Kailan ko lang na-realized, tipong kanina lang...Ayoko ng pamamaalam. Naalala ko lahat ng pangyayari simula ng high school ako hanggang sa Master's degree.
Simula pa lang nang high school ako, hindi ako namamaalam ng maayos. After kong makuha lahat ng awards sa stage at matapos na ang graduation, umalis na kami agad ng parents ko. Hindi na ako nag-stay sa room para magpaalam o magsabi ng paalam sa teacher ko. Ayoko ng malungkot.
Noong college graduation ko, naulit iyon. Pagkatapos ng recessional, nagmamadali akong lumabas ng World Trade Center para umuwi kasama ang mother ko at girlfriend ko. Hindi ako nagpaalam sa mga classmates ko habang nagpipicture pa sila sa venue.
Noong nag-oath taking ako, mabilis rin akong umuwi. Wala na akong sinayang na pagkakataon, nagpicture lang ako doon sa isang mahalagang taong tumulong sa akin nang self-review tapos umalis na ako kaagad.
Noong Master's degree, naulit ulit. Mabilis pa ako kay Flash na lumabas ng bulwagan para umuwi na ulit.
Hindi ako umaattend ng Christmas party nang college ako at ilang beses na rin akong hindi sumasama sa outing. Wala akong ganoong feeling. Hindi ko feel nang college pa ako. Siguro ayoko nga kasi talaga, masyado akong focus sa mga goals ko.
Nang maging teacher ako, kailan ko lang na-realized na importante ang mga maliliit na kasiyahan para may maibaon ka kasama ng mga kaibigan mo...pero heto ako, hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na gawin iyon. Marahil ayoko ng mga bagay na para sa akin masyadong emosyonal at ayoko ng mga bagay na magpapalungkot sa akin. Ayoko ng mga alaala na magpapaalala sa akin.
Ngayon lang ako bumabawi sa mga ganyan, kailan lang ako nagsasaya. Buong buhay ko, seryoso ako. Nang bata ako, oo masaya ako, pero sobrang daming problems ng family ko noon eh. Kapag sa bahay malungkot ako, sa school kulang kulang ang mga gamit ko at matagal ako nagkaroon ng mga gamit para makapag-aral ng maayos. Overall, seryoso ako. Seryoso akong tao in real life. Kung hindi ako nagkagirl-friend, hindi ko alam kung anong klaseng tao ako. HAHAHA. Siya lang kasi nagpalambot ng puso ko saka nagpakita na ayos lang ipakita ang soft side. Siya rin ang dahilan kung bakit nasa larangan ako ng sikolohiya.
Ayoko ng pamamaalam. Ayokong maging malungkot. Natatawa ako, ako pala yung taong medyo detached type pero gumagamit ng facade na extrovert. Ang galing. Hahaha. Sa ngayon, palagay ko ambivert ako pero more on facade ang extraversion ko eh. Sa mga lectures ko, true naman lahat ng sinasabi ko pero after kasi noon sobrang drained ako tapos ayoko ng may kausap kapag nasa bahay na ako. Kailangan kong magrecharge. Mukhang makapal ang mukha ko kapag naglelecture ako pero sa totoo lang maraming beses na nauubusan rin ako ng lakas ng loob na manguna sa ilang situations, minsan ayoko rin sa harapan umupo at kung minsan nananahimik ako. Nag-oobserve lang. Pero minsan lahat naman ng energy nasa akin na tipong marami akong sinasabi at shinashare sa mga nakakausap ko kahit hindi ko naman sila kilala. Ang gulo no? Hahaha pero maniwala ka, ambivert ako. I have both characteristics ng personality type na 'yan pero in real life nga, serious ako...mas lamang ang pagiging seryoso. Stick lang ako sa bagay na alam kong makakabuti sa akin. Halimbawa, minsan lang ako magmahal. Iyon lang yung girlfriend ko. Siya lang. Siya ang first ko, siya na rin sana ang last ko. Hindi ako nag-try sa iba. Wala naman na akong nanaisin kasi saka ayoko siya saktan. 10 years na kami this year. Parehas kaming first in relationship. Ito yung example na seryoso talaga akong tao na kapag importante ka sa akin, kahit magmukha akong tanga ayos lang. Papasayahin kita. Ipaglalaban kita. Ganoon.
