, basta kompleto yung requirements wala namang  problema, may glue rin naman doon kaya hindi problema kung nalimutan mong idikit yung mga documentary stamps, relax  lang! Ito yung mga kinuhang requirements sakin:

Cedula (photocopy)
TOR (photocopy)
3 good moral certificates notarized w/ documentary stamps (original)
NBI (original)
Cert. of live birth (NSO. photocopy)
Application Form
CAv (original)
Passport size picture


Pero dalhin nyo parin both original and photocopy :)

Walang mailing envelope sa Robinson's Galleria kaya kailangan pang pumunta ng PRC Main office para bumili :) (price: P30)

Mabilis lang ang processing within 40 minutes or less may NOA ka na!

Good luck satin, mga chingu!

---

Thank you, Ms. K.G. for your sharing! Good luck!

Monday, August 28, 2017

MY TOMBSTONE

Here lies an Earthling's end of journey in the realm of material. Today, marks the beginning of another journey in the realm of forms.


Saturday, August 19, 2017

GUMISING KA, JUAN!

Maligayang pagdating sa bansang hindi lang gulay at palay ang itinatanim, kundi droga at baril! Hindi lang mga buto ang ibinabaon kundi mga malamig na bangkay ng inosenteng tao! Ilang libo na ang inaalay para sa katahimikan at kapayapaan! Sa ganitong paraan lang kasi maaaring maging payapa e! Wala nang iba! Ito ang pinaka-epektibo!

Sa totoo nga niyan eh, libo-libo na nga ang napatay eh kaya nga tuwang-tuwa na ang ilan kasi pasasaan pa raw ba at makakamit rin namin iyon basta makisama lang kami sa laban! Kaya nito lang nag-alay ulit kami ng isang buhay...

Siya nga pala si Kian Loyd delos Santos.

Isang binatilyo. 17 taong gulang. Walang habas na pinatay para sa kaululan ng mga naka-asul na uniporme pero syempre wala silang pakialam doon kasi collateral damage lang daw iyan.

Ang mga naka-asul na uniporme ay dating tinitingala ngunit ngayon ay pinandidirihan na ang ilan sa kanila ng madla. Marami na kasing naglipana na kumikitil ng buhay.

Matutuwa kaya si Lapu-lapu na simbolo ng inyong pagiging malakas? Isa nga bang kabayanihan yan? Wala kang bayag. Ang alam kong mandirigma ay siyang kumakalaban sa masasamang loob hindi mga nagpapanggap at nagkukubli sa asul na damit na animo’y bayaning sasagip sa’yo. May labing-apat na dahon ka pa ng laurel bilang simbolo ng karangalan, kagitingan, katarungan, at pribilehiyo na magsilbi sa bayan. Umaasa kaming tutulungan mo kami, ipaglalaban at nangako kang iaalay ang buhay para sa amin! Ngayon, kami ang nagsisilbing alay mo para mapunan ang mga pagkukulang at masunod ang mga utos na baluktot!

Nakakapanlumo na makita ang mga magulang na nagdurusa. Siguro, wala nang mas sasakit pa na naunang pumanaw ang anak mo at nasisilayan mo ang mukha niya sa ataul. Kinahon ang katawan ng anak mo, wala ng boses, wala ng buhay, nakapikit at wala nang pag-asang gumising.

Mga hayop. Mga walang puso. Nakakamuhi. Nakakagalit. Parang mga dahon na unti-unting nalalagas ang pag-asa ko sa bansa. Malaya ka nga ba talaga kung kusa mong kinakadena ang sarili mo sa mga ideya? Kung pinipilit mong bigyan ng hustisya yang baluktot mong paniniwala? Dahil hindi mo maamin na minsan ka ring napaniwala, naloko, at ngayo'y nasusugatan yang ego mo na baka mali ka nga ng desisyon!

Nakakalungkot isipin na kailangan pang mag-alay ng iilang tao para magising ka sa mga nangyayari sa lipunan. Huwag kang magbulag-bulagan, magbingi-bingihan at magtakip ng boses.

Kailangan ka ng sambayanan. Isiwalat mo ang nag-aalab na damdamin! Isigaw mo ang panaghoy ng mga namayapa at nasawi!

