Friday, June 30, 2017

IKAW SA GITNA NG SIGALOT NG MUNDO

Sa mundo na maraming maingay, magulo, at laging "kailangang patunayan ang sarili", hayaan mong magkaroon ka ng lugar na kung saan magiging totoo at malaya ka.

Hayaan mo sila. Hindi mo na kailangan patunayan pa na importante ka kasi mahalaga ka. Tandaan mo iyan.

Ang mga titulo ay palamuti lang ng tao, ang tunay na katibayan ng kahalagahan mo ay ang pagkatao mo.

Gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa'yo. Piliin mong mabuhay araw-araw.


Sunday, June 25, 2017

BAHAGHARI: IBIG KONG UMIBIG




Pagmamahal. Hangal. Bahaghari. Hindi maaari. Ibig kong umibig.

Kailan ipinagkait ang pagmamahal? Kailan ipinagkait ang pag-ibig? Sa mundong maraming matang mapanghusga at dilang sintalas ng lanseta, nagtatago ang isang taong gustong magmahal at mahalin.

Maraming tanong na kailangan pang sagutin. Maraming paliwanag na dapat nilang marinig o hiling na dapat dinggin.

“Kailan ba ako nagkautang sa’yo?”

Kung minsan iyan ang tanong na gusto kong ibato. Wala kang alam sa nararamdaman ko. Kung gaano kahapding magmahal ang isang tulad ko ngunit marunong magbuhos at magmahal ng totoo. Kung gaanong kasakit ang itagong nagmamahal ako ay siya ring kay sarap sa pakiramdam na tanggapin ng isang taong uunawa sa’yo…ng buo.

Noong una, parang isang palaso ang tumagos sa pagkatao ko mula sa mga katanungan at mga salitang nanggaling sa ibang tao:

“Mag-anak ka kahit isa.”
“Sinong mag-aalaga sa’yo kapag tumanda ka?”
“Sayang!”
“Alam mo naman, hindi ka ikakasal, di ba?”

May panghihinayang sila sa akin. Hindi raw ako nararapat na magmahal ng kapwa ko babae dahil isa akong babae. Hindi kami ikakasal at hindi rin kami magkakaanak. Wala raw magbabantay sa amin kapag tumanda na kami. Nakakainis iyon, totoo. Isang simpleng pangungusap lang para sa iba pero hindi ko ito gustong pakinggan dahil para bang nag-uutos ito sa buhay ko…kahit hindi ko naman hiningi ang opinyon nila.

“Kailan ba ako nagkautang sa’yo para sabihin mo sa akin iyan? Kilala mo ba ako at alam mo ba ang sinasabi mo?”

Pucha naman! Kung manghihinayang ka na rin lang sa akin, sana ay nanghihinayang ka rin sa ibang mga taong nagpapakasal at nag-aanak na nagiging iresponsable, yung napagkakamalang libog ang pagmamahal.

Kung gusto kong magka-anak, mag-aanak ako hindi dahil sa gusto kong alagaan niya ako kundi dahil gusto ko, kaya ko, at mahal ko ang bata. Naramdaman ko. Maraming bata ang walang magulang sa mundo, naipanganak dahil sa ilang mga taong nagkataon na hindi nila kayang mapanagutan ang pangyayari sa kanila. Marahil, nandito kami para bigyan sila ng tahanan.

“Alam mo naman, hindi ka ikakasal, di ba?”

Hindi ko gustong agawin iyang kasal sa’yo ngunit huwag mo naman akong alisan ng karapatang bigyan ang minamahal ko ng karapatan na matamasa niya ang mga pinagpaguran ko. Tao ako kaya may karapatan ako. Hindi ba’t ginagawa ang batas para sa tao? Na kahit kabilang ka sa minorya ay may karapatan kang pahalagahan. Hindi ko hinihiling ang kasal para lang sa ritwal at malaman ng ibang taong nagmamahalan kami. Maraming paraan para maipakita iyon at napakakitid ng isipan mo kung ikinukulong mo ang pagmamahal sa ganoong paraan. Bigyan mo lang kami ng batas na po-protekta na kapag isa man sa amin ang mawala, masisiguro na hindi mapapabayaan ang aming naiwan.

Kung tutuusin, ayos lang na hindi ako ikasal. Magmamahal ako hangga’t humihinga ako, hangga’t kaya ko. Walang labels. Walang pagkukunwari. Alam niya ang pagkukulang ko at alam niya ang lahat sa akin. Alam niya ang mga sugat kong hindi lubusang gumaling ngunit nandiyan siya para ako’y yakapin.

Dahil ang alam ko, ang magtatali sa dalawang tao ay ang kanilang mga kaluluwang nagmamahalan ng totoo.

Huwag mong sabihin na duwag ako dahil mas matapang pa ako sa inaakala mo. Nagmamahal ako sa kung anong nararamdaman ko, sinasabi ko ang mga bagay na hindi gustong marinig ng iba…kahit hindi ito pasok sa iniisip ng nakararami. Hindi ba’t mas matapang ka kung pinasok mo ang isang relasyong tulad ng mayroon kami? Karaniwan na ang kalaban mo ang mundo, maraming mapanghusgang tao, walang seremonyas, walang proteksyon ang karapatan…pero pinili mo pa rin na magmahal DAHIL TAO KAMI AT ALAM NAMIN ANG NARARAMDAMAN NAMIN.

Hindi ba’t matapang kami? Kahit na naghuhumiyaw kami para ilaban ang aming karapatan, hindi mo pa rin kami pinakinggan. May narinig ka ba sa amin? Karaniwan tinatakpan ang aming bibig. Marami sa amin ang namamatay ng malungkot dahil hindi kami tinanggap.

Hindi mo naranasan ang kutyain, ang magbukas ng dibdib at sabihin “Ma, tomboy ako” na may takot sa dibdib na baka hindi ka tanggapin o kaya naman maging kabawasan iyon ng pagmamahal sa iyo. Hindi mo naman narinig sa isang bata na, “Ma, babae ako.” Dahil sa malamang sa malamang, isasagot ng nanay mo na “ Ano ka ba! Syempre babae ka!”

Masuwerte ka dahil wala kang ipinaglalaban ng gaya sa amin. Masuwerte ka dahil nasa loob ka ng tahanan mo at walang placard na bitbit o kaya naman magparade sa daan para lang ipakita na “tao kami tulad ninyo at normal rin kami.” Sa salitang normal, subhektibo ito pero gusto ko lang sabihin na hindi mental illness ang pagiging isa sa LGBTQ+. Hindi rin ito nakakahawa. Magbasa ka ng aklat, kausapin mo ang mga kaibigan mo sa nararamdaman nila kung kaibigan ka nga talaga para malaman mo, at mas lawakan mo pa ang isipan mo. Hindi kami espesyal. Simpleng tao lang kami na nangangailangan ng proteksyon tulad ninyo mula sa batas at sa ibang tao.

Sa isang banda, lahat naman tayo ay nakaranas ng pagbubukas at pagtalon, sa iba’t-ibang paraan at sa iba’t-ibang pagkakataon pero pare-parehas lang tayong nilalang na nakatapak sa lupa. Kung mayroon mang pagkakaiba ito ay maaaring dulot ng iba’t-ibang karanasan at kombinasyon ng mga bumubuo sa katawan pero halos iisa lang rin naman ng hinaing, ng kailangan, ng hinahanap.

Pagtanggap, respeto, ligaya at pagmamahal. Napakaliit ng mundo para gawin pa nating mahirap at malupit sa lahat.

Piliin mong maging maligaya. Piliin mong magmahal. Hayaan mong kulayan namin ng bahaghari ang mundong puno ng lungkot, galit, at poot.

Mahal ka pa rin namin kahit ang sakit-sakit na. Maghihintay kaming mahalin at tanggapin mo rin kami.





Monday, June 19, 2017

KAILAN BA SASAPAT?

Ilang beses mo ng tinatanong ang sarili mo, kailan ba matatapos ito? Paulit-ulit na lang ba halos lahat ng nangyayari sa buhay mo? Parehas na mga anino sa daan, iba't-ibang hugis ng mukha at katawan pero halos iisa lang naman silang lahat sa paningin mo sa tuwing madadatnan mo sa araw-araw, sila yung mga taong walang mukha sa'yo kasi hindi mo naman sila kilala...ni hindi mo rin alam ang pinagdadaanan nila. Ganoon rin naman sila sa'yo.

Tahimik kayong magkakatabi sa isang lugar, sa panandaliang oras nagkakasabay kayo at maya-maya naman ay kanya-kanya na kayo ng patutunguhan. Bukas, uulit na namang muli. Susubukang ngumiti, magsalita, at makinig. Iwawasiwas ang mga kamay na animo'y walang takot na nadarama o lungkot na mababakas sa mukha. Ngunit pagkalipas ng walong oras na pagbabalat-kayo, babalik ka na namang muli sa madilim mong kwarto. Huhubarin ang maskara.

Pagkamulat ng mata, uulitin na muli. Magtatanong na naman, kailan ba matatapos 'to? Alam mo yung pakiramdam na parang may kulang o parang hindi ka sapat pero hindi mo alam kung ano...o alam mo naman kaso ayaw mong aminin sa sarili mo? 

Kailan ba matatapos ito? Magsisimula mong malaman ang sagot sa sarili mo.

Sunday, June 11, 2017

TAHAN NA

Tama na. Tahan na, mahal. Ito na yung bukas na iyon. Bumangon ka na. 🙂

Ayos lang kung di ka pa masaya. Huwag mong pilitin...sa ngayon, tahan na. Unti-unti nating aalisin ang anino ng takot, babasagin ang kadena ng lungkot, at susubukan nating hawiin ang ulap. Unti-unti...hindi mabilis pero unti-unti susubukan natin. Susubukan mo. Gigising ka tuwing umaga at matutulog ng may bitbit na pag-asa.

Tutulungan kita, sasayaw tayo sa malamlam at magulong tugtog ng daigdig tapos hahawakan ko ang mga kamay mo. Hahayaan mo kong malaman pa ang kwento mo at lilibutin ko ang mundo mong dahan-dahang gumuho. Hindi mo kasalanan ito at hindi mo kailangan na pasan ito. Hindi mo kailangang mag-isa. Bubuhatin natin ito at susubukan nating lagyan ng buhay muli ito, basta't hahayaan mong palayain ang sarili mo kasabay ng pagtitiwalang may buhay pa na naghihintay sa'yo...

Masakit ang umasa pero aasa ako na baka isang araw hindi ka na magmamadali pang matapos ang araw...dahil sa wakas! Naisip mong nandito ako!


#65




KASARINLAN

Nasa ika-21 na siglo na, namamayagpag at binubunyi ang pagiging ganap mong malaya mula sa mga dayuhang dumaan at pagwawakas ng paglapastangan sa’yo. Ilang daan na ang nakalipas simula ng sakupin ka ng mga kaaway pero tila may panibagong himagsikan na nagaganap… hindi sa pisikal, kundi sa puso’t isipan.

Malaya ka na ba kung wala ng mga kanyon at baril sa daan? Kung ang mga bolo, lanseta, at itak ay hindi na nagkalat? Malaya ka na ba kung wala ng matataas na pader sa ilang mga isla? Malaya ka na nga ba kung kaming mga anak mo ay hindi na nakakadena at nakabilanggo sa kamay ng mga mananakop? Malaya ka na ba talaga kung may pagkakataon na kaming mag-aral? O ilusyon lang ang lahat?

