Tuesday, April 25, 2017

TEACHER AKO, PROUD AKO

Napakaswerte ko lang na maranasan na makaakyat ng stage sa Ynares Center, Antipolo para tawagin ang pangalan ng mga students ng kolehiyo namin. Ang makita mong martsa ang mga students mo sa entablado habang tinatawag ang mga pangalan nila kasama ang mga magulang nila, sobrang saya.

Alam mo yung pakiramdam na iiyak ka na? Alam mo yung pakiramdam na para ka na nilang naging magulang? Iba pala talaga. Binuhos ko ang puso ko sa mga batang ito at alam kong ganoon rin naman sila sa abot ng makakaya nila at ayun na nga! Nakuha nila ang inaasam na diploma.

Babaunin ko ang mga alaala na ito at lagi kong pahahalagan ang mga magiging students ko. Ang makapagpagraduate at magawa mo ng maayos ang trabaho mo bilang guro, isang masarap at malaking pagkakataon na hindi ko sasayangin. Taas noo kong ipagmamalaki na teacher ako at alam kong nabuhay ako para sa larangan na ito para makatulong sa paraan na alam ko.

Sana maabot ninyo ang mga pangarap ninyo, huwag kayong sumuko. Umiyak kayo sa ilang beses na pagdapa, kahihiyan at katangahan na mararanasan ninyo pero huwag na huwag ninyong iisipin na mahina ka. Sa panahon na isipin mo iyon, binibigyan mo ng pagkakataon na matalo ka nito.

Labanan mo kasi makakaya mo ang bawat problema. Sana palagi ninyo iisipin iyan. Hindi mo kailangan na maging famous sa buong mundo o sa Pilipinas, ang kailangan mo lang gawin...mahanap ang pagmamahal mo sa mga gawain mo...susunod na lang ang iba. Sana mahanap ninyo iyon.

Palagi ko rin pagbubutihan pa ang aking mga gagawin at mag-aaral ng mabuti para sa kanila.

Note: Hindi ako nagpaalam, I hate goodbyes.

No comments:

Post a Comment