Gumising ka, Juan!




Friday, August 18, 2017

HELP ME SATISFY MY LOVE AND BELONGINGNESS, CHOS!

In order to achieve self-actualization, I need to satisfy one of its assumptions, to love and be loved. Can you please help me satisfy the love and belongingness needs? Chos!


Wednesday, August 16, 2017

DUN TAYO

Dun tayo sa mga taong kilala ka kahit hindi ka magsalita.

Sa mga taong buntong-hininga mo pa lang alam na nila. Sa mga taong hindi ka sinusukuan kahit na nagiging halimaw ka.

Yung mga taong mahal ka kahit hindi ka palaging masaya kasi alam nilang tao ka rin.

Yung mga taong hindi "hays" o "ayan ka na naman" ang isasagot sa'yo kundi papakinggan ka saka sasamahan ka.

Yung totoong naiintindihan ka.
Dun tayo.


Monday, August 14, 2017

MGA KAMAY NG ORAS

Sinilip ang relo, alas nuebe impunto. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga kasama ko sa loob ng tren, kasama ko ang mga taong hindi ko kilala. Sila ang mga dayuhan saa mundo ko. Araw-araw, iba’t-ibang anyo ng mga mukha ang nakikita ko na may iba’t-ibang hugis ng anino. Sa kabila nito, iisa lang ang sinasabi ng mga mukhang ito tuwing sumasapit ang dilim…

Gusto nang umuwi.

Sa karagatan ng mga taong walang pangalan, inisip kongnsino bang tuluyang malaya? Nahirapan akong mag-isip. Sino nga ba? Nainip ako at tinignan ang relo sa aking kaliwang braso. Alas nuebe na pala.

Natawa na lang ako. Wala palang malaya. Ang relong nasa braso ko ang nagkukulong nga pala sa atin. Mantakin mong ang napakaliit na makina sa mga braso mo ginagawa kang alipin? Ang oras, ang minuto, at ang segundo, araw-araw nating hinahabol na animo’y mga makina tayong pinapagana nito sa kanyang mga kamay!

Naiisip ko ngayon, ano nga ba talaga ang buhay? Hanggang kailan ba talaga tayo magiging malaya?


Sunday, August 13, 2017

THE END OF ITSELF

When you can't express your feelings for someone because you just feel it and deep within you... you've changed. It's like love in a prototaxic level or existentialist's way of saying that you can't just quantify how much you love her because it's too impossible to measure!

Walang structure, walang measurement, it's just love. It's just the end of itself.


Wednesday, August 9, 2017

A DOT IN A PALE BLUE DOT

We're all just a dot in this cosmic ocean so be humble as always, cherish every moment, and be nicer everyday.

This is just a realization of how vast the universe is! Funny that people seem to race in life when the most fundamental thing in life is living your days each day with those people you loved most.

I'm busy but I always make space to the person I love. Don't regret spending time with them.

Savor the moment.


Tuesday, August 8, 2017

MIND CONTROL

Have you tried to control your mind in an amazing way? Try it now. :) Feed it with self-affirming words or powerful words to somehow change you.

The awesome part of trying to control your mind is deceiving it with things that you've done something and feel some physical change within your body (e.g. bowel movement, sana fast recovery soon, etc). Sometimes, I use it to boost my confidence so others won't see na within I'm shookt. 😂

I tried to feed my mind that I took laxative last night to increase my bowel today. Haha. Ilang beses ko na rin ginagawa iyon. Ok naman. 😉 Cool no? 🙂 Next time, try ko yung sa mga simpleng sakit naman.  😂 Basta alam ko kapag ayaw ko, magkakasakit ako. I'll try the opposite pero conscious na this time. 😂

Note: Trials ko lang 'to sa akin.


Monday, August 7, 2017

AVERAGE JOE

This post is dedicated to all peeps who feel they are worthless and neglected because you always fall in the middle. Taong semi-cute, semi-pretty, semi-gwapo, at semi-in all aspects! Yes!

Cheers to all average and typical peeps out there! Walang piling of scores in the middle without us! Power! 💚💙 We set the norms! HAHAHA.

Minsan, ayos lang low key.
Zhaaapat Kha Bhezh.😂🤘