Nagbago ang panahon ngunit nagbago lang rin ang pang-aalipin. Natutong magbalat-kayo na itinatago sa mga ngiti at pakikipagkaibigan. Kasarinlan nga bang maituturing kung kami rin ang nagiging isang dayuhan sa isa’t-isa? Kasarinlan nga ba kung ang mga pader ay hindi na sa pagitan ng mga bato kundi sa mga pagsasara ng pagkakataong sabihin na “susubukin kong unawain ka” o kaya nama’y “may punto ka” o kaya simpleng pag-amin na “nagkamali ako, susubukan kong itama ito.” Kasarinlan bang maituturing kung ang ilan sa ami’y hindi kayang tumayo sa sariling mga paa para malaman ang katotohan sa mga mapagkunwaring nagmamalasakit sa’yo? Malaya ka na nga ba kung nagpapalaganap ang ilan sa amin ng gulo at hindi kayang harapin ang mga ginawa sa’yo? May kasarinlan nga ba o makasarili na ang ilan?

Kinakandili mo kami ng pagmahahal habang niyuyurakan at ginagahasa ka ng iba. Nalulungkot, nagagalit, at naiinis ako. Patawarin mo kami dahil hindi kami naging mabuti sa’yo. Patawarin mo kami kung ikinukulong namin ang mga sarili sa mga ideolohiya na nag-uugat ng pagkakawatak-watak naming magkakapatid! Isinusuka namin ang isa’t-isa!

Wala ng mga kadena at bilanggo mula sa iba pero heto’t kami’y ikinukulong ang mga sarili sa kanya-kanya naming mundo! Wala ng mga bolo, lanseta, at itak o mga baril para sa mga dayuhang kaaway pero nandito ang mga matatalim na mga salitang tumatarak at bomba para sa isa’t-isa! Kinasusuklaman ko ang mga gawain ng mga kapatid ko! Kinasusuklaman ko na minsang naging bahagi ako ng pamilyang ito! Simula nang iniwan tayo ng mga nakatatandang kapatid para ibuwis ang kanilang sarili para isalba pa ang natitirang kahihiyan sa atin ngunit mas lalo lang lumala ang lahat!

Masakit man ngunit nahihiya akong humarap sa’yo. Nagagalit ako. Nalulungkot. Halu-halong pakiramdam. Hindi ka mahirap mahalin, Inay. Sadyang wala lang kaming lakas ng loob para tanggapin ang isa’t-isa… mahina at matigas para maunawaan ang salitang “kapwa.”

Malaya ka na ba, Inay? Malaya na nga ba kami ng mga kapatid ko? Malaya na nga ba tayo? Nakakalungkot na ang kasarinlan ay hindi sukatan ng pagiging malaya mula sa rehas at kadenang bakal kundi sa mga pagkakataong pinili maging bukas ang isipan, magalang sa karapatan ng iba, at tumutulong sa ikalalago mo. Ngunit pinili naming magpaagos sa ideolohiya ng nakararami, magpabulag sa baluktot na katotohan, maging bingi sa sigaw ng mga mamamayang lupaypay sa kahirapan, at sumabay sa ingay ng mundong walang katahimikan.

Kalayaan o paghalay. Kasarinlan o makasarili na ang ilan. Hindi ko na alam dahil nakikita kong magkakalayo na ang tatlong mga bituin sa bandila at nagiging malamlam na ang kasikatan ng araw.

Nawa’y bigyan mo pa rin ako ng pag-asa.


Monday, June 5, 2017

Sunday, June 4, 2017

MY CONFESSION

This is only a portion of myself that I want to share. It's difficult to actually share this on my personal account since I'm afraid of the adverse impact on those who knew me well. But I guess, I have to share this since I received personal messages and messages on this page about dealing with problems, having suicidal ideations, and stuff. It hit me because I was there for a looong time! Until now, there are still times when I have down phases (like now). Usually, other people see me with jovial, happy, and extraverted personality because I am really good at pretending that I'm okay sometimes. Pero usually nasanay na naman ako makihalubilo because of the nature of my work.

DAPAT KAYANIN KASI PSYCH MAJOR AKO. Sa totoo lang, mental health advocate ako, may MA plus nagtuturo na. Pressured? Yes! Takte dapat maayos ako e. But I realized, I'm still a person with feelings. Tao lang ako. I still need to have someone or to have friends with people who will never judge me kung ano ang nararamdaman ko hindi dahil sa inaral ko ang Psychology. Alam niyo yun? I think, kaya yata ako nasa field na ito kasi I want to help myself and to know myself na hindi naman ako binigo. Nakilala ko sarili ko, mas minahal ko sarili ko at mas marami akong natutunan na coping mechanisms. That's why, surprised ako kapag may nakakausap ako at may problem siya na sinabi sa akin tapos sasabihin niya..."Tama! Yan nga!" Minsan di ko lang masabi kasi na-feel ko rin yan. Charot. I learned a lot sa course ko like how to remove your bias, to just listen to someone's problems, to empathize, and others.

Minsan binibisita ako ng mga nararamdaman ko kapag mag-isa lang ako. Minsan na lang talaga. I think, ako yung tinatawag na high-functioning person that's why you won't believe me when I say I have problems, too. That's okay. Kaya ko naman na talaga.  I seek help when I really need help.

Kaya sobrang happy ako kapag may natutulungan at may hindi nagcocommit ng suicide dahil sa simpleng usapan namin saka sa pagadvice ko na magseek siya ng help. Walang masama naman na humingi ng tulong dahil tao ka.

Here's my few experiences (brief):

Age 17- Bombarded by problems; I stopped schooling; I had suicidal ideations, I really wanted to end it in different ways.

Age 18- Fortunately started another life at new school with new course

Age 19- Dreamt of being part of a quiz bee team because I was inspired in PAPJA

Age 20 - Rejected by professors because they see me as an average student in spite of winning in departmental quiz bee; We lost in national quiz bee; discouraged by the chairperson to join again; I cried tons of tears and I felt like I'm bobo and useless

Age 21- I'm stubborn so as my friends, with the help of our coach (actually di namin prof talaga that time siya rin si prof na tumulong on our first fight) we tried again; we made it to the top ten and we're part of university newsletter.

And so on...struggles sa paghahanap ng work, rejected multiple times, something happened at our home and I can't stay there, I lived in a different home for a while, stressed out sa graduate school tapos stressed out pa sa personal problems, jobless pa rin, homaygahd may board pa wala kong pera pang review, etc.

In short, life is a series of struggles and a series of winning those strugglesLearn to celebrate when you surpassed your obstacles, and cheer yourself up!

One of the most important lesson in life that I've learned as of this moment:

Don't give up because you have no idea what awaits in the future. Soon, you'll know your purpose in life. Sa ngayon, lumaban ka!

BLEPP 2017: REQUIREMENTS FOR RPsy

A Filipino citizen, or a permanent resident or a citizen of a foreign state/country which extends reciprocity to the Philippines relative to the practice of the profession.
no age requirement

Of good moral character and has not been convicted of an offense involving moral turpitude
Holds at least a master's degree in psychology conferred by a university, college or school in the Philippines or abroad recognized / accredited by the CHED and has obtained sufficient credits for the subjects covered in the examination: Counseling and Psychotherapy, Advance Theories of Personality, Advance Abnormal Psychology, Psychological Assessment

Has undergone a minimum of two hundred (200) hours of supervised practicum / internship / clinical experience relayed to services enumerated in paragraph (b) of Section 3 of R.A. No. 10029 and under auspices of a license psychologist or other licensed mental health professional

BASIC REQUIREMENTS

Original and photo copies of Transcript of Records with Special Order, Date of Graduation, seal of the school, with scanned picture and remarks " For Board examination Purposes Only" (Res. 2004-200, s'04) (Ched recognition / permit to operate for graduates of new schools / programs)
Original and photo copies of Birth Certificate (Philippine Statistics Office is formerly known as NSO)
Four (4) passport size colored pictures with complete name printed
Metered Documentary Stamps
Community Tax Certificate / Cedula
Examination Fee: Complete (900.00 pesos)
Marriage Certificate (if any)

ADDITIONAL REQUIREMENTS:

Three (3) certificates of good moral character, preferably from school, employer, church & barangay captain duly signed by the issuing authority and duly notarized under oath.
NBI Clearance (for PRC purposes)

FOR REPEATER

Original and photo copies of Transcript of Records & NSO Birth Certificate (with same specifications above)

Source:
Link for PSA Helpline (Issuance of Birth Certificate:




BLEPP 2017: REQUIREMENTS FOR RPms

A Filipino citizen, or a permanent resident or a citizen of a foreign state/country which extends reciprocity to the Philippines relative to the practice of the profession.
no age requirement

Of good moral character and has not been convicted of an offense involving moral turpitude

Holds at least a bachelor's degree in psychology conferred by a university, college or school in the Philippines or abroad recognized / accredited by the CHED and has obtained sufficient credits for the subjects covered in the examination: Industrial Psychology, Theories of Personality, Abnormal Psychology, Psychological Assessment

BASIC REQUIREMENTS

Original and photo copies of Transcript of Records with Special Order, Date of Graduation, seal of the school, with scanned picture and remarks " For Board examination Purposes Only" (Res. 2004-200, s'04) (Ched recognition / permit to operate for graduates of new schools / programs)

Original and photo copies of Birth Certificate (Philippine Statistics Office is formerly known as NSO)

Four (4) passport size colored pictures with complete name printed

Metered Documentary Stamps

Community Tax Certificate / Cedula

Examination Fee: Complete (900.00 pesos)

Marriage Certificate (if any)

ADDITIONAL REQUIREMENTS:

Three (3) certificates of good moral character, preferably from school, employer, church & barangay captain duly signed by the issuing authority and duly notarized under oath.
NBI Clearance (for PRC purposes)

FOR REPEATER


Original and photo copies of Transcript of Records & NSO Birth Certificate (with same specifications above)

Source:
http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/mListofRequirements.pdf

Link for PSA Helpline (Issuance of Birth Certificate:
https://nsohelpline.ph/

PROVE THEM WRONG

Nakakalungkot lang na ituturing ang isang tao na hindi nagwowork as useless. For example, mother (housewife) o kaya kaibigan natin. Sa totoo lang, mas useless pa nga yung mga taong judgmental. Yung porket nagwowork akala mo naman sobrang tumutulong sa chores pag uwi nila ng bahay. Saka yung mga tao na wala ng ginawa kundi mamuna ng ginagawa ng iba. Hindi ka pinanganak na "human cctv" para pansinin ang lahat saka hindi ka perfect. Kaya nagiging down ang self-esteem ng iba eh dahil sa mga ganyang insensitive na tao. Nakakainis.
Mabuti pa yung iba na "sa ngayon" hindi pa nagwowork laging pagod tumutulong sa family nila sa paraan na kaya nila. Sa mothers naman, hindi biro ginagawa nila lalo na kung hindi ka naman tumutulong sa bahay tapos insensitive ka pa.
This post is dedicated to those people na feeling nila down sila kasi wala pa silang work "sa ngayon" at feeling nila minamata sila. Ito sasabihin ko sa inyo, bilog ang mundo. Worth it ka. May nagmamahal sa'yo at hayaan mo sila. Di natin sila bati. ðŸ™„ Pwe.
Kudos nga pala sa mga bank na open sa mga taong gustong magkaroon ng personal account at wala pang source of income sa ngayon! Hooray sa Security Bank! Oh alam niyo na pupuntahan ninyo ha. ðŸ˜‰
Triggered lang ako e kasi may nalaman lang ako. Ayon. Wag tayong mapagmata sa kapwa. Bow.
Sa mga ibinababa, prove them wrong! ðŸ‘Š

Friday, June 2, 2017

Challenge = Mastery

I observed when you're performing well (industrial or academic setting), superiors tend to put too much work loads on you. Distressing, right?

Well, let's just take all these things as a challenge and a way to enhance our skills. It's not our loss, anyway. It's an advantage. A brain that's working hard will never go back to its former dimension rather it becomes flexible! Stretch it by doing novel activities and let your dendrites extend to other areas of the brain for more neural connections. 🤓

All new activities are uncomfortable and difficult at first, but sooner or later, they are no longer a problem. It will be just another skill that you've just acquired.

Bear in mind, all masters suck at first and they all started as a beginner. Just don't forget to manage your time as well as self-care ha! 🙂


Thursday, June 1, 2017

OPPORTUNITIES FOR RPms/Psych Graduates


Psychology offers a lot of opportunities! Yes, besh! As in! You just need to be patient in searching for the job positions that you desire. So here's the usual job positions for Psych Graduates:


Sometimes the term "psychometrician" is referred as "test administrator." You can work as psychometrician in a clinic or in school. 


If you are licensed, then you can teach Psychology subjects in college (more work loads, more money charot!) and your rate is different from those instructors without a license (in my case from previous work). Some schools are accepting RPms without MA units but there are some that strictly implements the applicants to finish the MA or to have at least MA units. 

Note: Sa K12 may ilan required 18 units ng educ at magtake ng LET pero pinapayagan naman na magturo habang nagtatake ng 18 units. Yung iba. <3


I think you are aware of these positions. The only issue in industrial setting, there are "some" companies that are not aware of the RPm license but , I strongly believe, eventually this will be professionalized and we will get what we deserve in the future.

Take note: Companies are required to use original/published test in screening their applicants. Sa ngayon, may mga pasaway pa nga lang.


Do you have what it takes to be a stalker? Charot. If you love research, psychological statistics, and psychometrics (said no psych major ever charot), then this is suited for you! Crunch crunch crunch! Masaya raw! 


Looking for oppa? Chos. Maybe you can apply as test administrator in Armed Forces of the Philippines. There are some people who claimed that you'll earn a rank once you passed the strict screening procedure. 


There are lateral entries for police officers. Maybe you are the next Cardo Dalisay! Chos. PNP is currently looking for Psychologist, who knows? Maybe RPms can work there as well.



There are many other job positions for as like Marketing Assistant and job positions in Advertising. All you need to do is to search and to create accounts online for you to find your desired position.

You can check this link to find the top 10 job search web sites!
http://designpinoy.com/job-sites-philippines/
https://www.thinkpesos.com/15-websites-where-you-can-apply-online-jobs-in-the-philippines/

Don't forget to include, kalibr, skill pages, monster.com.ph, and jobopenings.ph.


FIGHT UNTIL YOU MAKE IT

(c) Vision Wall
"One day the people that didn't believe in you will tell everyone how they met you."

Johnny Depp
(c) Vision Wall

This is true and it's funny.  Of course, you'll forgive them but you'll never forget how they made you feel useless by implicitly show that you're not enough.

These people look at you as someone that they can't use because you're only a fresh graduate without any connections and work experience but let me remind you... You are important! You have something! You have potentials!

You have head full of hopes and ideas. Don't lose it. Don't be discouraged. It's a difficult road but you'll be there soon...You just need to fight and continue to move forward! Even small steps will do. If ever you lose your hope because you felt like you're stupid on your first interview, that's okay! It's a difficult learning experience but it's something that we need to accept.

I cried tons of tears and chided myself for failing various interviews but I didn't give up. I continued to better myself everyday (until now I'm still learning), I rehearsed my script (yes I have script, I did it. I searched for various questions and answered it based on my own OJT experience and based on the needs of the company), and I even practiced nonverbal gestures (to act confidently and normal as possible). I have to do it. I have to do impression management and act as if I'm confident but deep down I struggled and impatient to get the position. Of course, I don't show it during interviews but it haunted me when I'm in my solitude.

To cut the story short, I made it. Then, a series of opportunities progressed.

Don't give up. One day, you'll work with people who refused to accept you before. They'll find you because they need you.

Work hard, work smart, and work until those people who discouraged, hurt, refused, and challenged you seek your help.

There's always something that awaits in the future so don't give up now. It's too early to concede. It may be hard for now since you're clouded with doubts, problems, and other things, but soon...you'll be there.

Fight!