Mukha lang mahilig mag-joke. Sa sobrang galing ko yata magpanggap, akala ng iba naughty type ako na tipong iniisip ng iba na "player" ako. NO! Stick to one 'to. Hindi porket marunong magpatawa eh nagbabago-bago na. Kapag naisip mo sa akin yan, ibig sabihin hindi mo ako kilala. lol
Iilang tao lang ang nakakakilala sa akin at ilang tao lang ang nakakaalam ng kung sino talaga ako. Yung tipong kahit hindi ako magsalita alam na nila. Sila yung mga taong trusted ko. Most of the time kasi hindi ako madaling magtiwala. As in. Though you can see in my face na okay ako sayo pero may malaking social space doon na gusto kong bigyan mo ng respeto. Kapag tinamaan mo iyon, ewan ko na lang. Kaya ko lang gawin ang mga roles na binibigay sa akin ng situation pero after noon kaya kong magdetach. That's me.
Hindi ka maniniwala na, mabilis akong mag-detach at magaling akong magpigil ng emotions ko. Kaya nga nakatagal ako kahit paano sa isang company na sobrang stressful eh. Yung tipong kahit may lumuha sa harapan mo nandoon pa rin ang walls mo at objective ka pa rin sa situation kasi kailangan mong sumunod sa protocol. Tigas, no? Sa magkakapatid ako raw ang may pinakamatigas na puso. lol. Iyan talaga ang term nila sa akin. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Kapag sinabi kong gagawan ko ng paraan, gagawan ko ng paraan. Kapag mahalaga ka sa akin, babanggain ko ang iba para lang matulungan kita. Ganoon ako. Saka hindi ko binibilang yung mga nagagawa ko sa iba, wala lang. Basta kapag feel ko na gawin yun dahil yun ang role ko bilang teacher, mabuting human, o guidance counseling coordinator, gagawin ko yun...may sense of connection naman ako sa ganoon kasi sa mga naranasan ko rin ng bata ako na walang-wala kami...pero tulad ng sabi ko, hindi ko binibilang at wala sa akin yun. Ganoon lang talaga. Kaya hindi mo kailangan magpasalamat sa akin ng paulit-ulit. Isa lang ayos na tapos kapag nakita kong okay ka na saka kapag nalaman kong masaya ka sa nangyari, bayad ka na. Yun lang. Life goes on, isang story iyon na babaunin ko hanggang pagtanda, hindi ko makakalimutan yung feeling pero hindi ako mamamahay sa mga alaalang iyon ng matagal.
We are meant to explore various aspects in life. Damhin mo sila pero matuto kang magdetach kung kinakailangan. Ayos lang na maging masaya pero kung gusto mo ng privacy, ayos lang rin.
Palagay ko, dala rin kasi ng mga naranasan ko mula pa ng bata ako kung bakit rin ako ganito. Naubos na lahat ng luha at emotions ko dahil sa dami ng experiences ko. Naubos na ang luha ko at napagod na siguro ako.
To be honest, masayang-masaya ako sa mga students ko na nakatapos na...alam kong makikita ko pa sila. Hindi man ako nagpakita, kasi ng ayoko ng pamamaalam. Alam kong may next time pa naman. Saka sa buong buhay ko, yung mga parties na dinaluhan ko, sa kanila ko lang naranasan. Haha. Ang lakas nila.
Sana lang pagbutihin nila palagi. Sorry kung hindi ako nagpaalam sa inyo.
No comments:
Post a Comment