I can sense all your struggles, bes. Mas sense ko na siya.
Medyo namiss ko rin naman yung gantong pressure sa sarili ko. Alam mo yung
pressure na kailangan mong gawin ang best mo sa paraan na kaya mo.
Nakakatawa lang dahil matagal-tagal na rin naman akong
nagbabasa pero ngayon ko lang ulit naramdaman yung feeling na confused ka sa
kung ano ang gagawin ko talaga. Charot. Ang nagpahirap ng konti rito yung
mismong paglalapat ng theory sa practice. Maswerte lang talaga ako sa
supervising psychologist na hinihikayat akong sumubok (pero di ako sure no.
Wala akong sinasabing magtake ako lol). Siguro, gusto ko lang muna gawin yung
best ko sa mga susunod na araw at buwan tutal marami-rami na rin akong
sinakripisyo para lang makapag-focus sa ginagawa ko.
Sana magkaroon ako ng lakas para magawa ito. Sana kayanin
natin mga bes yung struggles! HAHAHAHA. Wala naman taong perpekto parang ako,
di ba. Kahit na nag-aaral ako ng tuloy-tuloy kahit tapos na ako sa masters ko,
ang dami ko pa rin kailangang malaman. Minsan sobrang nakakadown rin kapag
hindi ko naabot yung objectives ko kaya sobrang dinidisiplina ko sarili ko. As
in. Kanya-kanya tayo ng coping mechanisms na makakatulong sa atin.
Nang isang araw sobrang nagalit ako sa sarili ko kasi bakit
hindi ko natapos yung dapat kong gawin. Kaysa magmukmok ako, naisip ko na
magpunta sa Ynares Sports Complex tapos binigyan ko sarili ko ng punishment ng
6 rounds jogging. Nawala yung inis ko at napalitan ng relief. Nakatulog pa ako
ng maaga kasi nabugbog ng konti. Hahahaha.
Habang sinusulat ko 'to, ayon nakalista na yung gagawin ko
para hanggang mga 11 PM. Kailangan kong magbasa at least 2 chapters. Sana
matapos ko talaga lahat ng nakaline-up na books. Next week, maghahandle ako ng
case sa rehab. Yey! Tapos magcoconduct ng interview, exams, at gagawa ng
reports. Magcacase conference rin kami. Nakakagana kapag iniisip ko na gagawin
ko na siya na parang totoo though guided ako ng psychologist.
Kayo ba? Siguro tatawa-tawa yung iba sa inyo kasi may 285
days pa bago ang #BLEPP2018 pero tandaan mo na isang kindat lang iyan. Dalawang
taon na rin akong naglelecture sa reviews at hindi ko rin namamalayan na natatapos ang
psych season. This year, malamang ganoon rin siya! Nasanay ko na sarili ko sa pagbibilang. Binibilingan ko ang reviewees pero this time nararamdaman ko yung struggles na iyon saka yung bagsik nito.
Huwag nang magpatumpik-tumpik, gawin na natin agad.
Ma-excite ka kapag maraming pinapagawa sa'yo! Kapalit niyan ay learning!
Magutom ka sa learning! Mas madali na ang practice kapag may alam ka...pero di
ko pa alam ang lahat kaya nag-aaral pa rin ako.
Tara, sabay
na tayong mag-aral. Good luck sa atin!
Hmmm, the
countdown begins tonight?
(1/285)
No comments:
Post a Comment