Kung mayroon man akong dahilan para mabuhay araw-araw...
Ito ay ang dahilan para sabihin ko sa 'yo na hindi ka nag-iisa sa laban mo.
Hindi mo alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito at kung paano tayo pinagtagpo. Kung sakaling nadatnan mo ako at malungkot ka. Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin hindi dahil sa masaya ako kundi baka parehas tayo ng pinagmulan at dala-dala.
Masyado ng puno ang mundo ng mga mapapait na mga kwentong walang saysay, mga kwentong hindi ko na maunawaan, mga galit, hinanakit at lumbay. Masyado ng konti ang mga taong lumalaban o kung lumalaban man ay walang tinig na naririnig. Tinakpan ng takot o binaon na lang sa limot.
Tandaan mo, mahal, sa ano mang laban mo, magulo man ang mundo... nandito pa rin ako. Hindi kita iiwan tulad ng pagtalikod nila sa'yo. Tinalikuran rin naman ako pero wala naman akong pakialam. Sa ligaya ko lang naman sila nakakasama ngunit mag-isa lang sa lungkot at lumbay.
Kaya, sasamahan kita. Iintindihin kita. Hindi kita iiwan.
My personal blog of sudden thoughts, ideas, realizations, and some issues that I would like to share with anyone.
Wednesday, October 26, 2016
TAGPUAN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment